Six

1517 Words
             Kakaiba ngayong araw na toh. Sobrang kakaiba. Kasi for the first time parehas kami ng opinyon ng kapatid ko. Nakakagulat diba? Hindi ko nga alam kung ba't wala pa kami ngayon sa headline ng newspapers.              "Binilin kayo ni daddy sa akin. You will do whatever I tell you to do. So pag sinabi kong wag kayong pumasok sa kahit anong gulo, hindi kayo papasok sa kahit anong gulo."              Napasimangot ako. "We're not kids. Hindi mo na kami kailangang bantayan pa. Si Anastasia siguro, Oo but me?? I can handle myself. Hindi ko kailangan ng kahit kaninong gabay."              "Why are you calling her Anastasia? She's 3 years older than you."              "You were gone for like ten years. Stop acting like you're our big brother now. Ni hindi mo nga alam kung anong naging buhay namin sa loob ng sampung taon. Ba't di ka na lang bumalik sa Canada at mamuhay ka na lang ng tahimik doon? Wag mo na kaming guluhin, please lang."              Wow. Namangha ako sa mga salitang lumalabas sa bibig ngayon ng kapatid kong babae. Akalain mo yun? Marunong din naman palang magseryoso.              "I agree with three-years-older-than-you." sarkastiko kong sagot.              Sinamaan ako ng tingin ni Nathaniel. Nginitian ko lang siya. Sa sampung na wala si Nathaniel dito, halos makalimutan ko na nga na may isa pa nga pala akong kapatid. Sa loob ng mga taon na yun, ni hindi siya nag-effort na makausap man lang kami kahit sandali lang. Masaya na kasi buhay niya don sa Canada kaya pakialam ba niya sa mga naiwan niya rito?              Nathaniel was sent to Canada when he turned 21 years old. Sabi ni daddy, nasa tamang edad na daw kasi siya para pamahalaan ang kompanya namin sa Canada. Siya lang ang kaisa-isang lalaking anak nila kaya naman siya ang pinagkakatiwalaan ng mga ito. I was 15 years old then. Sa totoo lang, mas close kami ni Nathaniel kesa kay Anastasia kaya naman nalungkot talaga ako noong umalis siya. He promised that he'll stay in touch but he didn't. He's a big fat liar. He's not really fat. He's just a liar.              "Wala na naman siguro kayong sasabihin? Aalis na ako." wika ko sabay tayo.              Sumunod sa pagwa-walk out ko si Anastasia. Pinapabalik pa kami ni Nathaniel but binalewala lang namin siya. I don't want to hear anything from him.              Gusto ko mang umalis ngayon dito sa La Paraiso ay wala naman akong magawa. Kinuha ni daddy ang susi ng kotse ko at dinala niya iyun kasama niya sa Canada. Nung huli kong subukan na mag-withdraw ng pera sa atm kanina lang, nalaman ko na pina-freeze nito ang account ko. Wala akong dalamg kahit isang duling man lang ngayon. Lahat ng pera ko nasa bahay. Kung pwede ko lang sana itong lakarin ay gagawin ko kaya lang ay napakalayo naman ng Manila mula rito.              Inis kong sinipa ang latang nasa lupa. Bakit ko ba kasi iniwan ang pera ko? Sana pala ay dinala ko na lang iyun! Bakit ba ang bobo ko? Huhu. Nasaan na ba yung si Tonio at manghihiram na lang ako ng pera.              Pabalik na ako sa hotel. Gusto kong magwala. Sisirain ko talaga lahat ng makita kong gamit sa kwarto ko para ipasipa nila ako paalis dito sa resort. That way, wala ng ibang choice si Nathaniel kundi pauwiin ako sa Manila.              Hindi naman sa ayaw ko dito ha? Actually, this place is my first love... Kaya lang ay may trabaho pa ako sa Manila at may mga bagay pa akong kailangan kong asikasuhin. Paano yung mga raket ko? Paano kung may pumasok na akyat bahay sa mansyon namin at nakawin pati ang pera ko sa vault? Ugh! Isipin ko pa lang iyun ay mababaliw na ako.              Papasok na ako sa loob ng hotel ng mamataan ko si Luke na palabas. May dala-dala itong backpack. Yung pang mountain climbing ba? Simple lang ang suot nitong black shirt at short pero talaga namang hindi maipagkakaila ang kakisigan nitong nilalang na ito. Kitang kita ko kung paano siyang pagnasaan ng mga babaeng guests ng hotel.              Mabilis akong lumapit dito. Nagulat pa ito ng makita ako. Abot hanggang tenga ang ngiting ibinigay ko sa kanya.              "Hi Luke, pauwi ka na ng Manila?" masaya kong bati.              He nodded. "May trabaho pa ako kaya hindi ako pwedeng magtagal."              Bigla akong nabuhayan ng loob. "Ganun ba? May dala kang kotse?"              He chuckled. "Of course. Why?"              "Pwede bang hintayin mo ako saglit dito? May kukunin lang ako sa taas tapos babalik rin ako. Please?" nagpa-cute ako sa harap niya. Nag-puppy eyes pa ako para lang maawa siya sa akin.              "O-Okey... Bakit--"              "Good!! Very good. Siguraduhin mo lang na hihintayin mo ako dito sa baba dahil oras na makabalik na ako at wala ka rito, susuyurin ko ang buong Manila pagbalik ko para hanapin ka. Ipapabugbog kita sa lahat ng tambay na kilala ko. Nagkakaintindihan ba tayo?"              Tinaas niya ang dalawang kamay. "Hihintayin kita, mahal na prinsesa."              I smiled. "Good! Wait for me."              Mabilis pa kay flash akong tumakbo papunta sa kwarto ko. Eto na lang ang tanging pag-asa ko para makauwi ako ng Manila. Sana lang talaga ay hintayin ako ng lalaking yun. Pangako ko naman na babayaran ko siya pagdating namin ng Manila. Kailangan ko lang talaga makauwi ngayon. Bukas na ang trabaho ko sa coffee shop ni Quinne.              Kahapon pa lang ay nakahanda na ang gamit ko. Nilagay ko na lahat sa dala kong maleta lahat ng gamit ko sa pagbabakasakaling pauuwiin ako ni Nathaniel na hindi nga nangyari.              Bumaba na ako ng elevator. Pagdating ko sa labas ng hotel ay nakahinga naman ako ng malalim ng makitang andun pa si Luke. Thank God.              Napakunot ang noo nito ng makita ang maletang dala-dala ko. Kakapalan ko na ang mukha ko. Bahala na.              "Makikisabay ako sayo pauwi ng Manila." wika ko.              "What? Hindi mo ba dinala ang kotse mo rito?"              "Yun na nga ang problema eh... Mahabang storya... Pero please, isama mo na ako pauwi. Babayaran kita pagdating sa Manila. Pangako yan!"              "Mahal ang bayad sa akin, Mahal na prinsesa. Baka hindi mo kayanin."              I rolled my eyes. "Kahit magkano, babayaran kita. Kahit limang libo pa yan." desperada na talaga ako.              "Mas mahal pa ako diyan."              "Ugh! Basta! Pag-usapan na lang natin ang bayad ko sa sasakyan mo. Kailangan na natin makaalis dito!"              Kailangan naming magmadali. Baka makita pa kami ni Nathaniel at mapigilan na naman niya ang pag-alis ko.              "Okey then." sagot niyang kinangiti ko.              Inagaw niya mula sa akin ang maletang hawak ko. Nagtataka ko siyang tiningnan. "Kaya ko na. Hindi naman mabigat."              "Baka isipin ng mga taong pinagdadala ko ng maleta ang babaeng kasama ko."              Bumuntong-hininga ako. "Bahala ka na. Basta, tayo na."              "Tayo na?"              "Oo nga!! Tayo na! Ang kulit naman nito. Pag ako nahuli ni Nathaniel, sasapakin talaga kita."              Palinga-linga ako sa paligid. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Anastasia na papunta sa gawi namin. Nataranta na ako. Tatakbo na sana ako ng marinig kong sigawan ako nito. Huli na ang lahat. Nahuli na niya ako.              "Saan ka pupunta??"              Taas noo kong tiningnan si Anastasia. "Magtatanan na kami." lakas loob kong sagot.              "Aba't--"              "We have to go. Sa susunod na pagkikita na lang natin tayo mag-usap. Nangangati na ang mister kong mahawakan ako. Bye!"              Hinawakan ko ang braso ni Luke saka hinatak na ito paalis doon. I heard Anastasia calling my name and giving me a warning oras na di ako bumalik but I don't really care. I need to go home now and Luke's my only solution. Kung di ako makakasama sa kanya ngayon, baka di na talaga ako makaalis ngayong araw na toh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD