GAEA'S P.O.V:
"GAEA!?"
Agad kong naiangat ang aking mukha mula sa pagkakasubsob sa aking palad at lalo akong naiyak nang makita si Ate Lexie na kararating lang galing sa ibang bansa at dito sa bahay namin ni Lexus dumiretso.
"A-Ate," umiiyak na wika ko.
Binitawan niya ang mga paper bags na hawak niya at lumapit siya sa akin at saka siya lumuhod at niyakap ang hubad kong katawan.
"Diyos ko ka, anong nangyari sayo? Bakit wala kang damit?" naaawang wika niya habang yakap-yakap ako sa kanyang bisig.
"A-Ate, ayoko na. Ilayo mo na po ako dito, parang awa mo na." Humagulgol ako ng iyak sa bisig ni Ate Lexie at parang pinupunit ang puso ko dahil sa pasakit na binibigay ni Lexus sa akin.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Lagi ka bang sinasaktan ni Lexus? Tignan mo nga ang sarili mo. Ang payat-payat mo na at puro pasa at sugat ka pa." Naiiyak na rin na wika ni ate Lexie ngunit mas nangibabaw ang hagulgol ko sa buong bahay.
"What is happening here?"
Tila umatras ang aking luha nang marinig ang pamilyar na boses na yun at nang tignan namin ni ate Lexie kung sino yun, nakatayo si Lexus sa b****a ng pinto.
"Lexus," tawag ni ate Lexie.
Binitawan ako ni ate Lexie at saka siya tumayo mula sa pagkakaluhod sa sahig at hinarap ang kanyang kapatid.
"Anong ginagawa mo rito?" malamig na boses na wika ni Lexus sa kanyang ate at nayakap ko na lamang ang sarili ko dahil hindi pa ako nakakapagbihis.
Ngunit ganun na lamang ang gulat ko nang umigkas ang isang kamay ni ate Lexie at lumipad yun sa mukha ni Lexus nang bigyan niya ito ng isang mabigat na sampal sa pisngi.
"Nakikita mo ba ang sitwasyon ng asawa mo!? Puro pasa at sugat ang katawan niya. Kagagawan mo ba ito!?" nagpipigil ng galit na wika ni ate Lexie.
"Ano ngayon kung ako nga ang may gawa ng pasa at sugat niya, magagamot mo ba?" sagot ni Lexus at wala man lang itong kababakasan kahit isang emosyon.
"Naririnig mo ba ang sarili mo, Lexus? Asawa mo si Gaea!"
"Exactly! She's my wife so I can do whatever I want and you are out of the picture. Ano bang ginagawa mo rito sa bahay ko?"
Napayuko na lamang ako sa aking tuhod at para akong bata na umiiyak sa isang sulok habang nag-uusap ang magkapatid.
"Anong ginagawa? Malamang bibisitahin ko si Gaea at hindi ka kasama pero ganito pa ang madadatnan ko? Araw-araw mo bang sinasaktan si Gaea at alam mo bang pwede kang makulong dahil dyan sa ginagawa mo!?"
"Huh? Makulong, ako? Naririnig mo rin ba ang sarili mo, Lexie Grace? Baka nakakalimutan mong bayad sa utang ng angkan niya ang babaeng yan at siya ang dahilan kung bakit hindi ko mapakasalan si Mia!"
"Gagu ka! Sekretarya mo yun!"
"Wala kang pakialam! Lumayas ka sa bahay ko at huwag na huwag ka nang pupunta ulit dito."
Muli kong naiangat ang aking mukha at napatingin ako kay Ate Lexie at nakakuyom na ang kanyang palad dahil sa pagpipigil ng galit.
"Kung baliw ka pala sa Mia na yun, sana hindi ka na lang pumayag na pakasalan si Gaea! Aalis ako pero isasama ko siya."
"Ano!?"
"Narinig mo ang sinabi ko di ba? Isasama ko si Gaea at magsama kayo ng babae mo! Nakakadiri ka!"
Nilingon ako ni ate Lexie ngunit hinalungkat niya muna ang paper bag na nagkalat sa sahig at kumuha siya ng damit. Walang pagdadalawang-isip na binihisan niya ako at inalalayan akong makatayo.
"Lexie Grace!" sigaw ni Lexus dahilan para mapayakap ako kay ate Lexie habang nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot.
"Wala kang galang! Subukan mong pigilan ako, sa korte tayo magkikita! Lumayas ka sa harapan ko!"
Hinila ako ni ate Lexie palabas ng bahay at walang nagawa si Lexus kundi ang hayaan si ate Lexie sa gusto niya.
Inalalayan ako ni ate hanggang sa marating namin ang kanyang kotse at pumasok kaming dalawa sa backseat ng sasakyan.
"Darius, sa bahay tayo." Utos ni ate Lexie.
"Sige po, Maam. Pero ayos lang ba si Gaea? Bakit nanginginig siya?" usisa ni Darius, ang driver ni Ate Lexie.
"Ang chismos mo, magmaneho ka na!" singhal ni ate Lexie kaya napakamot na lang si Darius sa kanyang batok at sinimulang magmaneho palayo sa impyernong baha na 'yon.
"Bwisit na Lexus yan! Ang kapal ng mukha niyang saktan ka ng ganyan. Ayaw naman pala niyang pakasalan ka bakit pumayag pa siya?" inis na sambit ni ate kaya humigpit ang pagkakayakap ko sa kanyang braso.
