"Saan tayo pupunta?" tanong ni Luke ng nasa labas na kami. "Kahit saan, wag lang dito." "Hindi mo dapat kinausap ng ganun ang kapatid mo." aniya. Natawa ako. "Ganun na talaga kami kung mag-usap, Luke. I told you, maraming bagay kang hindi alam sa akin. Kung diyan pa lang ay nabigla ka na, paano pa kaya yung iba? Mag-isip isip ka na kung gusto mo pa ba ipatuloy toh, bago pa mahuli lahat. Ikaw rin.." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. "That will never happen. Try me, Maria." I shrugged. "Okey. Bahala ka." Dahil walang mapuntahan, hinila ko siya papunta sa playground na nasa loob lang ng subdivision namin. Dahil pasukan, walang tao dito ngayon kaya naman solong solo ko ang playground. Tuwang

