Nasa balkonahe ng hotel room nila ni Lucas si Diesel, ng tawagan ni Diesel ang secretary niya. Kahit naman nasa San Diego sila ni Lucas ay hands on pa rin siya sa pagmomonitor sa mall. Matapos ang tawag ay si Gia naman ang kanyang tinawagan para kumustahin ito at ang kanilang anak. (Oh napatawag ka Gasolina? Kung itatanong mo si Gael, ay maayos naman. Palagi ko siyang nasusundo sa labasan. Madami daw siyang perfect na quizzes kanina. Gusto mo bang makausap ni Gael? Kaso tulog na eh.) Walang prenong wika ni Gia na ikinabuntong hininga ni Diesel. "Wala man lang bang. Hello Babe. Napatawag ka. Namimiss mo ba ako? Kumusta lakad n'yo ni Lucas? Napagod ka ba sa maghapon? Babe naman, lagyan mo naman ng kaunting lambing ang pagsasalita mo. Lagyan mo naman ng kaunting kasweet-an. Nakakapagod na

