"Bettina!" biglang sigaw naman ni Jeff. Alam kong nagulat ito sa aking ginawa. Pero ko na kasalanan iyon sapagkat ang hitad na babaeng ito ang nauna. "My God! Jeff, bakit ganyan ang asal ng asawa mo?" galit na galit tanong ni Fellyn. "Iyan ang itanong mo sa iyong sarili Fellyn. Kung bakit ginawa sa 'yo ng asawa ko iyan. Kahit sino ay gagawin iyan dahil sa bibig mo wala man lang pasintabi kung magsalita. Kung tapos ka nang kumain puwede ka nang umalis!" galit na sabi ni Jeff sa babae. Bigla akong nagdiwang dahil ako pa rin ang kinampihan ni Jeff. Saka wala naman akong kasalanan. Ito ang nauna. Kaya Sorry na lang siya. "Let's go. Sa itaas na lang tayo kumain. At magpahatid ng makakain doon," saad ni Jeff. Agad akong hinawak sa kamay at pumunta sa kwarto namin. Hindi naman nagtagal ay d

