"Your sister--"
"Is annoying... I know." putol ko sa sasabihin niya sabay inom ng hawak kong wine. "Alam kong maganda ako pero hindi na maganda yang pagsunod-sunod mo sa akin ha?"
I looked at him. Seryoso lang itong nakatingin sa akin. Kung kailan naman nagbibiro ako, saka siya hindi tatawa. Baliktad din talaga utak ng lalaking toh. Pero, ano bang ginagawa niya rito? Tuluyan na nga ata niyang inabandona ang mga kaibigan niya.
"What are you doing here? Nagpapahinga na ang lahat ng bisita. Hindi ka pa ba pagod?"
Umiling ako. "Hindi ako marunong mapagod."
Hindi na siya nagsalita. Tahimik siyang umupo sa tabi ko habang pinagmamasdan naming pareho ang kalmadong dagat. Palubog na ang araw. Napakagandang tingnan. Minsan ka na lang talaga nakakakita ng ganitong ganda. Kung pwede lang sana dito na ako tumira forever. Kaya lang wala naman akong mahihita rito kaya kailangan ko pa ring bumalik sa Manila.
Nilagok ko ang panghuling laman ng boteng hawak ko. Nakukulangan pa ako. Ngayon ko lang narealize na masarap pala ang wine? Hindi naman kasi talaga ako mahilig uminom nito dati. Nasasagwaan ako sa lasa. Unang tikim ko pa lang, pinangako ko na sa sarili ko na hinding hindi na ako hahawak nito kahit kailan pa man... But here I am...
"Come with me." aniya pagkuway.
I looked at him. "Itatanan mo na ba ako?" biro ko.
He laughed. "Pwede rin kung papayag ka."
Nginusuan ko siya. "May pera ka ba?"
"Sakto lang naman para mabuhay ka."
"Hindi ko kailangan ng sakto eh. Gusto ko yung sobra. Maluho kasi akong tao. Saka sa ganda kong tao, mahal ang bayad sa akin. Hindi mo ako maa-afford, Mr. Agustin."
"Pag-iiponan ko."
"Mamamatay kang binata kung ganun."
Natatawa itong umiling. Never kong nakita ang sarili kong makipagbiruan sa taong hindi ko naman kilala pero heto siya't... Ewan... Parang ang gaan ng loob ko sa kanya. Maybe because he's a nice person... Saka siya lang rin yung taong lapit ng lapit sa akin. Kadalasan kasi pag nakilala ako, hindi na ako kinakausap sa pangalawang beses. Masyado raw kasi akong maldita. Lagi silang naiinsulto. Hindi kasi nila kayang abutin ang pagiging witty ko. Di ko naman sila masisisi, konti lang talaga ang gifted na tao kagaya ko.
"Businessman ka?" tanong ko. Brandon's a businessman so I assume na sa larangang iyun sila nagkakilala.
Umiling siya. "No. Actually I'm a cop."
Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Halos maisuka ko lahat ng wine na ininom ko kanina. Wooh. I didn't expect that coming. He's a cop? Kaya naman pala... Lapitin talaga ako ng mga alagad ng batas kahit noon pa man. Kailangan ko na palang lumayo-layo rito.
"You're a cop." I stated after my brain absorbed what he said.
"Why? May problema ka ba sa mga pulis tulad ko, Ms. Mallari?"
"Parang ganun na nga Mamang pulis. Wala talaga akong tiwala sa mga tulad mo eh. Saka balita ko hindi naman malaki ang sweldo ng mga pulis? Di talaga tayo pwede."
"May naipon na naman akong sapat na halaga, Ms. Mallari."
Hindi ko alam pero naeenjoy ko tong asaran naming dalawa. It felt like he's flirting with me but of course we're just playing around.
"Wala sa hinagap ko ang magkaroon ng syotang pulis." sagot ko pa.
"And why is that, Ms. Mallari?"
"Because... Hmmm... May mga hindi magandang karanasan kasi ako na may kinalaman ang mga pulis."
Tumango-tango ito. "Ba't di natin palitan ang mga karanasan na yan?"
I chuckled. "No thanks."
"You're so hard to get. I like that."
"Mahirap talagang makuha ang mga kayamanang tulad ko, Mamang pulis. I'm like a diamond. Yung kapatid ko naman parang bato. Nagkalat lang kahit saan."
"Talagang hindi kayo magkasundo ng kapatid mo noh?"
"Ha? May magkapatid bang nagkakasundo?" tanong ko na parang nabigla kuno sa pahayag niya.
My family's really weird. All my relatives are weird. Feel na feel naming insultuhin ang isa't isa. Hindi talaga kami nagkakasundo kahit kailan pero pag panahon na ng pangangailangan, wala namang nang-iiwan. Hindi kasi kami yung typical na pamilya lang na ang babait sa harap, pangiti-ngiti pa tapos nagkakasiraan naman sa likod. We prefer showing our real color.
May sasabihin sana ito when I heard someone calling my name. Napatingin ako sa gawing kanan and nakita ko si Tonio na naglalakad palapit sa amin. 'tong baklang kabayong toh, kahit kailan wrong timing.
"Mahal na prinsesa pinapatawag ka po ng daddy niyo."
Binaba ko ang hawak kong bote. Tumayo si Luke mula sa buhanginan saka inalalayan niya akong tumayo. Sipat naman ng mga mata ko ang mapanuksong tingin ni Tonio kaya naman mabilis akong lumayo kay Luke. Ayaw ko lang talagang pinag-iisipan ako ng masama. Alam naman nating lahat na puro maganda lang ang meron ako, mula sa isip, puso at sa mukha.
"Ano ba daw ang kailangan?" matamlay kong tanong.
"Malay ko. Kung alam ko eh di sana sinabi ko na sa inyo nang hindi na kayo magpagod pang pumunta sa daddy niyo."
Inirapan ko toh. "Pilosopo." hinarap ko si Luke na nakatayo pa rin sa gilid ko. "Salamat sa page-entertain sa akin Mamang pulis. Kailangan ko na umalis at mukhang miss na ako ng tatay ko."
"Anytime, Mahal na prinsesa." he winked.
Inirapan ko siya. Dami ding alam. Binalik ko ang pansin sa kabayong nasa harap ko saka taas noong naglakad. Ano na naman kayang kailangan ni daddy sa akin? Wala naman akong nagawang hindi maganda diba? Ang totoo niyan, behave lang ako simula noong dumating ako rito. Si Anastasia lang naman yung kumekeringking sa lalaking hindi naman siya gusto. Hmp.
Dumiretso kami ni Tonio sa restaurant kung saan naghihintay ang mahal kong ama at kasumpa-sumpa kong kapatid. Mukhang hindi pa sila nabusog sa kinain kanina sa reception kaya andito sila ngayon.
Agad akong umupo sa harap nila. Wala na akong time magpaalam pa.
"Good thing, you're here." simula ni daddy. "Do you want anything?"
Umiling ako. "I'm still full. Para saan ba toh?"
"Nakita kita kaninang nakikipaglandian sa mahal kong si Luke. What's between you two?" eksaherada ni Anastasia.
Napakawalang modo nga naman nitong babaeng toh. Magsasalita na sana si Daddy. Sa aming dalawa mas maituturing talaga akong mabuting anak.
"Mahal mo lang, pero di ka mahal." bawi ko. "Inaaya niya akong magtanan pero syempre hindi ako pumayag. Mas gusto ko yung mapera."
Tila sumama ang timpla ni Anastasia ng marinig ang sinabi ko. Tss. Talagang seryoso siyang gusto niya si Luke? Pasensya na lang siya, mukhanh di siya type nung tao.
"Why would he ask you that?"
"Dahil maganda ako, syempre. Ano pa ba?"
Napakuyom ng kamao si Anastasia. Agad na pumagitna si daddy ng makitang nagkakainitan na kaming dalawa.
"I will be gone for three weeks tapos ito ang makikita ko bago ako umalis?"
Napakunot-noo ako. Gone? As in aalis siya? "Saan naman po kayo pupunta? Sa edad niyong yan naisipan niyo pa talagang mag-travel?"
Bumuntong-hininga ito. "Pupunta ako ng Canada for business purposes. I will be handling one of our company in Canada. They're having a problem. Your brother will be here tomorrow."
"Bakit naman siya uuwi rito?"
"Siya ang papalit sa akin habang wala ako. Siya na muna ang magbabantay sa inyo. Alam ko namang pag-alis ko pa lang ay magbabangayan na naman kayo."
I rolled my eyes. "Sa condo ko na lang ako uuwi pag wala kayo. Ayaw kong makasama yang si Anastasia sa bahay ng ako lang at baka masakal ko lang yan."
"Aba! Mas lalong ayaw ko namang kasama ka sa iisang bahay noh! Kung hindi ka aalis, ako ang aalis. I have my own place too."
Binagsak ni daddy ang kamay sa lamesa kaya naman natahimik kaming dalawa.
"Sa bahay kayo uuwi. Sinabihan ko na ang kapatid niyong bantayan kayo habang wala ako. Matatanda na kayo, act like one." matigas nitong sabi. "Sa biyernes na kayo umuwi. Dito didiretso ang kuya niya. May pag-uusapan rin sila ni Brandon tungkol sa negosyo."
"But dad--"
"Sa friday na kayo uuwi."
Hindi na ako nagsalita. Nanatili lang akong nakabusangot. Kung mamalasin ka nga naman. Malas na nga akong naging kapatid si Anastasia tapos mamalasin pa akong makasama siya sa bahay ng kami lang... Well, with our brother but... I'm sure hindi naman yun lalagi sa bahay. saka MAY TRABAHO NA AKO!!! KAILANGAN KO UMUWI BUKAS huhuhu