LEXIE'S P.O.V:
NAKATULOG si Gaea sa byahe kaya hinayaan ko muna siya at isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat at tinignan si Darius na nasa kalsada lamang ang atensyon.
"Darius, sa hospital muna tayo dumiretso kung saan naroon si Allen."
"Bakit?" takang tanong ni Darius.
"Nakikita mo naman ang sitwasyon ni Gaea di ba? Puno siya ng pasa at sugat."
Nai-stress ako sa sitwasyon ni Gaea. Hindi ko alam na sinasaktan siya ng kapatid ko at sa tuwing pinupuntahan ko sila sa kanilang bahay, tila normal naman ang pagsasama nila ngunit ito ang unang beses na nakita ko kung gaano kamiserable si Gaea sa kamay ni Lexus.
"Nakita ko. Si Lexus ba may gawa niyan?" usisa pa ni Darius.
Dakilang chismoso talaga tong lintik na to. Naturingang lalaki pero yung bunganga hindi maitikom.
Akala ko babae lang ang hindi mapirmi, lalaki din pala.
"Hindi ko alam pero mukhang ganun nga ang nangyayari. Wala namang sinasabi si Gaea sa akin na sinasaktan sya ni Lexus. Sa tuwing pupunta ako sa bahay nila, ang nakangiting mukha ni Gaea ang bumubungad sa akin kaya hindi ko nahalata na may problema silang dalawa."
Nilingon ko pa si Gaea at dahan-dahang inilagay sa aking hita ang kanyang ulo at mukha siyang bata na naghahanap ng kalinga at pagmamahal.
"Hindi mo naman pwedeng panghimasukan ang buhay ng kapatid mo dahil matatanda na sila at isa pa, nasa kanila kung paano nila haharapin ang problema nila bilang mag-asawa."
Napairap na lang ako sa sinabi ni Darius although may point naman siya lalo pa't labas ako sa relasyon ni Lexus at Gaea bilang mag asawa.
Ngunit nang makita ko ang sitwasyon ni Gaea at kung paano siya magmakaawa sa akin, tila pinupunit ang aking puso sa bawat butil ng luha na kumakawala sa kanyang mga mata.
Napabuga na lamang ako ng hangin at hindi na umimik pa hanggang sa marating namin ang hospital at hindi ko na ginising pa si Gaea at ako na ang kumausap kay Allen na isang resident doctor sa LA Medical Center.
"Lexie, anong nangyayari?" takang tanong niya nang pumasok ako sa loob mg hospital at saktong nasa receiving area siya.
"Sweetie, pwede bang pahiram muna ng stretcher at ibababa namin si Gaea," wika ko.
"Bakit? Anong nangyari kay Gaea?" takang tanong niya.
"Ikaw na lang ang bahalang humusga. Sige na, tulungan mo na lang kami ni Darius."
Nagtataka man, nagpakuha si Allen ng stretcher at ang tulog na katawan ni Gaea sa loob ng kotse ang bumulaga sa kanya at nawalan bigla ng emosyon ang kanyang mukha nang makita ang itsura ng sister in law ko.
"Sa emergency room na lang tayo," utos ni Darius sa mga nurse na tumulong sa amin at agad nilang dinala si Gaea sa emergency room at sumunod ako hanggang sa makapasok kami sa kwarto.
"Kailan pa ito, Lexie?" tanong ni Allen habang sinusuot ang kanyang stetoscope at sinimulang alamin ang lagay ni Gaea.
"Hindi ko alam. Basta pagkarating ko sa bahay nila para bisitahin siya, nadatnan ko siyang nakalugmok sa sahig na walang suot na damit at umiiyak. Allen, she's begging me to help her out from Lexus' life."
Naiiyak na wika ko habang nakatingin sa tulog na katawan ni Gaea. Alam kong magagalit siya dahil dinala ko siya rito sa hospital ngunit wala siyang magagawa sa dapat kong gawin.
"She's suffering from lack of nutritions at may bakas ng physical abuse. Si Lexus ba ang may gawa nito?"
"Yes," tila bulong sa hangin na wika ko dahil hindi ko inaasahan na magagawa ni Lexus kay Gaea ang ganitong uri ng pagmamaltrato. "He admit it when we were inside their house. Sinubukan niya pa akong palayasin ngunit sinama ko si Gaea. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kay Lexus."
Lumapit si Allen sa akin at niyakap ako dahil hindi ko talaga mapigilang maawa kay Gaea.
"Sa ngayon, kailangan muna natin siyang i-admit para makabawi ang katawan niya mula sa malnutrition at physical abuse. Ikukuha ko siya ng kwarto na malapit sa opisina ko. Dito ka muna,"
"Sige."
