Chapter 3: Who's that s**t?
Nakayuko lang ako habang kagat ang ibabang labi dahil sa sobrang kahihiyan na naramdaman.
"Nako, pagpasensyahan niyo na po itong si Dawn, bago lang kasi kaya kinakabahan pa," boses iyon ni Ma'am Beth.
Mas kinagat ko ang ibabang labi ko, nakakahiya. Baka pagalitan ako ni Kapitan, tapos matanggalan ako ng trabaho. Nakakahiya na sa asawa ko, wala na ako maitulong sa bahay.
Bahagya kong inangat ang tingin ko sa kaniya.
Nakita ko si Kapitan na pakamot-kamot ng batok, si Ma'am Beth naman ay sigeng haplos sa braso no'ng anak ni Mayor.
Yung anak ni Mayor ay matangkad, nakatayo siya ngayon habang pinupunasan ang pantalon niya. Nakakahiya, baka may pupuntahan pa ito siguradong pati panloob ay nabasa.
Shit!
Kapag nalaman ito ni Kairon, paniguradong mamatay iyon kakatawa. Nakakainis!
"It's okay, aksidente naman ang nangyari. Nagulat ko ata siya," nahiya ako lalo ng sumulyap ito sa akin.
"Sorry po talaga Sir."
Tumikhim si Ma'am Beth, "Sige na Dawn bumalik ka na doon, ayusin mo na 'yung inaayos mo kanina."
Nahihiyang tumango ako at humingi ulit ng paumangin sa anak ni Mayor. Ngiti lang ang sagot nito sa akin.
Nangmakapasok ako sa opisina ni Ma'am Beth kung saan ako nag-aayos ng mga papeles ay nanlalatang napaupo ako.
"Mabuti na lang at hindi nagalit," bulong ko.
Paniguradong kung ibang mayaman iyon ay sinigawan na ako, dapat magpasalamat na lang ako dahil mukhang mabait ang binata. Sana lang talaga ay makapasok pa ako bukas.
***
Tinuon ko ang atensyon ko sa mga pinag-utos sa akin. Nasermunan pa ako ni Ma'am Beth pagka-alis no'ng anak ni Mayor. Panigurado raw na nahihiya lang iyon pagalitan ako.
Nang matapos ako sa ginagawa ko ay nagpaalam na ako uuwi.
Ala-singko na ng hapon, hindi ko alam kung nasa bahay na ba si Kairon. May phone ako pero wala naman ako load, wala rin silbi.
Bitbit ko ang maliit na bag ko habang naglalakad, hindi pa naman gano'n kadilim. Madami pa rin tao sa kalsada lalo at nasa bayan pa ako. Mga trenta minuto bago ako makarating sa bahay sana mauna ako kay Kai para makapag-luto naman ako.
Alam ko naman kasing pagod iyon tapos paglulutuin ko pa.
Habang naglalakad ay nagsuot ako ng earphone at nagpatugtog.
Mabagal lang ang lakad ko habang sinasabayan ang kanta sa aking tainga ng may humintong puting kotse sa aking unahan.
Napahinto ako sa paglalakad, balak ko na sana umiwas sa pumaradang kotse nang bumukas ng pinto nito at lumabas ang isang taong hindi ko inaakalang makikita ko ulit.
"Sir..." Tinanggal ko ang earphone sa aking tainga.
Iba na ang suot niyang pantalon at naka t-s**t na siyang puti. Hmm kung asawa ko naka-ganyan mas gwapo.
Napalingon ako sa likod ko dahil baka iba naman ang dahilan ng paghinto niya pero wala naman.
"Where are you going?" tanong niya ng makalapit sa akin.
"Uhm, uuwi na ho Sir," napangiwi ako ng maalala ang katangan nagawa ko kanina. "Sir sorry po ulit kanina ha? Ang naisip ko kasi mapunasan e nawala po sa isip ko kung ano, kung saan natapon," nahihiyang pag-amin ko.
Tumawa siya, "It's okay, pero sa susunod huwag mo na gagawin iyon sa iba." Kaagad akong tumango. No way! Hindi na talaga.
Luminga-linga ako. "Saan po kayo pupunta?"
