Nakatingin lang si Gia at si Mandy sa mga nakaparadang sasakyan. Nakaalalay pa rin si Mandy kay Gia. Pinaupo muna niya ito ng maayos sa kahoy na upuan habang masama pa rin ang tingin sa kotse ni Diesel. "Maam relax lang po kayo ha. Masama pong magpakastress. Baka po makasama sa baby po ninyo. Nagtatampo lang po kayo say Sir. Pero, alam naman po naming mahal na mahal kayo ni Sir Diesel." Malambing na wika ni Mandy kay Gia ng samaan ito ng tingin ni Gia. "Wala ka bang gusto sa Gasolina na iyon? Baka naman sinasabi lang ninyo iyan pero, may gusto pala kayo dun sa Gasolina na iyon." Tanong ni Gia, na ikinagulat ni Mandy. "Hala si Maam ah. Ay syempre wala po. Dedicated po ako sa trabaho ko at malaki po pasahod nila. Mahirap maalis sa pwesto ko. Kaya po wala akong gusto sa kanila. Promise. Ma

