PROLOGUE

1497 Words
PROLOGUE: Malakas ang kalabog ng puso ni Dawn habang mahigpit ang hawak sa bag na dala niya. Pinipilit niyang huwag makagawa ng kahit anong ingay habang nagpapalinga-linga pababa sa hagdanan. I need to get out of this mansion. He's waiting for me. Malalaki ngunit maingat ang bawat hakbang niya papunta sa pintuan sa likod ng malaking bahay nila. Kaagad siyang sinalubong ng mayordoma na itinuring na rin niyang pangalawang ina. "Nay koring," she called the old woman. Kaagad siya nitong hinila sa gilid malapit kung saan naglalaba ang mga katulong. Madilim na ang buong paligid at mga maliliit na ilaw sa pader lamang ang nagbibigay liwanag upang makita nila ang mukha ng isa't-isa. "Sigurado ka na ba rito, iha?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya habang masuyong hinahaplos nito ang kaniyang braso. She smiled warmly at the old woman. "Nay, I can't stay in this house. Hindi ko na kaya. All my life, I've been a good daughter alam niyo po iyan. But this time I want to be happy. Happy with my m-man." She stammered, tears rolling down to her face. Mas humigpit ang hawak ng matanda sa kaniyang braso. Alam na alam nito ang pinagdaanan niya. Ito lang kasi ang pinag-lalabasan niya ng sama ng loob habang ikinukulong siya ng magulang sa bahay. "Naiintindihan ko iha, pero ang Daddy at Mommy mo siguradong malulungkot ang mga iyon kapag umalis ka," nag-aalangan na usal nito sa kaniya. Para naman may sumakal sa puso niya dahil doon. Ayaw naman niyang iwan ang magulang pero habang tumatagal siya sa bahay ng magulang ay parang hindi siya makahinga. She might end up going crazy. Mababaliw siy kakadikta ng mga ito sa kaniya. "Alam ko pong magiging maayos sila, hindi ko po alam kung matatanggap pa nila ako pagkatapos nito pero nay, I want to be free, to feel love at hindi ko ho magagawa iyon kung pagbabawalan nila akong makita ang lalaking mahal ko," mas humigpit ang hawak niya sa bag. Hindi na muli nagsalita ang matanda ngunit mahigpit siya nitong niyakap. "Kapag kailangan mo ako, huwag kayo mahihiya lumapit sa akin," ani ng matanda kaya tipid siyang ngumiti at pinunasan ang luha. "Opo nay." "O siya, lumabas ka na. Paniguradong naghihintay na ang nobyo mo sa labas. Mag-iingat kayo Dawn." Kahit kabado ay tumango siya, hinatid siya ni Nanay Koring sa pintuan sa likod ng bahay nila. She looked around to make sure that no one is following her. Nang makarating sa pinto ay tipid lang siyang nginitian ng matanda bago ito may inipit na pera sa kaniyang palad. "N-Nay..." "Alam kong tinanggalan ka ng pera ng magulang mo, maliit lang iyan kaya tanggapin mo na para kahit papaano ay may hawak kang pera. Mag-iingat kayo ha?" Naiiyak na tinanggap niya ang pera na iyon. Kailangan niya iyon, hindi na siya tatanggi. "T-Thank you Nay." Tumango lang ang matanda kaya mabilis siyang tumalikod na. Maingat ang bawat hakbang niya papunta sa likod ng malaking bahay nila sa tambakan ng mga bigas. Halos atakihin siya sa puso ng tumahol ang alaga niyang aso. Nanlalaking napatingin siya rito. "Roscu!" Lumuhod siya para buhatin ang aso. The dog barked and licked her right cheek. "Shh! Keep quiet Roscu. Do you want to come with me?" She caressed the head of the puppy. "We will go to your daddy," pagkaka-usap niya rito. Naglakad na ulit siya. Tama! hindi niya puwedeng iwan ang aso niya. Bigay ito sa kaniya ng ama niya noong nakaraan kaarawan niya. Mabilis ang lakad niya kahit madilim, hindi pa siya nakakalapit sa bodega ay naaninag na niya ang isa matipunong lalaki na naglalakad pabalik-balik sa harap noon na parang hindi mapakali. "Kairon!" Kaagad napabaling ang binata sa kaniya para itong nakahinga ng maluwag ng makita siya pagkatapos ay malalaking hakbang na sinalubong siya nito't ikinulong sa mga bisig. "Thanks god, akala ko hindi mo ako sisiputin," mahigpit ang yakap nito sa kanila kaya napatahol si Roscu, napatawa ang binata ng mahina bago bumaba ang tingin sa karga niya. "Sasama ka rin Roscu? Sa akin ka na rin titira katulad ni mommy mo?" pagkaka-usap nito sa aso na para bang sasagot iyon. Umangat ulit ang tingin ng binata sa kaniya bago masuyong hinaplos ang pisngi niya. "Sigurado ka na ba rito? I mean, gusto kong sumama ka sa akin pero iintindihin ko kung nagbago na ang desisyon mo. Pamilya mo ang tatalikuran mo rito Dawn, at alam kong mahirap iyon ayoko lang na--" hindi na niya pinatapos ang sinasabi ng binata basta mabilis niya itong hinalikan sa labi. "Sasama ako sa'yo Kai. Sasama ako kung saan k, buo na ang desisyon ko," masuyong usal niya sa kasintahan. Hinawakan nito ang kamay niya bago sila tumakbo para makaalis na sa lugar na iyon. Alam niyang nahihirapan din ito magdesisyon pero kailangan nilang kumilos. Tatlong buwan din siyang kinulong ng magulang niya sa bahay nila nang malaman ng mga ito na may kinakatagpo siyang isang binata na nagtatrabaho sa kanila. Pinagbabawalan siya ng mga nito at pinapaamin kung sino ang kasintahan niya pero hindi niya maamin. Hindi dahil hindi niya kayang ipagmalaki ang binata kung hindi natatakot siya na baka may gawin masama ang kaniyang ama sa kasintahan. She can't let that happen. Alam niyang mali ang gagawin nila at alam niyang magagalit ang magulang sa desisyon na ito pero hindi na niya kaya. Parehas silang napatigil ng kasintahan sa pagtakbo ng makita ang mga guwardiya na nakabantay sa dapat lalabasan nila. "Oh god!" She mumbled. Alam na nila! Ang ikinakatakot niya ay nagkatotoo. Sa likod na sila dumaan pero nalaman pa rin. Narinig niya ang sunod-sunod na mura ni Kairon habang humigpit ang hawak sa kaniyang kamay. "Dawnirey Faith Del Guerio!" Halos mapaigtad siya ng marinig ang malakas na boses ng kaniyang Ama sa likod nila. Kaagad silang napabaling doon at agad ginapang ng kaba ang kaniyang dibdib lalo ng makita ang matalim ang mata nito, kasama ang kaniyang ina na nanunuya naman ang tingin sa kamay nilang magkasaklob. "Daddy, mom..." Nanuyo ang lalamunan niya lalo ng ilagay siya ni Kairon sa likod animong pinoprotektahan sa sariling magulang. "Sir---" "How dare you touch my daughter Kairon! Wala kang utang na loob, I trusted you! Binihisan, pinakain at pinag-aral kita and this is what we got from you? Taking away our only daughter?!" malakas na sigaw ng ama niya. Napahikbi siya at pumunta sa gilid ng kasintahan, hindi puwedeng ito lang ang sumalo ng lahat ng galit. "Daddy i-i love Kairon." "Bullshit!" sigaw ng kaniyang ina. "Anong alam mo sa pagmamahal na iyan ha? Dawn? For pete's sake you're just twenty!" nakita niyang nangilid ang luha ng kaniyang ina kaya lalo siyang nanghina. Mabilis siyang inalalayan ni Kairon upang hindi matumba. "Hindi ko po nakakalimutan ang ginawa niyong tulong sa akin Sir, but I love your daughter so much. I love her more than my life," napahikbi siya sa sinabi ng kasintahan. Ngunit nanatili ang galit na mukha ng kaniyang ama na ibinalik ang atensyon sa kaniya. "You know better than this Dawn! Wala kang mapapala sa lalaking iyan! Anong ipapakain nyan sa'yo? Ano bang ipinagmamalaki mo sa amin ha? Iyang si Kairon? Kaya ka na ba niyang buhayin? You can have any man you want. Son of mayor, a doctor, an engineer, business man, may manliligaw ka rin na lieutant! Pero ang pipiliin mo ano? Isang magsasaka? Tiga buhat ng sako? Hardenero natin? Are you an idiot?!" Tumulo ang luha niya ng sunod-sunod. Hindi para sa kaniya kung hindi para sa kasintahan. "Respect Kairon Dad!" She hissed. Kitang-kita niya paano napahagulgol ang ina niya sa bisig ng ama na tinapunan sila ng masamang tingin. "Yes, I'm not an engineer, business man or a doctor but I love your daughter. Magsisikap po ako, magtatrabaho ako, aalagaan ko po ang anak niyo. Mahal ko po si Dawn." "Hindi kayo mabubuhay sa puro pagmamahal lang! Tangina, Kairon I thought you are intellegent enough. Anong ipapakain mo sa anak ko? I love you? Subukan mong ilayo sa akin ang anak ko hindi kita mapapatawad!" "Daddy..." gusto niyang lumuhod at magmakaawa sa ama na hayaan na sila. "Kapag umalis ka, kalimutan mo ng isa kang Del Guerio!" Pero alam niyang kapag umalis si Kairon at hindi siya sumama ay baka dalhin na siya sa ibang bansa. Bumaba ang tingin sa kaniya ng binata, mapupungay ang mata nito habang mahigpit ang hawak sa kamay niya. He looked at her like he'll accept whatever her decision is. Parang tinitingnan nito ang desisyon niya. Mapait siyang ngumiti bago ibalik ang tingin sa magulang. "I-I'm sorry mom, dad. I love you and I will never forget that I'm a Del Guerio but I think I will be Mrs. Contem." Wife of Kairon Contem Nakita niya kung paano bumagsak ang balikat ng ama habang tumalim ang mata nito sa kasintahan. Habang ang ina ay napahagulgol na lang. I'm sorry. I love this man. Pagpatak ng luha niya ay hinila na niya ang binata paalis sa lugar na iyon. •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD