Kung pwede lang sana na ako na lang ang namili ay mas mainam pa. Sumasakit ang ulo ko sa mga kasama ko. I have a cart for the supplies that we need samantalang si Hunter ay may dala rin cart, ang kaibahan doon nilalagay ng kambal yung nirereject ko mula sa kanila. "Hunter," Tawag ko sa kanya. He immediately turned his head ganun din ang kambal. Isla's holding a box of chocolate biscuit habang si Ives naman ay nakahawak lang sa cart na tulak-tulak ng ama. Parang biglang sumakit ang ulo ko habang nakatingin sa kanila. They all looked a like. Ang kaibahan lang ay iba ang kulay ng mata ng kambal. "Yes, ma'am?" He asked to me na para bang iyon ang normal na tugon niya sa akin kapag tinatawag ko siya. "Mas nauuna pang mapuno yung cart ninyong tatlo kaysa sa cart na kailangan sa bahay."

