Chapter 1: Happy birthday
Napangiti ako nang marinig ko ang pagtahol ng aso sa labas ng bahay. Hindi 'yung tahol na galit ito kung hindi parang tuwang-tuwa ito sa dumating.
I smiled because of that.
Ipinagpatuloy ko ang pagpi-prito ng tinapa. Well, atleast I learn how to fried.
Habang ibinabaliktad ko ang isda ay may matikas na braso ang yumakap sa akin mula sa likuran. Napangiti ako lalo ng ilagay niya ang kaniyang baba sa aking balikat.
"Ang bango naman ng niluluto ng asawa ko," he whispered on my ear. His voice was soft and calm.
Napangiti ako at hininaan ang kalan bago humarap sa kaniya. I saw some sweat on his forehead so I wiped it with the back of my hand.
"Ang aga mo ata ngayon?" pansin ko rito. May trabaho kasi siya ngayon sa simbahan, under renovation ito at kailangan ng tauhan kaya pumasok si Kai roon.
Ngumiti ang aking asawa at inipit sa tainga ko ang kaunting buhok na nahulog sa mukha ko. "Maagang natapos ang ginagawa namin sa simbahan kanina at hindi lang iyon," itinaas nito ang dalang plastic kaya napatingin ako roon. "Naka-bali ako ng pera, binili kita ng pasalubong. Happy twenty three birthday baby," malambing niyang wika.
Nawala ang ngiti ko sa aking labi dahil sa sinabi ni Kai. I was so shocked, nangilid ang luha ko.
Mukhang nataranta siya dahil doon kaya sinapo niya ang aking nagkabilang pisngi.
"May problem ba Dawn? Akala ko pa naman magiging masaya ka kasi binilhan kita ng bagong damit, minsan lang naman ito saka—"
Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya mahigpit kong niyakap ang aking asawa. Wala akong pakialam kahit amoy pawis pa siya at galing sa arawan.
"I'm so happy Kai. Hindi ko na nga naalalang birthday ko ngayon. Hindi ko naman kailangan ng bagong damit pero natutuwa ako kasi hindi mo ako nakakalimutan," madamdamin usal ko.
I felt his hand caressing my back.
"I will never forget you, everything about you. Kalimutan ko na pangalan ko pero hindi ko kakalimutan lahat ng tungkol sa'yo, nunal mo nga sa buong katawan bilang ko." Natatawang usal niya.
Natawa rin akong pinunasan ang luha ko bago siya kinurot sa tiyan. Kaagad akong napangisi ng makapa ang matigas niyang tiyan. Hmm abs.
"Thank you baby."
Ngumisi naman siya animong may naiisip na kalokohan. "Alam mo naman kung paano ang gusto kong pag-thank you mo." Tinaas-taas pa niya ang kaniyang kilay.
Napapailing na lang ako sa mga pinagsasabi niya. Kahit kailan talaga ay mahalay ang lalaking ito. Pasalamat siya't mahal na mahal ko siya.
"Oo na po, sige na maligo ka na. Tatapusin ko lang itong niluluto ko tapos kakain na tayo."
Tumango naman siya. "Sige asawa kong maganda't mabango. Ilalagay ko lang sa hanger 'tong regalo ko sa'yo at maliligo tapos kain na tayo."
Tumango na lang ako.
Mabilis niya akong hinalikan sa labi bago bahagyang kagatin ito.
Napapailing na lang ako ng tumalikod na siya para pumunta sa kwarto namin, maliit lang ang bahay namin. Isang kwarto, isang banyo, maliit na kusina at sala. Saktong-sakto lang sa amin dalawa.
Pinatay ko na ang apoy sa kalan. Narinig ko naman kinakausap ni Kairon ang aso namin si Roscu na nasa sala.
"Hey baby Roscu, binantayan mo ba si Mommy habang wala ako? May pumunta ba rito? Kapag lalaki sakmalin mo kaagad ha?"
Napataas ang kilay ko dahil sa mga narinig. Hindi ko na nasundan ang mga sinasabi ni Kai sa aso namin. Parang binibilinan niya ito kaya hinayaan ko na hanggang marinig ko ang pagsara ng banyo.
Naghain muna na ako habang hinihintay siya.
