LICK ME 8: 🌻🌻🌻

1544 Words
GAEA'S P.O.V: "GAEA, sigurado ka bang sasama ka kay Lexus pauwi sa bahay niyo?" bulong ni Ate Lexie sa akin habang nakaupo pa rin ako sa ibabaw ng kama at isang linggo akong nanatili rito sa hospital. Kasalukuyan kasing nililigpit ni Lexus ang gamit ko at dahan-dahan niyang tinutupi ang mga damit ko at may kalayuan ang pwesto niya sa amin ni ate Lexie. "Ate, alam ko pong mahirap paniwalaan kaso mag-asawa po kami eh. Ano na lang po ang sasabihin ng pamilya natin kung bigla na lang kami nagkakalabuan ng walang rason?" "Walang rason?" singhal niya sa akin. "Naririnig mo ba ang sarili mo? Nangangayayat ka at puro pasa at sugat ang buong katawan mo, hindi pa ba sapat na rason yun para hiwalayan mo ang kapatid ko?" Nakagat ko na lamang ang aking labi at alam kong hindi tama ang desisyon na ginagawa ko ngunit sa mata ng mga taong nakapaligid sa amin ni Lexus, mag-asawa kaming dalawa at mahirap magpa divorce sa bansang ito kahit na gustuhin ko. "Last chance, ate Lexie. Huling pagkakataon ang ibibigay ko kay Lexus para maitama ang pagsasama naming dalawa." Dismayadong bumagsak ang balikat ni ate Lexie sa akin at saka siya tumabi at naupo sa ibabaw ng kama at hinawakan ang kamay ko. "Basta, oras na saktan ka ulit ni Lexus, huwag kang magdadalawang isip na tawagan ako. Kahit saang lupalop man ako ng mundo naroon, pupuntahan kita agad." "Makakaasa ka po ate." Tipid na ngiti na lamang ang ibinigay niya sa akin at sakto namang natapos na si Lexus at isinukbit sa kanyang balikat ang bag na naglalaman ng gamit ko, lumapit siya sa amin ni ate Lexie. "Let's go?" ani ni Lexus at inilahad ang kamay niya sa akin. Tinignan ko pa si ate Lexie ngunit inirapan niya lang ang kapatid at saka tumayo mula sa kinauupuan niya sa tabi ko. Nahihiyang tinanggap ko na lamang ang kamay ni Lexus at marahan niya akong hinila patayo at magkahawak-kamay na lumabas kami ng kwarto. Ito ang unang beses na hawakan niya ako sa kamay. Bukod sa panghihila niya sa akin sa tuwing galit siya, ngayon lang ito nangyari sa amin at mukhang gusto na niya talagang magbago. Habang tinatahak namin ang pasilyo ng hospital kasama si ate Lexie na nasa tabi ko, nakasalubong namin si Kuya Allen at si Deo. "Uuwi na kayo?" ani ni Kuya Allen at diretsong yumakap sa asawa niyang si ate Lexie. "Ano pa nga ba? Pagod na ako at gusto ko nang umuwi," wika ni ate Lexie. "Ihahatid na kita." "Wala ka bang rounds ngayon?" "Day off ko. May pinag-usapan lang kami ni Deo." Dumapo ang paningin ko kay Deo ngunit agad ko ring iniwas dahil ang mga mata niya ay nakatingin sa kamay namin ni Lexus na magkahawak. "Ano naman ang pinag-usapan niyo?" usisa ni ate Lexie. "Magpapagawa kasi ng bahay yung isang doctor na kasama ko rito sa hospital at inirekomenda ko si Deo at nag-usap silang dalawa sa pamamagitan ko." "Ah." "Sabay-sabay na lang tayong lumabas nitong hospital?" sabat ni Lexus kaya napunta sa kanya ang atensyon nilang tatlo. "Bakit hindi muna tayo kumain sa isang resto habang magkakasama pa tayo di ba?" suhestiyon ni Deo. "Ay tara, gutom na nga ako. Ikaw ba, Gaea?" baling sa akin ni ate Lexie. "S-Sige po." "Let's go." Naunang maglakad si ate Lexie kasama si Kuya Allen at hinila na rin ako ni Lexus at sumabay si Deo sa akin hanggang sa makapasok kami sa elevator. Napapakagat na lamang ako ng aking labi dahil bumabangga ang braso ko sa braso ni Deo at hindi man lang ito umimik kaya hinayaan ko na lang. Hanggang sa makalabas kami ng hospital, nagkanya-kanya na kaming sakay ng kotse at nasa sasakyan ako ni Lexus at ito ang unang beses na magkasama kami sa iisang sasakyan. "You okay?" ani ni Lexus na siyang ikinagulat ko nang magsimula na siyang paandarin ang sasakyan dahil nauna nang umalis sila Kuya Allen, kasama si ate Lexie at si Deo sa kani-kanilang sasakyan. "A-Ayos lang. Nagugulat lang ako sa ikinikilos mo," nahihiyang wika ko. Natawa si Lexus at inabot ang kamay ko at ikinulong niya yun sa kanyang palad habang ang isa niyang kamay ay nasa manibela. "Nakakagulat ba? Sorry, hindi ko talaga sinasadya ang lahat ng nagawa ko sayo sa loob ng tatlong taong pagsasama natin. Nagsisisi na ako. Mapapatawad mo naman ako di ba?" "Kung sa pagpapatawad, oo pero kung gagawin mo ulit yun, baka hilingin ko na lang sayo na patayin mo ako." "Hindi ko gagawin yun." Napangiti na lang ako at nakahinga ng maluwag dahil nagbabago na talaga si Lexus. Nang marating namin ang Trev O