"Siguradong ipapahanap ako ng daddy mo oras na magsumbong ang kapatid mo sa kanya." natatawang wika ni Luke.
Nasa kotse na niya kami at sa wakaa ay nakalabas na ng La Paraiso. Kanina pa siya tawa ng tawa dahil daw sa sinabi ko sa kapatid ko. Hindi ko nga alam kung anong nakakatawa doon.
"Don't worry, my dad's in Canada. Hindi ka niya masusumbong. Saka kung ipahanap ka man nila, malalaman lang nila na hindi tayo magkasama. I just really need to go home."
"Tuwing nagkikita tayo, mas lalo mo lang talaga akong pinapahanga."
"Bakit? Mas gumaganda ba ako sa mga mata mo tuwing nakikita mo ako?" I gave him a puppy eyes kaya naman bumunghalit na naman siya ng tawa.
He pinched my cheeks kaya napaaray ako. "Ano ba!"
"Mas gumaganda ka nga tuwing nakikita kita." aniyang nakangisi.
Ngumuso ako. "Sana naririnig yan ni Anastasia. Ang sarap niya kasing asarin. Galit na galit siya noong isang araw nung sinabi ko sa kanya na itatanan mo ako sa harap ni daddy. That was so hilarious. Talagang patay na patay siya sayo."
"Not bad. You're sister's pretty. What do you think?"
"Mas maganda ako."
Umiling iling ito.
"Bakit ka umiiling? Sinasabi mo bang hindi ako maganda?"
He chuckled. "You're just so.... Cute and innocent. I don't know... I'm just... I don't know."
"Wag mo na nga ibuka bibig mo. Ang bobo mo magsalita. I-dont-know, I-dont-know... Ano yun? Saka hindi na ako innocent. May mga nakita na akong hindi ko dapat makita."
He laughed again. Aigoo... Ngayon ko lang nalaman na nakakagwapo pala ang pagtawa noh? Tuwing tumatawa kasi siya, mas lalo siyang gumagwapo. Oh well, halos lahat naman sa kanya gwapo. Gosh. Hindi ko akalaing posible pala yun? posible pala sa isang taong maging ganito kagwapo kahit na hindi naman nananalaytay sa dugo niya ang dugo ng aming angkan? Dapat magcollaborate ang angkan namin sa angkan nila para happy happy.
"Anyway, about my payment... Magkano ba kailangan mo at babayaran ko?"
Umiling siya. "I was just kidding. Hindi mo na ako kailangan bayaran."
Pinalo ko siya sa braso. "Wag ka na mahiya. Sabihin mo na, mayaman naman ako."
"Wag na nga. I don't accept bribe. I'm a police officer, remember?"
"How is that a bribe?"
"Pinaplano mong bayaran ako dahil tinakas kita sa kapatid mo."
"Then, this is treason, Mamang pulis. You overthrow my father's command and helped me escape."
Nilingon niya ako at pinanliitan ng mata.
"Diretso nga lang ang tingin mo sa kalsada at baka mabangga tayo!"
Nakatulog ata ako buong byahe dahil wala na akong maalala maliban dun sa huli naming pag-uusap kanina. Nagising na lang ako na andito na kami sa Manila. Ginising niya ako dahil hindi niya raw alam kung saan niya ako ibababa.
"Pwede mo ba ako ihatid sa bahay namin? Please? Malapit lang naman yun eh."
Tumango siya. "Saan ba ang inyo?"
"Sa Paper towns subdivision."
He drove me to our subdivision. Tinuro ko sa kanya kung saan bababa. Pagdating sa harap ng bahay namin ay saglit akong hindi muna bumaba.
"Dito ang bahay niyo, right?"
Napakagat-labi ako. Alam kong sobra sobra na ang naitulong niya sa akin pero kailangan ko talaga ang tulong niya ngayong araw. Ngayon lang naman toh eh. Kahit hindi niya tatanggapin ay babayaran ko talaga siya. I swear.
"Pwede bang hintayin mo ako saglit? Ganito kasi yun... Kukunin ko lang ang mga importanteng gamit ko sa loob then babalik din ako rito."
Nanliit ang mata nito. "Nagpaplano ka bang maglayas?"
"No! Of course not! Sa condo ko lang ako titira while dad's not home. Mas magiging komportable ako roon kesa dito saka malapit lang yun sa tatrabahuan kong coffee shop."
"Alam mong hindi kita pwede tulungan maglayas. Ayaw kong--"
"Hindi nga ako maglalayas!! Alam naman nila yung condo na yun eh kaya please?"