Nang maiwan kami ni Gaea sa loob ng emergency room, lumapit ako kay Gaea at hinawi ang luha na kumakawala sa kanyang mga mata at hinaplos ng marahan ang kanyang buhok.
"Gaea, bakit hindi mo sinabi sa akin? Tiniis mo ng tatlong taon ang pagmamaltrato sayo ng kapatid ko? Sana sinabi mo sa akin para natulungan kita di ba?" gumaralgal ang aking boses at pinipigilan ko lang na umiyak at makalipas lamang ang ilang sandali, bumukas ang pinto at nang lingunin ko ito, naroon si Allen kasama si Deo na siyang ipinagtaka ko.
Mabilis kong pinunasan ang luha sa aking mga mata at lumapit kay Deo para usisain ito.
"Bakit ka nandito, Deo?" takang tanong ko.
"May hinatid lang kaming trabahador na naaksidente sa site at nakita ko si Kuya Allen at nabanggit niya na narito ka kasama si Gaea. Anong nangyari?"
Nasapo ko na lamang ang aking mukha at nilingon ko si Gaea na siya ring ginawa ni Deo ngunit ibinalik niya pa rin ang atensyon sa akin.
"Sinasaktan ni Lexus si Gaea, Deo. Pwede bang kausapin mo si Lexus? Hindi kasi pwede ang ginagawa niya lalo na't mag-asawa sila."
"Pwede kong kausapin si Lexus ngunit hindi ko pwedeng panghimasukan ang buhay may asawa niya. Matanda na siya at alam niya ang tama at mali," ani ni Deo. "At mali rin na saktan niya si Gaea, pisikal o emosyonal man."
Nayakap ko na lamang ang sarili ko at lumapit si Allen sa akin at yumakap din sa bewang ko.
"Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kay Lexus. Parang ibang tao na siya, hindi na siya ang kapatid ko. Harap-harapan niya pang sinabi sa akin na sana si Mia na lang ang pinakasalan niya kaysa kay Gaea dahil wala raw itong kwenta."
"Mia?" takang tanong ni Deo.
"Hmm, secretary ni Lexus sa kompanya namin."
"Baka siya yung nakita ko kagabi nang pumunta ako sa bahay ni Lexus para kausapin siya sa gusto niyang design sa bagong building na itatayo niya. Mukhang may relasyon nga silang dalawa."
"Oh god, I can't believe this!"
Napayakap na lang ako kay Allen at sakto namang may mga pumasok na nurse at ililipat na nila si Gaea sa isang private room na nasa tabi ng opisina ni Allen.
"So, what are your plans now that you had her?" basag ni Deo sa katahimikan namin nang tuluyan nang ilabas si Gaea.
"Nagmakaawa siya sa akin, Deo. Sinabi niya na ilayo ko siya kay Lexus."
"Anong balak mo? Maybe I could help?"
Napatitig ako kay Deo.
Bestfriend niya si Lexus at mabait siyang tao ngunit hindi siya katulad ng kapatid ko na basta-basta na lang magbubuhat ng kamay sa isang babae.
"Dadalhin ko siya sa isla, yung hindi alam ni Lexus. Kailangang lumaban ni Gaea para sa sarili niya."
"May alam ako, pero papayag kaya si Gaea sa plano mo?"
"Saka ko na iisipin ang galit ni Gaea, uunahin ko muna ang kalusugan niya dahil sobrang payat na niya. Okay pa siya bago ako umalis papuntang France."
"Sige, sabihan mo na lang ako. Handa akong tumulong kahit na bestfriend ko si Lexus, hindi tama ang ginagawa niya."
Tumango na lang ako kay Deo at saka ako iginiya ni Allen palabas ng emergency room at nagpaalam si Deo sa amin na aasikasuhin niya muna ang trabahador nilang naaksidente.
Kami naman ni Allen ay dumiretso sa kwarto kung saan naroon si Gaea at nadatnan namin ang babaeng nurse na kinakabitan ng dextrose si Gaea.
Umupo kami ni Allen sa couch at hinawakan ang kamay ko.
"Sigurado ka ba sa plano mong ilayo si Gaea kay Lexus?" tanong ni Allen habang nakatingin kaming pareho sa ginagawa ng nurse.
"Kung yun lang ang tanging paraan para bumalik ang dating sigla ni Gaea ay gagawin ko. Hindi niya deserve ang ganitong trato lalo na't mabait at maalaga si Gaea. Akala ko magiging masaya ang pagsasama nila ni Lexus bilang mag-asawa dahil siya mismo ang humiling ng kasal na yun. Hindi ko alam na aabot sa ganito."
"Sweetie, wala ka namang kasalanan sa kung ano man ang ginagawa ng kapatid mo. Sa ngayon, tulungan muna natin si Gaea na makabawi at saka na natin isipin si Lexus."