Chapter 19: Mine "Daddy . . ." Mahigpit niyang niyakap ang aking mga anak. Kinagat ko ang ibabang labi ko at nag-iwas tingin ako lalo na ng maramdaman ko ang luha na namumuo sa aking mata. "God, my babies," bulong ni Kai habang hinihimas-himas ang likod ng kambal. Tumikhim ako ng maghiwalay sila. "Anak, pumasok na kayo sa room niyo. Sige na," nagtatanong ang mata tumingin sila sa akin na para bang gusto pa nila makasama ang ama nila. "Sige na," pag-uulit ko. Tumango ang dalawa bago naglakad palayo. Pinanuod ko pa silang pumasok sa classroom nila bago ako bumaling kay Kairon na nakatayo na sa gilid ko. "Why you didn't tell me?" ramdam ko ang puot sa boses niya. Huminga ako ng malalim. "Huwag natin iyan pag-usapan dito. Anong oras ba uwian niyo?" tanong ko. Kinagat niya ang ibabang

