Maagang nagising si Gia, dahil sa bumabaliktad na naman ang kanyang sikmura. Matapos, sumuka, kahit wala naman siyang inilalabas, kahit papano ay gumanda na rin ang kanyang pakiramdam. Kaya naman ay nag-ayos na rin siya ng sarili. Paglabas niya ng kwarto ay narinig niya ang ugong ng taxi na minamaneho ni tatay Herman. Nagtataka naman siya, lalo na at tanghali, na kung nandito pa si Tatay Herman, ay hindi ito nakapamapamasada ng madaling araw. Pero kung bagong uwi ito ay sobrang agap pa naman. Pagdating niya ng kusina ay nagtataka si Gia sa dami ng mga grocery at ng kung anu-ano pang pagkain ang nakasalansan sa mesa. Lumapit siya kay nanay Milagros, at nandoon pa rin ang pagtataka sa kanyang mukha. "Nay ano pong meron? May handaan po ba? Bakit po ang daming pagkain? Mga prutas, gulay, is

