Matapos ang ilang araw na pamamalagi nina Lucas at Diesel sa bahay ni Dimitri ay napapayag na nilang mapasama ito pabalik ng Maynila. Ayaw kasing sumama sa kanila ni Anna kung maiiwan si Dimitri. Hindi naman sa walang tiwala si Anna sa kanila ni Lucas. Pero nararamdaman ni Diesel na komportable talaga si Anna kay Dimitri kaya iyon ang iginagalang nila. Habang sakay sa kotse ni Diesel ang mag-anak ni Lucas. Siya naman ay nakisakay kay Dimitri. Lalo na at baka magback out pa ito at bumalik sa bahay nito sa bundok. Pati ayaw niyang maging chaperone kay Lucas at Anna. Kaya kay Dimitri siya sumabay. Dahil sa haba ng byahe ay nagcheck in pa muna sila sa isang hotel para doon magpalipas ng gabi. Hindi kasi nila pwedeng hayaan na mapagod ng husto si Lucci, ang anak ni Lucas at Anna. Late kasi a

