Hapon na ng makarating si Manang Fe at Liza, sa bahay galing sa pamamalengke. Kasama na nila si Gael na ipinagtataka ng dalawang kasama kung bakit hindi ito nasundo ni Gia o kahit ni Diesel. Habang sakay ng taxi sina Manang Fe at Liza galing pamamalengke ng mga oras na iyon, ng mapansin nila ang pagtigil ng school bus, na alam nilang service ni Gael. Pinatigil na muna nila ang taxi, para maisabay na rin sana ang mag-ina. Pero malaki ang ipinagtataka nila ay nakababa na si Gaelng bus, at umusad na rin ang bus palayo, ay wala silang nakita na Gia na lumapit kay Gael. Kaya naman bumaba muna si Liza ng taxi at pinuntaham si Gael. Lalo na at kita nilang nalungkot na ang bata dahil wala itong makita na magsusundo sa kanya. Tinawag naman ni Liza si Gael kaya naman napalingon ang bata sa gawi n

