Magta-tatlong linggo na ang nagdaan. Okey naman ang naging buhay namin. Ginawa ni Luke ang lahat para mapatawad ko siya. Well, hindi ko naman talaga siya matiis kaya naman pinatawad ko rin siya after two days. Nagsama na ulit kami sa iisang kwarto. Fiesta ngayon dito sa baryo. I asked Luke na magluto kami para sa mga kaibigan namin dito. Eto ang unang beses na maka-experience ako ng fiesta buong buhay ko. Gusto ko na maging masaya. Andito ang buong pamilya nina Angela at tinutulungan kami ni Luke na maghanda. Ngayon lang ako naging masaya ng ganito, sa totoo lang... Sa piling ni Luke. "Mag-iisang buwan na yang tiyan mo ate, namo-morning sick ka pa rin ba?" Ngumuso ako. "Medyo pero hindi naman ganun kalala. Nahihilo pa rin

