GAEA'S P.O.V: LUMABAS na si Lexus mula sa banyo at agad akong umiwas ng tingin dahil tanging tuwalya lang ang nakatapi sa ibabang bahagi ng katawan niya at tumutulo pa ang tubig sa katawan niya. "Hindi ka pa inaantok?" aniya nang makitang nakaupo ako sa kama at hinihintay siya. "I-Inaantok na." "Wait, magbibihis lang ako." Pumasok siya sa walk-in closet at makalipas lamang ang ilang minuto, bumalik siya at terno ang pajama naming dalawa. Sumampa siya sa ibabaw ng kama at nahiga sa tabi ko bago niya marahang inaabot ang aking braso at hinila ako pahiga sa kanyang dibdib. "Alam kong masyado kang nagulat sa mga kilos at pananalita ko but I tried so hard to fix everything. Tutulungan mo naman ako di ba?" "Paanong tulong ba?" usisa ko habang marahan niyang hinahaplos ang aking buhok at