Nakatira kami sa isang maliit na bahay sa Pampanga, tatlong taon na simula ng umalis kami sa Baguio kung saan nakatira ang mga magulang ko. Minubuti namin na lumayo na lang.
Habang naglalagay ng kutsara sa lamesa ay wala sa sariling napatingin ako sa aking singsing, tanda ng pagmamahalan namin ni Kai.
Dalawang taon ng ikasal kami sa kasalan bayan.
Hindi naman importante sa akin ang magarbong kasal o mamahaling singsing. Sapat na sa akin ang maikasal kami, ang importante naman ay kung sino ang ihaharap ko sa altar. I know I made a right decision. I don't have any regrets.
"Baby, you okay?" Napabaling ako sa aking asawa na kakapasok lang sa kusina habang tumutulo pa ang buhok at may hawak na tuwalya.
He brushed his fingers through his wet hair, causing the muscles in his arms to flex.
Napangisi ako, "Bilis mo ata maligo?"
Naglakad siya papalapit sa lamesa. Pinaghatak muna niya ko ng upuan bago umupo sa kaniyang puwesto. Maliit lang ang lamesa namin, sapat lang sa amin dalawa.
"Namimiss ko na ang asawa ko e saka nagugutom na ako." I laughed.
Magsasandok na sana ako para paglagyan siya ng kanin ay inunahan niya ako at siya na mismo ang naglagay no'n sa pinggan ko bago sa kaniya. Gano'n din ang ginawa niya sa ulam.
Habang pinaghihiwa ako ng kamatis ay kinukwento niya sa akin ang buong araw na nangyari sa bayan.
"Iyon nga baby, sabi ni father hindi ka na raw nagagawi roon. Sabi ko naman nagpapaputi ka," biro niya kaya sinapak ko siya sa braso.
"Baka maniwala 'yon." Napanguso ako dahil hindi naman iyon totoo.
Humalakhak lang siya bago kurutin ang pisngi ko napangiwi ako dahil may katas pa ng kamatis ang kamay niya.
"Kai naman!"
"Ops! Sorry baby akin na punasan ko," nakangising aniya.
Sumenyas siyang ilapit ko ang ulo ko kaya ginawa ko. Napakurap-kurap ako ng imbes na punasan niya ng kamay o damit ang pisngi ko ay dinilaan niya iyon.
"Sarap ng kamatis."
Kaagad ko siyang sinampal sa braso.
"Kai! Ang manyak mo naman e!" Tawa lang ang sagot niya bago nagsimula kumain.
Pabirong inirapan ko siya bago punasan ang pisngi ko.
Magana kaming kumain habang nagkukwentuhan, hindi ko maiwasan mapatitig sa kaniya habang nagkukwento siya.
Nagkakamay pa siya habang maganang kumakain ng sunog na tinapa na luto ko habang ako naman ay nakatinidor pa.
Napatitig ako sa balat ni Kai, hindi naman siya maitim pero hindi rin siya maputi. Dahil laging nasa arawan siya at nagtatrabaho para sa amin ay nakabilad din siya.
Mukhang napansin siya ang pagtitig ko kaya kumindat siya.
"Pinagnanasaan mo ba ako Dawn?" Mapanuksong tanong niya tinaas-taas pa niya ang kaniyang makapal na kilay.
"Oo, gwapo kaya ng asawa ko tapos masipag pa," buong pagmamalaki ko bago sumubo ulit.
He looked me intently.
"Talaga? Gwapo pa rin ako kahit hindi ako kasing gwapo ni Chris Evan o nung Taehyung? Ayos lang sa'yo?" tanong niya. Nakita ko na parang natatakot siya sa maaaring maging sagot ko.
Masuyo kong hinaplos ang pisngi niya.
"Kai, kahit sino pang-iharap sa akin. Ikaw pa rin. Ikaw pa rin ang pipiliin ko."
Kinagat niya ang ibabang labi animong nangingiti siya sa sinabi ko.
Inilapit niya ang mukha sa aking tainga at bumulong.
"Gusto ko 'yung kinakain natin dito, pero mas gusto ko 'yung kakainin ko sa kwarto," malambing na bulong niya.
Nanlaki ang mata ko.
"Manyakis!"
He chuckled and bent down to give me a peck. His lips felt cold and wet.
Thanks God, I have this man. Man that love me the way I love him.
***