Ayaw pumayag nina Bea at Francis na hindi kasama ang mga anak ko sa meeting namin. "Sandali lang iyon kaya you don't need to come with us." Sabi ko kay Hunter habang nakatayo sa harapan niya. Plano ko kasi na mag-Grab na lang papunta sa mall na kikitaan namin. Kasama rin kasi si Bernard at Biance, gusto raw maglaro sa children's playground na nasa loob ng mall. "Saglit lang pala. Then I can join." Sagot niya sa akin tsaka binuhat si Isla na kanina pa nakatingala sa ama nito. I sighed heavily, hindi ko kasi tiyak kung hand ana ba ulit makita ng mga kaibigan ko si Hunter? Alam naman nila na si Hunter ang ama ng mga anak ko noong buntis ako pero kasi...iba pa rin. "Hunter, huwag na." sabi ko pa sa kanya. He looked at me na para bang mali yung sinabi ko. "Is there a reason para hindi

