LICK ME 7: ⚠️R🔞🥵

1585 Words
MIA'S P.O.V: PADABOG na binitawan ko ang aking cellphone matapos kong tawagan si Lexus. Ang lalaking yun, hindi man lang ako isinama kung saan man siya pupunta! Tatlong araw na niya akong hindi pinapansin at tatlong araw na ring walang nangyayari sa amin. Siguro busy lang talaga siya sa trabaho dahil sunud-sunod ang meeting niya sa mga investors at dumating pa si Sir Deo na bestfriend niya. Sumandal na lamang ako sa aking kinauupuan at busangot ang mukha ko at sakto namang tumambad si Rachelle at Wena sa harapan ko habang nakasandal silang pareho sa gilid ng aking mesa. "Bakit busangot yang mukha mo?" ani ni Rachelle. "Hmp, paanong hindi bubusangot ang mukha ko kung umalis si Sir Lexus at hindi ako isinama?" Pagmamaktol ko. "Hindi ba't kasama niya si Sir Deo, ang gwapong architect? Nakita namin silang sumakay ng elevator. Balita ko wala pang asawa yun," ani ni Wena. "Mukhang galit nga si Sir Deo o baka natural na ekspresyon yun ng mukha niya, pero gwapo pa rin." "Ay korek ka te. Ang sarap ng biceps at triceps!" pagsang-ayon ko. Sa totoo lang, nagsasawa na ako kay Lexus ngunit wala akong magagawa dahil binibigay niya naman ang lahat ng luho ko na dapat ay sa asawa niya. Ganun talaga siguro kapag masarap no? Hindi ka bibitawan kahit na alam nilang may sabit na sila at syempre bilang ulirang mamamayan, pera lang ang habol ko kay Lexus. At isa pa, napapakinabangan ko naman siya sa kama kaya ayos lang bumuka, may datong naman. "Ang hilig mo sa gwapo no?" sita ni Rachelle sa akin. "Anyway, totoo ba ang balita na may relasyon kayo ni Sir Lexus? Hindi ba't may asawa na yun?" Umigkas ang isang kilay ko hinawi ang aking buhok bago humalukipkip sa aking kinauupuan. "Kung ano man ang chismis na kumakalat, hindi yun totoo no. Tyaka alam ko naman na may asawa si Sir Lexus. Hello, sekretarya lang ako." Palusot ko. Hindi kasi pwedeng malaman dito sa opisina na may relasyon kaming dalawa ni Lexus dahil tiyak na palalayasin ako ng wala sa oras. Maganda pa man din ang pasahod dito sa kompanya at ang panglalandi ko lang kay Lexus ang aking sandata para makatuntong sa alta sosyudad. "Eh may nakapagsabi kasi sa amin na nakarinig siya ng ungol ng babae sa loob ng opisina ni Sir Lexus. Although, hindi naman na bago sa atin na habulin talaga siya ng babae pero alam naman natin na ipinagbabawal sa loob ng kompanya na magkaroon ng relasyon ang employee at employer di ba?" ani ni Wena. Isang pekeng tawa ang pinakawalan ko at sumenyas pa ako sa ere na parang may hinahawi. "Naku, ano ka ba, tsismis lang yun tyaka may asawa si Sir Lexus. Malay mo naman silang dalawa yung nagchu-chukchakan sa office?" "Te, hindi pa nakakatuntong ng kompanya ang asawa ni Sir Lexus at wala ngang nakakakilala sa kanya." Nawala ang ngiti sa aking labi at tama ang sinabi ni Rachelle. Mula sa tatlong taon na pagiging mag asawa ni Lexus at Gaea, hindi dinadala ni Lexus ang babaeng yun dito sa opisina para lang ipakilala bilang asawa niya. Kung tutuusin nga, mas mukha pa kaming mag asawa na dalawa kaysa sa kanilang dalawa ni Gaea. Ang boring kasi ng babaeng yun. "Ow, oo nga pala. Pero malay natin di ba? Sikreto lang silang nagkikita." Nagkibit-balikat na lang si Rachelle at Wena sa akin at saka sila bumalik sa kanilang cubicle. Kung sino man ang pesteng nagpapakalat ng chismis na yun, may kalalagyan siya sa akin! Tumayo ako mula sa aking swivel chair at saka ako naglakad patungo sa pantry at nadatnan ko si Leonard na isa sa mga staff ng Marketing. Nagtitimpla ito ng kape at ako naman ay lumapit sa tabi niya at bahagyang binuksan ang butones ng aking blouse at kumuha ng tasa. Sinadya kong ibangga ang dibdib ko sa kanyang braso ng abutin ko ang tasa kaya natigilan siya. "Oh, sorry. Hindi ko sinasadya." Pakyemeng wika ko at binigyan siya ng matamis na ngiti ngunit ang mas ikinagulat ko ay nang hawakan niya ako sa aking braso at isinalya sa pader at walang pagdadalawang-isip na sinunggaban ang aking labi. He trapped me against the wall, his one hand caging my wrists above my head. His other hand slid up my thigh, forcing my skirt higher as I felt the hard ridge of him pressing between my legs. "Uhmm..." Hindi ko mapigilang mapaungol dahil kakaiba ang halik na iginawad niya sa akin o mas tamang sabihin na nangungulila ako sa halik at haplos ni Lexus? Nang bitawan ni Leonard ang labi ko, habol namin ang pareho naming hininga at napatitig ako sa kanyang mga mata. "I know what you did inside Sir Lexus' office," aniya at naamoy ko ang kanyang hininga na