Matapos ko umalis doon sa party nila, hindi na ako bumalik. Naglakad-lakad na lang ako sa tabing dagat. Dito hindi maingay, saka walang nangi-istorbo sa akin.
Matagal na simula nung huling punta ko rito. The last time I was here, iniisip pa ni Acey na paghigantihan si Brandon for ruining Maura's life. Andito ako nun para magpalamig dahil pinaghahanap ako nung pinag-uutangan ko. Nawala ko kasi yung perang ipambabayad ko sana pero ngayon, nabayaran ko na naman yun kaya wala ng problema.
Matapos humupa ang inis ko, napag-isipan ko na bumalik na. Nakaramdam na rin kasi ako ng gutom. Siguro naman ngayon ay pwede na kumain. Tapos na naman siguro yung mga walang kwentang pinaggagawa nila na pati ako ay nadamay.
Pagbalik ko sa reception, mas lalo atang rumami ang tao. Busy na ang lahat sa pagkukwentuhan at pagbati sa bagong kasal. Dumiretso ako sa kung saan andun ang pagkain. Damn. Ang sarap tingnan. Gutom na talaga ako.
Dalawang plato ang kinuha ko. Tatlo sana pero dalawa lang naman ang kamay ko. Mahihirapan akong dalhin.
"Wala sa katawan mo ang pagiging matakaw."
Napalingon ako sa nagsalita. Nanliit ang mga mata ko ng makita kung sino iyun. Kinuha niya ang isang plato mula sa kamay ko saka siya na mismo ang naglagay ng pagkain doon. Pipigilan ko sana ang pakialamerong iyun pero nauna na siya sa akin. Hinabol ko siya. Feeling close din tong lalaking toh.
"Bakit ka ba nangingialam? Kumuha ka nga ng plato mo. Madami naman doon." asik ko dito.
Hindi siya sumagot. Pinagpatuloy niya lang ang ginagawa niya. Nang mapuno na ang platong hawak ay agad na siyang nagpunta sa isang bakanteng mesa. Nilagay niya yun doon. Hahayaan ko na sana siya at kukuha na lang ulit ako ng plato ng bigla niya akong hilahin papunta doon at inupo.
"Why the hell are you doing this? Close ba tayo?"
Nagkibit-balikat ito. "Trip lang."
I rolled my eyes. "Maganda rin yang trip mo. Pwede ka na umalis. Baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo."
Imbes na umalis ay umupo siya sa harapan ko. "My friends are busy. Wala akong masyadong kakilala dito. Nagkausap na tayo kanina kaya wala naman sigurong kaso sayo kung makikiupo ako rito?"
"May kaso sa akin toh mister. Hindi kita kilala. Saka I'm a very private person. Gusto ko mag-isa."
"Then just do whatever you want. Uupo lang naman ako rito."
"Hindi nga pwe--"
"Sayo ba tong upuan? Wala namang pangalan mo so--"
"Marami akong pera. Magkano ba yang upuang yan at bibilhin ko? Bilhin ko pa lahat ng upuan dito. Magkano ba yan ha?"
Tumawa siya. Akala niya ata nagbibiro ako.
"Kumain ka na nga lang."
Ngumuso ako. Bahala na nga. Sayang lang ang energy ko kung makikipag-away pa ako sa lalaking toh. Bakit ba kasi yan andito? Kaninong anak ba toh at pagsasabihan ko ang mga magulang?
"What's your family name?" seryoso kong tanong pagkuway.
"Agustin."
Napakunot ang noo ko. "Wala kaming kadugong Agustin."
"I know... And I'm glad."
Anu daw? May pag-english english pa. Tss. Kung hindi namin ito kadugo, I'm sure sa side toh ni Brandon. I know Acey's friends. I mean, wala naman talagang kaibigan ang babaeng yun kaya imposible namang kaibigan niya toh. I'm sure it's Brandon's.
"Kaibigan ka ni Brandon?"
He smiled. So kaibigan nga siya ng Brandon na yun? Kaya pala ang lakas mang-asar.
"You're close to Acey, right?"
"No." simple kong sagot.
"But of all of you here, ikaw lang ang ata ang kinausap niya kaya naman in-assume ko na magkalapit kayo."
"We just know each other. We know we're cousins. We talk when we see each other. We smile at each other but we're not close."
"By the way, maganda yung entrance mo kanina sa simbahan."
Napataas ako ng tingin sa kanya. Naalala ko ang pagpasok ko kanina sa simbahan. Tss. Pinaalala pa niya ang pagka-late ko.
Kumain na ako ulit. Hindi na ako nakipag-usap pa sa kanya. Wala na naman din akong itatanong. Ayaw ko rin isipin niya na gusto kong makipagkaibigan sa kanya.
Akala ko ay okey na. Tapos na ang kalbaryo ko pero the moment na narinig ko ang boses ng mukhang nana na si Anastasia ay nawalan ako bigla ng ganang kumain. Bakit kailangan pa niyang lumapit? Bored na ba siya?
"Akala ko umalis ka na naman. Hinahanap ka ni daddy kanina. Saan ka ba nagsusu-suot?"
"Pakialam mo? Umalis ka na nga at baka matadyakan pa kita. Sa mga ganitong mga moment, ayaw kong nakikita ang pagmumukha mo. Nakakawalang gana kumain."
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Imbes ay all eyes na siya sa lalaking nasa harap ko. Para namang lintang dumikit ito doon. Nailing na lang ako. Desperada na talaga. Ilang taon na kasing tigang kaya intindihin na lang natin.
"Hi, ako nga pala si Anastasia. Ang mas magandang kapatid ni Maria. And you are?" malandi niyang pakilala.
"Luke." sagot naman ng gago.
Mabilis pa sa alas kwatro na umupo si Anastasia sa isang bakanteng upuan sa tabi ni Luke. Aist. Wag mong sabihing maglalandian sila ngayon sa harap ko? Nakakasuka na nga kung makita ko lang si Anastasia paano pa kaya kung--
Muntik na akong madura ng makitang ginapos ni Anastasia ang kamay niya kay Luke. Mukhang naasiwa naman ang lalaki sa ginawa ng linta.
"Ang gwapo mo naman. Bakit ka nga pala andito? Pinagbantaan ka ba ni Maria para sumama sa kanya?"
Facepalm. Ano daw? Pinagbantaan? Yang Luke na yan nga ang mapilit.
"Bakit di ka sumama sa akin? Akong bahala sayo."
Umikot ang mga mata ko far up my head I can see my brain cells die.
"I'm sorry but--" tinanggal ni Luke ang pagkakakapit ni Anastasia sa braso niya. Tumingin siya sa akin na para bang humihingi ng saklolo. Natatawa ako sa itsura nito.
Tumayo ako sa kinauupuan ko dala ang plato.
"Hey, Maria..." tawag ni Luke.
I smiled at him. "Enjoy your night, Luke Agustin." yun lang saka tinalikuran ko na silang dalawa. Mabuti nga. Parehas kasi silang pakialamero sa buhay ko. Bagay sila sa isa't isa.
Mula sa di kalayuan ay natanaw ko sina Ericka at ang ibang kapatid nito. They are Acey's siblings. Hindi kami close pero madalas naman kaming nag-uusap pag nagkikita. Lumapit ako sa kanila at walang sabi-sabing umupo sa bakanteng upuan. Napatingin ang mga ito sa akin.
"Wala ng available na table eh." wika ko saka kumain na ulit.
"You really changed a lot, Maria. The last time I saw you, para kang tibo kung manamit. Ngayon... You look like a fine young woman. Lumalabas na ang ganda ng lahi natin sayo." si Edmund.
"Matagal na akong maganda, Edmund. Baka naman malabo lang ang mga mata mo noon."
Ericka laughed. "How are you, Maria?"
"Maganda pa rin."
Nailing ito. May tiningnan ito sa likod ni Adam kaya napatingin din ako roon. Nasulyapan ko si Luke na ngayon ay nakaalis na sa piling ng kapatid ko. Nakaupo na ito ngayon kasama ang mga kaibigan niya. Mahina akong natawa.
"What can you say about Luke?" biglang tanong ni Ericka.
Nagkibit-balikat ako. "I don't know. Hindi ko naman siya kilala."
"Oh come on, Maria... Diba ang hot niya? Ang swerte mo kanina. Kung sana ako lang yung nakasalo nung bulaklak talagang inakit ko na yang si Luke."
Nandiri ako sa sinabi nito. "Shut up, Ericka. Kumakain ako."
"You should go get him bago ka maunahan ni Anastasia."
Napatingin ako kay Luke. Lumapit na naman si Anastasia rito. Tawang tawa ang mga kaibigan nito ng mukhang gustong akitin ni Anastasia ang lalaki. Napangiwi ako. "No thanks. Kanyang kanya na ang lalaking yan. I prefer cash."