Kabanata 6

1891 Words
HIS LOVE, HIS MADNESS Anabella “Ate Bella, meet my cousins and their families. Mahirap lang tandaan ang names nila sa dami nila kaya tandaan mo na lang ang hitsura nila,” anang Meg na tatawa-tawa. Tipid akong ngumiti nang mag-angat ng tingin dito. Nang mapansin nila na wala akong imik ay sumabat si Cain sa gilid ko. “Huwag kang matakot sa amin, hindi naman kami nangangain,” biro nito na hindi ko nagawang tawanan. Umiwas lamang ako ng tingin at tumungo. Hanggang sa bigla akong nanlamig sa naging turan ni Jackson sa kaharap kong upuan. “Pamilyar sa akin ang mga mata mo. Who are you? What is your full name?” matigas na tanong nito na ikina-angat ko rito ng tingin. Naging blangko ang aking ekspresiyon dahil sa ipinakita nitong galit sa mukha. Ano ba ang problema niya? Hindi ko naman inaano. Ilang segundo pa akong nakipagtagisan ng tingin dito bago walang ganang ibaling sa kabaong ng aking ama ang atensiyon. “Why so tensed? Hindi naman kita kilala para ipagbigay alam ko pa sa iyo ang pangalan ko,” bagot kong turan na ikina-awang ng bibig nito sa pagkabigla. Tumiim ang aking bagang nang makaramdam ng sakit sa dibdib. Halos manginig ang kamao ko dahil sa sari-saring alaala ko sa kaniya—kanila rito noon. Naramdaman ko pa ang paghawak sa akin ni Megan sa braso na tila ba pinapakalma ako. Ang mga naroon ay nagtataka kung bakit mainit ang tinginan namin ni Jackson, maging ako man ay hindi ko rin maintindihan. Ngunit ang alam ko lang ay nasasaktan ang damdamin ko ngayon, dahilan kung bakit nagagawa ko itong sagot-sagutin ngayon. Hindi ko mapigilan ang sarili na hindi maging mapait ang pakikitungo rito. “You do not know me, lady? O nagmamaang-maangan ka lang? Malakas ang kutob ko na ikaw ’yong batang babae n—” “The hell I care. Gaano ka ba ka-importante sa lipunan para kilalanin pa kita at pag-aksayahan ng oras?” mapanuya kong putol sa sinasabi nito bago pa nito mabanggit ang nakaraan. Kahambugan ng lalaking ito. Tsk. Doon umigting ang panga nito at nandilim ang mukha. “How important I am in this society?” Pagak itong tumawa. “You are just enjoying the freedom we are fighting for, lady.” “Oh, a soldier? I am a fan of armed forces of this country, pero hindi sa nakasibilyan na tulad mo. But yeah, thank you for the freedom that we are enjoying right now, Sir,” turan ko na walang ipinapakita rito na emosiyon. Kita ko ang dilim at bigat ng mga tingin nito sa akin habang tinititigan ako. Tila ba ako nito sinusuri nang maigi. Nang makitang lumalaban ako ng tingin ay kusa itong umiwas at nagtiim-bagang. Walang pasabi akong umalis doon at nagtungo sa loob ng van upang magmukmok. Kinabukasan ay maaga pa lang ay inasikaso ko na si Cahel. Hindi natuloy ang pagsama nito sa akin sa bundok dahil bigla na lamang nilagnat kagabi, tuloy ay iyak ito nang iyak nang painumin ko ng gamot. Tulad kahapon ay iginugol ko sa batis ang oras upang maka-iwas doon. Hindi na naman ako makalapit kay ama dahil sa mga tao na naroon. Kahit pa ang ilang magpipinsan ay naroon, lalo na ang mga kapatid ko na sa bahay nakitulog kagabi. Tahimik ko lamang na ginupit ang mga nagtataasang damo roon at inalis ang mga gumapang na halaman sa lupang tatamnan ko ng mga puno. Hindi ko lamang alam kung ilang taon pa bago ako makabalik dito, ngunit tiyak ko na malalaki na ang mga ito pagbalik ko. Baka nga namumunga na. Napangiti ako matapos ibaon sa lupa ang nabili ko kanina sa bayan na puno ng lemon. Iyon na ang pinakahuli. Hindi na ako nakabili pa ng mga bulaklak doon at malaki-laki na rin ang naigastos ko sa limang halamang