"Maria kasi--"
"Okey, fine! Eh di wag! Umalis ka na lang. Salamat na lang sa paghahatid mo sa akin ha? Talagang naappreciate ko."
Bumaba na ako sa kotse. Bababa pa sana ito para tulungan ako sa maleta ko but I stopped him. Alam ko... Kapal ng mukha kong magalit, ako na nga tong tinulungan. Tsk. Bahala na siya. Di na naman kami magkikita ulit.
Papasok na ako ng gate ng tawagin ako ni Luke.
"Okey. I will wait for you here." aniya.
"What?"
"Kunin mo na ang mga gamit mo at hihintayin kita rito."
Tahimik akong napangiti. Tutulong naman pala ang dami pang sinabi. Tsk.
Pumasok na ako sa loob. Nang makarating sa kwarto ko ay kinuha ko lang ang ilang importanteng gamit ko at yung pera ko syempre. Hindi ko naman pwedeng iwan iyun dito at baka kupitan pa ni Tonio.
Matapos mailagay sa bag lahat ng kakailanganin ko sa condo ko, lumabas na ako ulit. Andun pa rin si Luke sa labas at naghihintay. Paling-linga ito sa paligi na para bang kinakabahan ito na may makabisto sa amin. Sa mukha niya, para bang itatanan talaga niya ako. Ganyan lang siguro talaga ang mga pulis, takot gumawa ng masama... But we're not doing anything illegal o labag sa kahit ano. Gusto ko lang talaga sa condo na muna habang wala si Daddy sa bahay. Ayaw kong makasama yung dalawa kong kapatid ng kami-kami lang.
"Thank you. Tatanawin kong malaking utang na loob ito." wika ko kay Luke ng nasa loob na kami ng sasakyan.
"Dapat lang."
I chuckled. Ini-start na niya ang kotse. I gave him the address ng condo ko. Hindi naman iyun kalayuan dito. Sa totoo lang, ako mismo ang naghirap na mabili ang condo na yun. Salamat sa maliliit kong mga raket. I bought that unit, last year. Halos anim na taon kong pinag-ipunan ang lugar na iyun and to be honest, I had no regrets. That condo is my escape. Yun lang ang tanging lugar na hindi magalaw-galaw ni daddy since nasa pangalan ko nga iyun.
Tinulungan ako ni Luke na dalhin ang mga gamit ko sa unit ko. Medyo mabigat-bigat rin kasi ang mga iyun.
Naabutan naming sobrang kalat ng unit ko. Nahihiya akong ngumiti kay Luke. Noong huli akong andito, hindi ko na ito nalinis. Masyado kasi akong nagmamadali noon. Siguradong may nakatirang daga na rito.
"Where should I put this?" tanong ni Luke.
"Dyan na lang. Ako na ang bahala."
Binaba niya ang maleta ko sa sala. Inayos ko muna ang mga nagkalat ma gamit ko doon. Tinapon ko ang mga balat ng junkfoods na nasa sahig.
"This looks sexy."
Napatingin ako kay Luke. Halos mawalan ako ng ulirat ng makita kung ano ang hawak niya. Tumakbo ako papunta sa kanya at dali-daling inagaw ang panty ko mula sa kanya. Tinago ko sa bulsa ko iyun. Nag-init ang pisngi ko sa sobrang hiya.
Umupo si Luke sa sofa. Nilibot nito ang tingin aa buong kwarto. Maliit lang tong nabili kong condo. Sakto lang sa isang tao. Ang maganda lang dito ay kompleto ito sa lahat. May kusina, may dinning room, may maliit na sala rin ito. Actually, magkadugtong lang yung sala at kainan but since ako nga lang mag-isa dito ay nag purchase lang ako ng maliit na mesa at isang upuan. May maliit na veranda rin doon sa loob ng kwarto ko. Soooobrang liit lang talaga nito, but I love this place. It feels warm and comforting.
"You love paintings?" aniya habang nakatingin sa mga painting na nasa dingding.
"Regalo sa akin yan ni daddy after I bought this place. That was made by my favorite painter."
"You bought this place?" mangha nitong tanong.
I nodded. "Matagal ko ding pinag-ipunan toh. Maliit lang pero okey naman diba?"
"Habang paunti-unti kitang nakikilala, mas lalo mo akong sinu-sorpresa."
"Dahan-dahan lang, Mamang pulis. Baka tuluyan ka ng ma-inlove sa akin niyan." biro ko.