Grill, bumaba na kami ni Lexus ng sasakyan at inalalayan niya ako hanggang sa makapasok kami. Sa isang VIP room kami dinala ng waiter at nakapagpa reserba na pala si Deo bago pa man kami makaalis ng hospital. Umupo kami ni Lexus malapit sa pader at napapagitnaan nila ako ni Deo habang si ate Lexie at Kuya Allen ay nasa harapan namin. "Anong gusto mong iorder, Gaea?" ani ni ate Lexie. "Kung ano na lang po ang orderin mo ate," nahihiyang sambit ko. "Hindi ba alam ni Lexus kung ano ang paborito mong pagkain?" ani ni ate Lexie kaya napatingin ako kay Lexus na masama ang tingin sa kapatid niya. "W-Wala naman po akong paboritong pagkain, kahit ano naman po kinakain ko." "Ate Lexie," tawag ni Lexus sa kanyang kapatid. "What? Tama naman ako ah? Sa tagal ng pagsasama niyo ni Gaea, hindi mo yata kilala ang asawa mo kahit sa kaliit-liitang impormasyon." "I do know some things about her at pwede ba, lubayan mo kaming dalawa. Umorder ka na lang ng gusto mo at wag mo kaming pansinin." "Whatever." Napahawak na lang ako sa braso ni Lexus at baka mag-away silang magkapatid dahil sa akin. Silang magkapatid na ang nagdesisyon ng kakainin namin at habang naghihintay, nag-uusap si kuya Allen, Deo at Lexus. "May blueprint ka na bang naihanda para sa expansion ng opisina ko?" ani ni Lexus kaya napalingon ako kay Deo ngunit na kay Lexus ang tingin niya. Expansion? Bakit? "I'm working on it. Maybe one of this days I'll send it to you." "Hindi naman ako nagmamadali, okay lang siguro since marami kang kliyente." "Bakit ka magpapa expand ng opisina mo? Ang lawak na non." Sabat ni ate Lexie. "Pakialam mo ba, ako ang may-ari." Sarkastikong wika ni Lexus at mukhang magsisimula na naman silang magbangayan. "I can do whatever I want." "Spoiled ka lang talaga." "Tsk, Allen, itali mo yang asawa mo." "Bastos! Tawagin mo siyang kuya." "Pakialam mo ba?" Napailing na lang si Deo at Kuya Allen sa pagbabangayan ng magkapatid hanggang sa dumating ang pagkain namin, nagpatuloy sila sa pag-uusap at ako ay nanatiling tahimik lang. Kung sana noong una pa lang, naging maayos ang pagsasama namin ni Lexus, baka masaya kaming dalawa. Walang sapilitang kasalan. Walang utang na naganap. Wala sanang masasaktan. Nang matapos kaming kumain at magpasyang umuwi, nagulat ako nang makita si Mia na naghihintay sa labas ng bahay namin at napatingin ako kay Lexus ngunit seryoso lamang ang tingin niya sa labas ng kotse at nauna itong bumaba kaya sumunod ako. "Anong ginagawa mo rito?" mahinahong tanong ni Lexus. "Anong ginagawa ko? Ilang araw na akong naghihintay sayo tapos makikita ko na lang na kasama mo na ang babaeng yan?" ani ni Mia na tila malalim ang galit na pinanghuhugutan. "Asawa ko si Gaea kaya anong masama kung magkasama kaming dalawa? Galing siya sa hospital at kalalabas niya lang ngayon." Pagak na natawa si Mia ni Lexus. "Oh my god! Nagbabago na ba ang mundo at bigla kang naging mabait sa asawa mo? I can't believe you, Lexus." "Tsk, umalis ka na lang at sa opisina na tayo mag-usap. Tara na, Gaea." Hinawakan ni Lexus ang aking siko at saka ako iginiya papasok sa loob ng bahay at iniwan si Mia sa labas. "A-Ayos lang naman sa akin kung kausapin mo si Mia. Babae mo yun di ba?" "Gaea, magbabago na nga ako di ba? Uumpisahan ko kay Mia kaya sige na, pumasok ka na sa kwarto natin at magpahinga. Ako na lang ang magsasara ng pinto. Ipapasok ko lang ang kotse sa garahe." "S-Sige." Muling lumabas si Lexus at sinilip ko pa siya sa bintana kung kakausapin niya si Mia ngunit nilagpasan niya lang ito at muling pumasok sa sasakyan at saka ipinasok ito sa garahe at nilock ang gate namin at bumalik siya sa loob ng bahay. Nagulat pa siya nang makitang naghihintay ako kaya lumapit siya sa akin at nahigit ko ang sarili kong paghinga nang kabigin niya ako palapit sa kanya. "Bakit hindi ka pa pumupunta sa kwarto natin?" "H-Hinintay kita." Baka kasi may babae siyang itinago sa kwarto, mahirap na. "Tsk, tara na." Iginiya na ako ni Lexus papunta sa kwarto namin at nang buksan niya ang pinto, maaliwalas ang kwarto at bagong palit ang mga gamit. "Magbihis ka na, maliligo lang ako." Tinanguhan ko na lang siya at saka ako lumapit sa walk-in closet at nagulat ako dahil magkasama ang mga damit namin. Kumuha na lang ako ng isang pares ng pajama at sana nagpalit at hinintay ko na lang si Lexus habang nakaupo ako sa ibabaw ng kama. Nakakapanibago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD