Chapter 2: Are you married?
"f**k baby!"
Mariin akong napapikit at napakapit sa balikat ng aking asawa habang habol ko ang aking hininga. Ramdam na ramdam ko ang bahagyang pagnginig ng katawan ni Kai sa aking ibabaw habang sinisimot ang lahat ng katas niya.
Kusang bumaba ang aking hita na kanina lang ay nakapalupot sa kaniyang baywang.
Bahagya pa akong napa-ungol ng hugutin niya ang kaniyang alaga bago tumabi sa akin. Kaagad niya akong pinaunan sa kaniyang braso at niyakap ng mahigpit sa aking baywang.
Rinig ko rin ang habol niyang hininga bago ako masuyong halikan sa pisngi.
"I love you so much, Dawn."
Nakapikit akong napangiti. "I love you too."
"Sorry, masyado ata kitang napagod, I can't help it baby," aniya at isiniksik ang katawan sa akin.
Dumilat ako at dinungaw siya. "Ayos lang."
"Nasaktan ba kita masyado?" malumay na tanong niya.
Totoo naman, iba ngayon si Kai siguro ay dahil isang linggo rin simula noong huli may nangyari sa amin. Lagi na kasi siyang pagod pag-uwi niya galing sa buong araw na pagtatrabaho.
"Masakit ang binti ko saka 'yung ano ako medyo mahapdi," pag-aamin ko.
Dinala niya ang kamay ko kung nasaan ang singsing ko sa kaniyang labi at masuyo iyong hinahalikan.
"I'm sorry, namiss ko lang ang asawa ko," tumango ako bilang sagot.
Ayos lang naman talaga kasi sa akin. I love it, anyways.
Ilang sandali kaming natahimik, mag-aalas dos na rin ng madaling araw. Paulit-ulit pa rin niyang hinahalikan ang aking kamay kaya naman napatingin ako sa kaniya.
"May problema ba?" I asked him.
"Kilala mo talaga ako noh?" Tumango ako. Alam na alam ko kapag may iniisip siya o may bumabagabag sa kaniya.
Bumuntong-hininga siya.
"I'm sorry kung hindi kita nabigyan ng magarbong kasal, sinabi ko sa'yo noon hindi kita papabayaan, na aalagaan kita at papasayahin pero ngayon napapa-isip ako kung masaya ka ba sa akin? Kung mapapasaya pa ba kita sa mga susunod na araw na dadating sa atin? Ni hindi kita mabilhan ng masasarap na pagkain, ni hindi kita madala sa magagandang lugar. Minsan napapa-isip ako, paano kaya kung hindi kita kinuha sa buhay na mayroon ka, sa marangyang buhay. Baka, baka malayo na ang narating mo. I think I'm being selfish." Nangilid ang luha ko dahil sa kaniyang sinabi.
Humarap ako sa kaniya bago ko sinapo ang ang mukha niya.
"Don't think that way, masaya ako sa'yo Kai. Wala akong pinag-sisisihan sa pagsama ko sa'yo. Wala naman ako pakielam sa mga magagarang bagay na maaari kong makuha doon. Aanhin ko iyon kung hindi ko makakasama ang taong mahal ko. Kai, I don't need material things, I want you. Hindi magbabago iyon."
Hinalikan niya ako sa noo. "Thank you."
Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang makatulog na kami.
***
"Susunduin kita mamaya?" Kaagad akong umiling sa sinabi ng aking asawa.
"Hindi na, maglalakad na lang ako. Saka madami rin ata kayong tatapusin ngayon araw, kaya ko naman na. Don't worry Kai." Ginawaran ko siya ng isang matamis.
Dapat nga magpasalamat ako dahil pagkatapos kong pilitin si Kai na magtrabaho ako ay napapayag ko na rin siya.
Noong una ay ayaw pa niya kesyo siya raw ang lalaki sa pamilya namin kaya dapat siya ang kumakayod. Pero hindi naman puwede iyon lalo't hindi namin ano ang mangyayari sa future, baka madagdagan ang pamilya namin lalo't plinano namin na magkaanak na.
Kailangan namin ng pera.
"Sigurado ka?"
"Yes po, mag-iingat ka sa work mo ha?" Tumango siya bago ako halikan sa noo.
"Sige na pumasok ka na muna saka ako aalis." Napapailing na sinunod ko na lang siya.
Lumingon pa ako at kumaway kay Kairon bago pumasok sa munisipyo.
Magtatrabaho ako sa opisina rito, assistant lang. Tiga-ayos ng mga papeles at kung may ipag-uutos. Ayos na rin ito kaysa nasa bahay lang ako.
"Ineng nandyan ka na pala halika!" bungad sa akin ni Ma'am Beth na siyang papalitan ko. "Ang gandang bata mo pala, ang bata mo pa may asawa ka na?" Napangiti na lang ako at tumango sa sinabi niya.
Sa ngayon ituturo muna niya sa akin kung anong gagawin. Medyo may katandaan na rin siya, hindi ko tuloy maiwasan na isipin sa kaniya si Nay Noring.
Hanggang lumipas ang oras ay abala ako sa pinapagawa niya akin na papeles na kailangan ko ayusin sa alphabetical orders.
Napatigil lang ako sa pag-aayos ng biglang pumasok si Ma'am Beth animong may tatawagan. Sinundan ko lamang siya ng tingin. Hindi nga ako nagkamali ng kunin niya ang kaniyang cellphone.
"Kap, opo eh magpaparehistro ho pala 'yung anak ni Mayor dito. Papadating pa lang po, sige pupunta po kayo? Sige po Kap," mabilis na pakikipag-usap nito sa kabilang linya.
Nakita kong naglagay pa ng lipstick si Ma'am Beth bago mag-ayos ng buhok. Anak ni Mayor? Kaya siguro aligaga si Ma'am Beth.
"Dawn."
"Po Ma'am?"
Tumayo ako at lumapit sa kaniya, "Dadating ang anak ni Mayor, medyo magtatagal pa iyon pagkatapos magparehistro baka makipagkwentuhan pa iyon, ikaw magtimpla ng kape. Sarapan mo," bilin niya sa akin habang nagsusuklay
Bigla naman ako kinabahan.
"Hindi po ako masarap magtimpla ng kape," pag-aamin ko.
"Ano ba sabi ng asawa mo kapag pinagtitimpla mo ng kape?" Taas-kilay na tanong niya. Kumunot naman ang noo ko dahil doon.
"Masarap daw po."
"Yun naman pala e! Masarap. Edi kung ayaw niya ng kape huwag niya inumin. Nako, hala sige na ayusin mo muna ang buhok mo at maglagay ka naman ng lipstick namumutla ka e parang kahit anong oras babagsak ka na lang, "mahabang sabi niya.
Napangiwi ako dahil doon, sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking kamay.
Inabot sa akin ni Ma'am Beth ang lipstick niya pero umiling ako, hindi ko naman kailangan iyon. Nagulat ako ng tumayo siya at siya mismo ang naglagay sa labi ko.
"Hayan, para medyo magkabuhay naman ang mukha mo," aniya.
Hindi na ako nakipagtalo habang napapakamot na lang ako sa batok. Hindi naman kasi ako pala-make up.
Lumipas pa ang minuto ay dumating na ang anak ni Mayor. Kaagad akong hinila ni Ma'am Beth para ipagtimpla ito ng kape.
Ipinagdasal ko na lang na sana ay hindi ako pumalpak baka unang araw ko pa lang ay matanggal na ako.
"Dalhin mo na ang kape sa office," sabi ni Ma'am Beth. Tumango naman ako habang dala ko ang tray na may dalawang kape. Isa para kay Kapitan at para sa anak ni Mayor.
Si Ma'm Beth ang kumatok.
Napalunok ako pagpasok ko sa opisina. Deretsyo ang tingin ko sa tray na dala ko, ibinaba ko ang unang kape sa harap ni Kap. habang tumatawa ito at kinakausap ang anak ni Mayor.
"Salamat iha," sabi nito ngumiti lang ako kay Kap na kakilala ko naman na.
Pumunta ako sa gawi ng anak ni Mayor sa kabilang dulo.
Doon pa lang ako nag-angat ng tingin. He looked at me, nagtama ang aming mga mata. Matangos ang kaniyang ilong at mahaba rin ang kaniyang pilik mata. Naka-long sleeves siyang itim na nakatupi hanggang siko. Hindi ko alam na halos magkasing edad lang kami.
Napakurap-kurap ako ng pasadahan niya ako ng tingin.
"Kape po," hindi ko alam kung bakit nanginginig ang kamay ko, siguro dahil sa kakaibang pagtingin niya sa akin. Kinabahan ako.
Napatingin siya sa kamay ko. "Are you married?"
Nagulat ako sa tanong niya kaya bago ko pa maibaba ng maayos ang tasa ay natapon na ito at kaagad tumulo sa pantalon niya.
Narinig ko ang pagsinghap ni Ma'am Beth pati ang pagtayo ni Kapitan.
Napaawang ang labi ko. "Sorry po! Sorry po!" kinakabahan usal ko.
Mabilis siyang tumayo. Nanginginig ang kamay na inabot ko ang tissue na inabot ni Ma'am Beth. Wala sa sariling pinunasan ko ang pantalon niya na natuluan ng kape.
"Dawn!" Napabaling ako kay Ma'am Beth ng sumigaw ito.
"P-Po?"
"Anong ginagawa mo?!"
"Pinupunasan ko po—" Napalingon ako sa lalaki. Nakaawang ang labi niya habang nakatingin sa ginagawa ko parang gulat na gulat siya.
Nanlaki ang mata ko sa realisasyon.
"Oh my God sorry!"
Napatakip ako ng bibig. Oh s**t! Pinunasan ko ang pantalon niya malapit sa kaniyang gitna. Hindi ko sinasadya.
Ohh s**t!
***