namumunga na nabili ko. Naisip ko na lamang na maghanap ng mga halaman dito na maaari kong tapyasan at itanim ang katawan dito. Ibinaon ko sa lupa ang mga gumapang na halaman na inalis ko kanina. Binuhusan ko rin ng tubig ang mga bagong tanim kong halaman bago masayang gumala sa gubat. Mga halamang ligaw lang din ang nasumpungan ko roon kaya iyon na lamang ang kinuha ko at itinanim sa tambayan ko. Matapos kong linisin at pagandahin ang lugar na iyon ay nagpahinga ako sa duyan ko at inaliw ang sarili roon. Nang sumapit ang tanghali ay inilabas ko ang baon kong nilagang saging. Wala naman akong makausap doon kaya natulala na lamang ako habang inaalala ang mga naging nakaraan. Ngumiti ako nang tingalain ko ang kalangitan na maaliwalas. Same as before, but the days of my misery are gone. Ayoko na muling mag-suffer. Suffering because of my insecurity and hurtful words they have thrown at me since childhood. Sino nga ba naman ang mag-aakala na matapos ang mahigit isang dekada ay babalik sa lugar na ito ang babaeng halos hindi na makilala ng lahat? Siguro nga ganoon kalala ang hitsura ko noon. Huminga ako nang malalim at nawalan ng ganang kumain. Iniligpit ko ang kalat bago tahimik na naglibot-libot. Hindi ko lamang nagawang akyatin ang bundok sa kalapit dahil delikado na roon at maraming ahas na masiyadong makamandag. Bitbit ko ang mga gamit nang bumalik ako sa tambayan ko, para lamang mapamaang nang mapansin ang mga kalalakihan na hinahahaplos ang bagong tanim kong halaman, tila ba sinusuri iyon. “Back off!” matalas kong angil na ikinatingin nilang lahat sa akin. I don’t care if they are richer than me. Ang pakialaman ang mga pag-aari ko ay ang pinaka-ayaw ko. Agad na bumitiw si Zeus sa halaman ko na na-stress na sa paulit-ulit niyang paghawak kanina. Mabilis akong nag-iwas nang mapansin na naroon si Sir Zach, pati na si Alessandro na himalang hindi kasama ang pamilya. Kumpleto ang mga magkaka-anak doon, even the husbands of their female cousins. May iba pang binatilyo na hindi pamilyar sa memorya ko. “What are you doing here, Miss?” anang Cain na hindi ko sinulyapan. Sira na lalo ang mood ko kaya napagpasyahan ko na aalis na lamang ako roon. “Huwag ninyong gagalawin ang mga halaman na itinamin ko. Hindi ko ibinaon ang mga iyan para lang bugbugin ninyo ng hawak,” walang emosiyon kong paalala bago walang pasabing umalis doon. Umuwi ako sa bahay na masama ang loob. Naabutan ko roon ang mga kapatid ko na nagmemeryenda sa loob na agad napalingon sa akin pagpasok ko. Tinalikuran ko ang mga ito at tinungo ang higaan upang magpahinga. Ngunit akmang hahakbang ako sa hagdan nang marinig ko ang tinig ni Kuya Efren. “Miss . . .” Nanatili akong nakatayo roon at hindi na tinangka pang lingunin ang mga ito. “Pasensiya ka na pero kahawig mo kasi ang kapatid ko.” “Sinong kapatid?” maang-maangan ko at sinulyapan si Hope sa tabi na naabutan ko ang masasamang tingin sa akin. Umawang ang bibig ng lalaki at natigilan. Mayamaya ay tila ito natauhan at napailing-iling pa. Tila nais bumuka ng bibig nito upang magsalita ngunit ayaw banggitin ang pangalan ko. “Si Tita Karina, siya ’yong kumupkop sa iyo, hindi ba? Kung ikaw nga ang kapatid namin, alam namin na sa kaniya ka nagtungo noong maglayas ka. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi nilang patay ka na noon pa, hindi rin itinatanggi ni Tita. Kaninong bangkay naman iyong nabalitaan namin?” naguguluhang sabat ni Hiraldo na ikinapait lalo ng damdamin ko. “Bakit kasi iniisip n’yo pa ang babaeng iyon? Haler, matagal na ngang patay,” iritadong sabat ni Hope na naiinis na sa presensiya ko. Hindi ko rin alam kung bakit. Huminga ako nang malalim at bagot ang mga itong tiningnan. “Wala akong kinalaman sa mga pinagsasasabi ninyo. Yes, it is true na kinupkop ako ni Ma’am Karina. That was years ago, at nagtatrabaho ako sa kaniya bilang nanny ng mga bata. Pero hindi ako naglayas.” Tinalikuran ko ang mga ito at humakbang sa hagdan. “Kung patay na ang tao, hayaan n’yo na at nananahimik na,” dagdag ko pa bago tuluyang umakyat sa papag. Wala na akong narinig mula sa mga ito kaya’t mariin kong nakagat ang ibabang labi. Hindi ko namalayan na nakatulugan ko ang pait ng aking nararamdaman. Nagising na lamang ako ng alas diez ng gabi dahil sa ingay ng pusa ko sa labas. Dali-dali kong kinuha ang roba ko’t tinungo iyon. Binuksan ko ang flashlight ng dala kong phone at tiningnan ito. Naglabas na pala ito ng kinain kaya napahinga ako nang malalim. Inalis ko ang karton sa ilalim ng kulungan nito bago palitan at lagyan ng laman ang tubigan at kainan nito. Doon lamang ito nanahimik. Muli akong huminga nang malalim at itinapon sa basurahan ang karton na dinumihan nito. Ramdam ko rin ang hapdi ng sikmura dahil sa kagutuman kaya’t nalukot ang mukha ko. Hindi pala ako nakapaghapunan kanina. Tahimik kong sinulyapan ang lamay ni ama na maingay na dahil sa mga batang naroon at nagsusugal. Naroon din nakikipaglalaro si Cahel sa mga bata kaya hinahayaan ni Tita. Naupo na lamang ako sa likod ng van at payapang pinagmasdan ang mga ito. Iyon ay kung hindi lamang humahangos na nagtungo rito si Megan na ako agad ang hinanap. Napansin ako nito sa kadiliman kaya lumapit ito at umiiyak na hinawakan ang kaliwang braso ko. Kunot-noo ko itong tiningnan sa pagkabigla. “A-Ate, help me, please. Manganganak na ang isa kong doggie,” tarantang anito na lalong nagpakunot sa noo ko. Wala bang tao sa kanila? I mean—nevermind. Alanganin akong tumayo at napakamot ng ulo. “Meg, hindi ako doctor o kumadrona ng hayop,” imporma ko rito ngunit hindi ito natinag. “Please, Ate. Wala kasi ang mga parents namin ngayon kaya naiwan kami sa bahay kasama ang mga pinsan ko. Hindi rin sila marunong . . .” Wala akong nagawa kundi ang sumama rito. I have dogs and they are all males. Mayroon din akong mga pusa pero hindi ko naman pinakikialaman ang panganganak nila. But I will try. Pinapasok kami ng guard nila nang magmakaawa ito dahil manganganak na ang aso niya. Naghigpit na nga rito dahil naririto ang mga Hapon. Sa sala kami nagtungo kaya awtomatiko akong natigilan nang makita ang mga kapatid at pinsan niyang lalaki roon na nag-uusap-usap. Nagkatitigan pa kami ni Evan na madilim at mabigat ang mga tingin sa akin, bago ako nag-iwas at nagpahila kay Megan papunta sa alaga niyang aso sa tabi. Dinaluhan ko iyon at napansin kong nahihirapang manganak. Napakamot tuloy akong muli ng ulo at tiningnan ang babae sa tabi. “Kanina pa siya ganiyan, Ate Bella. It’s her first time manganak kaya hindi ko alam ang gagawin ko.” “Did you call your vet?” tanong ko at inipit sa likod ng tainga ang buhok. Sunod-sunod itong tumango, ngunit bigla na lamang hindi makatingin sa akin. “Opo, pero ganitong oras ay sarado na sila. Ring lang nang ring ang telepono, wala na kasing tao sa clinic nila.” “What? Wala bang ibang tao na maaari mong kontakin kahit sarado na ang clinic?” Marahas itong umiling at pasimpleng sumulyap sa likuran ko. Nang lingunin ko ay mga kapatid at pinsan niya pa rin iyon ngunit nakamasid lamang sa amin. Daglian akong umiwas ng tingin at napabuntong hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD