Sa kusina ako unang pumunta para uminom ng tubig. Labis akong na high blood sa babaeng iyon. Nakakainit ng bungo. "Jeff! Nakakatakot ang asawa mo! Bigla na lang siyang na nanakit," narinig kong wika ni Fellyn. At alam kong papunta sila rito sa kusina. Hindi na ako nag-isip at dali-dali akong sumuot sa ilalim ng lamesa. Para hindi ako makita nila. Upang marinig ko rin ang lahat nang paninirang sasabihin ni Fellyn sa aking asawa. "Baka naman may ginawa ka sa kaniya kaya nagalit sa 'yo si Bettina?" narinig kong tanong ng asawa ko. "My God! Nakita mo na nga na halos patayin ako ng asawa mo! Parang ako pa rin ang masama at gumagawa lang ng kwento, Jeff!" palatak ni Fellyn sa aking asawa. Naku! Ang sarap talagang sakalin ng babaeng ito. Wala na akong narinig na salita sa aking asawa. Ngun

