Nagkakasiyahan na ang mga tao sa labas. Nagkakantahan at nagsasayawan pa. Nagbihis na muna ako dahil amoy usok na talaga ako. Huhubarin ko na sana ang bra ko ng marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto. Natataranta kong kinuha ang kumot sa kama sa pag-aakalang may pumasok na ibang tao. Nakahinga ako ng malalim ng makita si Luke. Seryoso ang tingin nito sa akin. "Iniwan mo ang mga kasama mo?" tanong ko. Inimbitahan rin kasi namin ang mga kasama niya sa trabaho. "Andun naman si Mang Kaloy. Kaya na niya ang mga yun." aniya sabay lagay ng mga kamay niya sa beywang ko. "Palabas na ako. Nagbibihis lang. Lumabas ka na dun." "Mamaya na. Sabay na tayo." Hinayaan ko na lang siya. Hinubad ko na ang bra ko para makapagp