"I-Ilayo mo lang po ako, ate. Magiging tahimik po ang buhay ko." Umiiyak na sambit ko.
"Kailan pa?" singhal ni ate Lexie sa akin.
"M-Matagal na po mula ng ikasal kaming dalawa ni Lexus."
"Nang hindi mo man lang sinasabi sa akin kahit na pinupuntahan kita sa bahay niyo at isinasama kita kahit saan ako magpunta?"
"A-Ate, tinatakot niya po ako. Sa tuwing pupunta ka sa bahay, nauuna na ang banta niya na papatayin niya ako oras na magsalita ako sa harapan mo."
Naging malambot ang ekspresyon ng mukha ni ate Lexie at saka niya ako niyakap ulit.
"Hush, tahan na. Saka na natin pag-usapan yan." Pang-aalo niya sa akin na kahit pakalmahin ko ang sarili ko ay hindi ko magawa dahil sobra-sobra ang trauma na binigay ni Lexus sa akin.
Dala ng pagod, gutom at pag-iyak, nakatulog ako habang yakap-yakap ni ate Lexie.
***
"Magandang gabi, balae," magiliw na bati ni Mama at Papa nang dumating ang pamilya ni Lexus sa aming bahay.
Ngunit ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang lalaking katabi ni ate Lexie. Hindi siya pamilyar sa akin at ngayon ko lang siya nakita.
"Gaea, tara sa kusina niyo," ani ni ate Lexie sa akin na may dalang box ng cake at hinila ang aking braso ngunit ang tingin ko ay nakapako sa lalaking katabi niya.
Nang marating namin ang kusina, lumapit ako kay ate Lexie at bumulong sa kanyang tainga.
"Ate, sino yung lalaking katabi mo nung pagpasok niyo rito sa bahay?" usisa ko habang abala siya sa pag-unbox ng cake sa mesa.
May birthday ba?
Mamamanhikan sila pero may dalang cake? Weird.
Nilingon ni ate Lexie ang sala kung saan naroon ang buong angkan ko at ang pamilya ni Lexus.
"Ah, si Deo? Bestfriend siya ni Lexus. Childhood bestfriend to be exact. Isa siyang architect sa firm ng asawa ko. Tahimik lang siya at kung magsasalita man, pino at puno ng awtoridad."
"Deo?" takang ulit ko pa sa pangalan na sinabi niya.
"Hmm, Architect Deo Kane Nexoria. Tulad ni Lexus, habulin din siya ng babae ngunit kahit isa ay wala akong nabalitaan na naging girlfriend niya."
Ang shala naman ng pangalan.
Hanggang sa makabalik kami sa sala ni ate Lexie, nag-uusap na ang mga matatanda kung kailan gaganapin ang kasal sa pagitan namin ni Lexus.
Gastos pa rin ng pamilya ni Lexus dahil ako ang babae. Malamang, dagdag sa utang na naman ng angkan ko ang kasal na ito at ako ang naiipit dahil sa ginagawa nila.
June 27, yun ang buwan at araw ng magiging kalbaryo ko sa piling ng isang Lexus Gray Lagdameo.
At dahil hindi ko na matagalan ang nakakasakal na atmospera sa paligid, nagpasya akong lumabas na lang ng bahay at sumagap ng sariwang hangin.
"Bakit hindi ka nakikisali sa usapan nila tungkol sa kasal niyo ni Lexus?"
Gulat na napalingon ako sa aking likuran at ang taong naroon ay ang lalaking inuusisa ko pa lamang kay ate Lexie kanina.
"U-Uhm, hindi naman kailangan ang opinyon ko para doon."
Lumapit si Deo sa tabi ko at tulad ko, nakatingin din siya sa madilim na kalangitan na kakaunti lamang ang bituin na kumikinang.
"Alam ko ang dahilan kung bakit kayo ikakasal ni Lexus," aniya ngunit wala doon ang atensyon ko dahil nakatitig lamang ako sa kanyang mukha na nakatingala sa madilim na kalangitan.
Ang gwapo niya pala.
Bumaba ang tingin ni Deo sa akin kaya bigla akong umiwas ng tingin at agad na gumapang ang init sa aking pisngi.
Nakakahiya ka, Gaea!
"I'm Deo Kane Nyxoria, bestfriend ni Lexus," biglang pakilala niya kaya muli ko siyang nilingon at nagulat ako nang makitang nakalahad ang kanyang palad sa aking harapan.
Wala sa sariling tinanggap ko yun at bahagyang nakipag-shakehands sa kanya.
"Gaea Caeli Lumineer."
"I know. Lexus tells a lot of story about you, pero wala ka ba talagang opinyon tungkol sa kasal ninyong dalawa. Although, hindi naman na kayo mga bata pero ang maging bayad sa utang na hindi naman ikaw ang may gawa, papayag ka na lang ba?"
Binitawan ko ang kamay ni Deo at saka ako muling tumingala sa langit at dumikit pa ang balikat ko sa kanyang braso dahilan para makaramdam ako ng kuryente na dumaloy doon ngunit iwinaksi ko na lamang.
"Sa mundong mayroon ako, anak lang ako ng mga magulang ko at wala akong karapatang magdesisyon para sa sarili ko dahil sa mga mata nila, sila lamang ang tama at ang gagawin ko lamang ay sumunod sa kanilang gusto."