"Pauwi na sana ako nakita kita naglalakad and please stop using "po" hindi pa naman ako gano'n katanda, I'm Damond." Inilahad nito ang kamay sa harapan ko.
Napatingin ako doon. Bago ko iyon abutin nakakahiya naman, "Dawn."
Tipid itong ngumiti bago bitawan ang kamay ko, hindi ko alam kung imahenasyon ko lang o talagang pinisil niya ang kamay ko.
"Hatid na kita," alok niya tapos at tinuro ang kotse niya.
Kaagad akong umiling, "Nako, hindi na Damond, nakakahiya naman."
"Don't be shy, sige na idadaan na kita sainyo. Hindi rin naman kita hahayaan maglakad saka padilim na rin,"
Kinagat ko ang ibabang labi ko, "Maglalakad na lang ako, malapit lang naman iyo—"
"Pang-bawi mo na lang sa nangyari kanina." Tumaas-taas pa ang kilay niya.
Nahihiyang napa-tango na lang ako, dapat nga magpasalamat na lang ako dahil hindi na ako mapapagod at maaga pa ako makakauwi mapag-luluto ko pa si Kai.
Inalalayan niya pa akong sumakay sa kotse niya bago siya umikot sa driver seat.
Inayos ko ang seatbelt ko bago umayos ng upo. Nakakamiss din pa lang sumakay sa kotse.
Tipid akong nginitian ni Damond bago paandarin ang kotse. Sinabi ko sa kaniya kung saan ang bahay ko.
"So, how old are you?" tanong niya.
Mabagal lang siya magpatakbo ng kotse.
"I'm twenty three, actually my birthday was yesterday," sagot ko at umayos ng sandal. Ah, I missed the smell of air conditioner.
Sumulyap si Damond sa akin, "You have an accent, you have a white soft skin, I mean hindi ka mukhang mahirap and the way you walk and speak. Don't get me wrong napansin ko lang," nakita ko kung paano niya kagatin ang ibabang labi parang nahiya siya sa sinabi niya.
Ngumiti ako. "Hindi ako mayaman, ang magulang ko sa Baguio ang may kaya."
Mukhang nakuha ko ang atensyon siya dahil mas binagalan niya ang pagda-drive.
"What happened now?" buong kuryosidad na tanong niya.
Ilang segundo ako natahimik, "Hmm, umalis ako sa amin e. Then two years ago I got married here."
Tumango-tango siya animong naiintindihan ang pinagsasabi ko. Hindi ko alam bakit kampante ako sa kinukwento sa kaniya.
"So you're married at the age of twenty one? Wow. I feel so old," aniya kaya natawa ako.
"May anak na kayo?"
Umiling ako habang may ngiti pa rin. "Wala pa, plinano talaga namin huwag na muna mag-anak kasi nag-iipon pa kami."
Sumulyap siya sa akin. "You're in love, kapag nagsasalita ka parang kumikinang ang mata mo."
Ngumisi ako. "Yea, mahal ko e."
Tumango-tango lang siya.
Natanaw ako ang maliit ngunit magandang bahay namin na kulay pink, "Dyan na lang sa kulay pink na bahay." Turo ko.
Nang maihinto niya sa harap ay tinulungan niya ako tanggalin ang seatbelt ko.
"Salamat sa paghatid, Damond."
Binuksan ko ang pinto at lumabas. Bahagya siyang yumuko upang makita ako.
"You're welcome."
Bahagya akong tumango bago isara ang pinto. Umatras ako para makadaan siya, isang beses pa siyang bumusina bago umalis.
Napangiti ako ng maalala ko ang sinabi niya, 'I'm in love' absolutely yes. I love my husband.
"Who's that s**t?"
Napaigtad ako ng marinig ko si Kai sa gilid ko. Nakakrus ang braso niya sa harap ng dibdib.
"Kai..."
Matalim ang mata niya sinundan ng tingin ang kotse ni Damond.
Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya ng mabilis sa labi. "I'm home baby," bulong ko habang magkalapit pa rin ang labi namin.
Inilapit ko ulit ang labi ko sa kaniya, lihim akong napangiti ng ibukas niya ang kaniyang bibig bago ako hawakan sa beywang.
***