Habang papalabas ng gate sa bahay ng mga De La Costa si Shara at ang lalaking kasama nito na si Atty. Malegnoe Eclavu, ay pinagmasdan pa ni Shara ang malungkot na mukha ni Gia na sure na siya ngayon na umiiyak dahil sa pagyugyog ng mga balikat nito. Naaawa man si Shara sa kalagayan ni Gia ngayon, ay wala siyang magagawa. Kailangan nilang kumilos, para maging maayos ang lahat. Dahil kung hindi nila ito gagawin, magpaparamdaman lamang si Diesel at Gia, pero walang mangyayari sa bagal kumilos ni Diesel at si Gia naman ang tinaguriang Deny Queen. Lalo na at ramdam na ramdam naman nila na mahal nito si Diesel, pero hindi naman nito maamin. Ang hiling lang nila ay magkausap ng maayos ang dalawa, para naman mabuo na ang pamilyang kay tagal ng pangarap ni Diesel. Bilang ngayon ay kaibigan nito.

