Chapter 5: f**k off! I'm married Kaagad kong nilapitan si Kairon. Mag aalas dos pa lang at hindi gano'n kalapit ang konstruksyon site na pinagtatrabahuhan niya ngayon sa munisipyo kaya nagulat ako ng makita siya. "Why are here baby?" tanong ko sa kaniya. Kaagad kong pinunasan ang noo niyang puro pawis. "Masama bang dalhan ng miryenda ang asawa ko?" madiin usal ni Kai na nakatingin kay Damond. Alam ko ang nasa isip niya, kilalang-kilala ko ang isang 'to. Paniguradong nagseselos 'to. Naiintindihan ko naman iyon. Napatingin ako kay Damond na prente lang na naka-upo habang pinapanuod kami ng asawa ko. God, hindi nakakatulong ang ngisi sa labi niya baka bigla na lang manapak ang asawa ko. Bumaba ang tingin ni Kairon sa akin napanguso siya at iniabot ang dala niya, "Para sa'yo baby, s

