Tatlong buwan ang matuling lumipas bilang mag-asawa namin ni Jeff. Napagkasunduan din namin na umuwi sa probinsya nito sa batangas. Wala raw kasing mag-aasikaso ng hacienda ng mga magulang nito roon. Puwede ko rin namang madalaw ng pamilya ko. Lalo na kapag isasama ako ni Jeff para tingnan ang hospital na pagmamay-ari ng pamilya nila. Sumang-ayon ako sa gusto ng mahal kong asawa. At kinabukasan nga ay nagbiyahe na kami papunta sa hacienda nila. Lumipas ang ilang oras ay agad kaming nakarating. Pagbaba pa lang sa kotse ay nasagap ko na ang sariwang hangin. "Oohh! Hijo, nandito na pala kayo?" narinig kong boses ng isang babae. Lumingon ako rito. Pansin ko'y sa akin din siya nakatingin. "Siya ba ang iyong asawa, Jeff?" tanong ng matanda. "Opo, Manang Nelly," sagot ni Jeff. Agad na lumap