amoy menthol. Ang lamig at ang bango. I smiled at him wickedly. "So, ikaw ang nagpapakalat tungkol sa relasyon na mayroon kami ni Lexus? Masarap bang manuod habang binabayo niya ako sa kanyang mesa, hmm?" Gumalaw ang adams apple niya nang lumunok siya ngunit agad niya akong binitawan at bumalik siya sa kanyang ginagawa. "Itigil mo na kung ano man yang binabalak mo Mia, masamang kalaban ang mga mayayaman." Nawala ang ngiti sa aking labi at hindi man lang inayos ang aking itsura habang nanatili akong nakasandal sa pader. "Matagal na tayong tapos, Leonard at wala kang karapatan na pagsabihan ako. Bakit hindi mo na lang atupagin ang buhay mo? Baka matuwa pa ako sayo." Marahas na nilingon ako ni Leonard at nanatiling malamig ang tingin na ibinibigay niya sa akin. "Fine then, hindi kita pakikialaman pero sa oras na bumulusok ka pababa, huwag na huwag kang lalapit sa akin kahit na kailan. Nakakadiri ka." Tuluyan na siyang umalis sa pantry at naiwan akong mag isa. Nasapo ko na lamang ang aking ulo at inis na sumigaw sa loob ng pantry. Wala akong pakialam kung may makarinig man sa akin dahil kuhang-kuha ni Leonard ang inis ko. Kung hindi dahil sa kanya, baka masaya kami ngayon ngunit nangyari na ang nangyari. Ex-boyfriend ko si Leonard noong hindi pa ako napupunta sa kompanya na ito at akala ko ay sobrang perpekto na niya para sa akin ngunit nagkamali ako. Nang madakip niya akong may kahalikang ibang lalaki, bigla siyang nakipaghiwalay sa akin nang hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag at halos isumpa niya ako dahil umano sa niloko ko siya at isa akong pakarat na babae. Dahil don, nagbago ang buhay ko at isinabuhay ko ang mga salitang binitawan niya at nitong taong lang ulit kami nagkita nang matanggap ako rito sa LGC bilang sekretarya at hindi ko alam na narito siya. At ayaw ko nang balikan pa ang nakaraan na dapat ay ibinabaon na sa limot. Wala siyang kwenta. Nang sumapit ang uwian, hindi na bumalik si Lexus kaya mag-isa akong umalis ng kompanya at nagtaxi na lamang ako hanggang sa makauwi ako ng bahay. "Nasaan ang pera!?" Agad na nangunot ang aking noo nang marinig ang sigaw ni Tatay kahit na kakababa ko lang ng taxi ay rinig ko na agad ang galit niyang boses kaya matapos kong makapagbayad, mabilis akong pumasok sa bahay at nagulat ako nang makitang wasak ang gamit namin sa sala. At si Nanay at Lia ay magkayakap habang umiiyak. "I-Ibinayad ko sa tuition ni Lia tyaka bigay yun ni Mia. Bakit mo ba ako hinahanap ng pera kung wala ka namang ibinibigay-- ahh!" Napasigaw si Nanay nang ibalibag ni Tatay ang upuan na gawa sa kawayan at muntikang matamaan si Nanay at Lia kaya pumagitna na ako sa kanila. "Tigilan mo nga si Lia at si Nanay!" matapang na sigaw ko. "Uuwi ka lang rito sa bahay para manggulo, wala ka na ngang ambag--" Hindi natapos ang sasabihin ko nang haklitin ni Tatay ang mukha ko at mahigpit niyang diniinan ang pisngi ko. "Tumatapang ka na? Bakit, porket maganda ang trabaho mo sa mga Lagdameo na kung tutuusin ay binibenta mo lang din ang katawan mo sa batang Lagdameo!" "Mahal ako ni Lexus!" Pagak siyang tumawa at amoy na amoy ang alak mula sa kanyang hininga. "Ha? Mahal? Nasisiraan ka na ba ng utak? Kahit kailan hindi pagtatagpuin ng tadhana ang mayaman at mahirap dahil magkaiba ang mundo na ginagalawan ninyong dalawa kung ako sayo, huwag ka nang mangangarap na maiaahon ka ng Lagdameo na yun sa impyernong ito!" Sinamaan ko siya ng tingin matapos niyang bitawan ang mukha ko at halos tumilapon ako dahil sa lakas ng pagkakahawi niya at nasalo ako ni Nanay at niyakap nila ako ni Lia. "Argh! Tangnang buhay to!" Sinipa pa ni Tatay ang sofa na gawa sa kawayan at saka siya naglakad palabas ng bahay kaya naiwan kaming tatlo. "Anak, ayos ka lang ba?" may pag-aalalanga baling sa akin ni Nanay kaya nginitian ko siya kahit na masakit ang aking panga dahil sa ginawa ni Tatay. "Ayos lang po ako, sinaktan po ba kayo ni Tatay?" "Hindi. Alam mo namang kapag lasing yun laging pera ang hinahanap sa akin gayong wala naman siyang binibigay. Sa sahod mo na nga lang ako umaasa." "Hayaan niyo po, Nay, kapag ikinasal po kami ni Lexus iiwanan po natin itong bahay. Magpapakalayo-layo po tayo." Tumango na lang si Nanay sa akin kaya niyakap ko na lang siya at si Lia na nanginginig pa rin dahil sa takot. Hanggang kaya kong magsakripisyo, gagawin ko ang lahat para sa kanilang dalawa. Makaalis lang kami sa hirap ng buhay, matatahimik na ako. At si Lexus lang ang tanging pag-asa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD