Chapter 4: You're mine Naningkit ang mata ni Kai paghiwalay ng mga labi namin. His eyes settled on my lips. "Naglipstick ka?" tanong niya habang nakatingin sa labi ko, doon ko lang naalala na nilagyan nga pala ako ni Ma'am Beth ng lipstick kanina. Hindi ko alam na matagal pala mawala. He rubbed my lips using his thumb. "Nagdadalaga na ba ang asawa ko?" malumanay na tanong niya kaya sinapak ko siya sa tiyan. I know, he mocked me. "Nagdadalaga e may asawa na nga. Tara na nga! Pumasok na tayo, ang aga mo ah." Inakbayan niya ako hanggang makapasok kami sa bahay. Naabutan kong natutulog si Roscu sa sala kaya siguro hindi sumalubong sa akin. Tapos ay bukas ang tv namin siguro ay nanunuod si Kai ng dumating ako. Sinara muna ni Kai ang pinto bago naupo sa maliit na sofa namin. Ako naman ay

