LICK ME 6: ⚠️⚠️⚠️

1607 Words
LEXUS' P.O.V: IT'S BEEN three days since Ate Lexie visit our house as she drags out my wife, ngunit ang mas ikinagulat ko ay si Deo na narito sa opisina ko. "What brought you here dude? Kailan ka pa pala dumating ng bansa?" usisa ko sa kanya habang nakaupo siya sa single couch at ako ay nakaupo sa mahabang sofa at may alak sa harapan naming dalawa. "Isang buwan na akong narito matapos ang project ko sa Spain." "Without telling me? Edi sana nakapag celebrate tayo ng maayos." Seryoso lamang ang mukha ni Deo at ibinaba ang hawak niyang kopita at saka sumandal sa kanyang kinauupuan. "I tried to reach you out, dude but you're always drunk. Ano bang nangyayari sa inyong dalawa ng asawa mo?" Bahagya akong napangiwi dahil wala akong balak na pag-usapan si Gaea ngunit kilala niya ang babaeng yun dahil nakita at nakilala niya ito noong panahong namanhikan ang pamilya ko sa pamilya ng babaeng yun ngunit sakto naman lilipad siya ng Spain at tatlong taong siyang nanatili roon dahil proyekto niya bilang arkitekto kaya hindi siya nakadalo sa mismong kasal namin. "Walang problema sa amin ni Gaea, Deo." "Kung walang problema, bakit puro sugat at pasa si Gaea nang dalhin siya ni ate Lexie sa hospital." "What?" "Naka confine ngayon si Gaea sa hospital sa ilalim ng pangangalaga ni kuya Allen at base sa findings niya, bugbog sarado ang katawan ni Gaea. Sinasaktan mo ba ang asawa mo?" Parang gusto kong humalakhak dahil inusisa niya ang tungkol kay Gaea ngunit ano bang pakialam niya sa relasyon namin bilang mag-asawa? "Dude, asawa ko si Gaea at gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin." "By hurting her physically? Alam mong hindi tayo dapat manakit ng babae kahit na asawa mo pa siya." Sinamaan ko ng tingin si Deo ngunit nanatiling seryoso ang mukha niya. "Fine, I'm sorry. I am the one who did that and I didn't mean it. Lasing lang ako." Naging malambot ang ekspresyon ng mukha ni Deo at bahagyang ngumiti sa akin. "You should visit her inside the hospital. Hindi pa rin siya gumigising hanggang ngayon at ang sabi ni kuya Allen ay dahil sa pagod kaya hindi pa gumigising si Gaea." "Ano nga pala ang ipinunta mo rito?" paglilihis ko na lamang sa usapan namin dahil wala akong pakialam sa babaeng 'yon. Sana nga tuluyan na siyang hindi magising para tuluyan ko nang magawa ang plano ko kay Mia. Sagabal lang talaga sa buhay ko ang babae na yun. "Right, I came because you mentioned you wanted to renovate this office of yours. May naiisip ka na bang plano?" Tsk, muntikan ko pang makalimutan na pinakiusapan ko nga pala siya na irenovate ang opisina ko dahil masyado itong maliit para sa akin. "Oh, naalala ko na. Gusto kong palawakin pa lalo ang opisina ko dahil nasisikipan ako at gusto ko sanang ilagay ang mesa ng sekretarya ko rito sa loob at gusto kong magpagawa ng isang kwarto at banyo na rin para kung sakaling matambakan ako ng trabaho, dito na lang ako matutulog." "Yun lang ba? Pwede naman nating lagyan ng extension itong opisina mo. Wala ka na bang ibang pababaguhin?" "Hmm, mag-iisip muna ako then pupuntahan na lang kita if ever gusto ko pa ng pagbabago." "Alright, yun lang ang ipinunta ko rito at babalik ako sa hospital." Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit?" "Well, one of our construction workers had an accident and I am responsible for it." "Oh? Saan naadmit?" "Sa hospital kung saan nagtatrabaho si Allen." Nakaramdam ako bigla ng kakaiba nang malamang pumupunta si Deo sa hospital. Ibig sabihin, nagkikita at nag-uusap rin sila ni ate Lexie at nadadalaw niya si Gaea? "Pwede ba akong sumama?" wala sa sariling sambit ko. "Gusto mong dalawin si Gaea?" "Well, nagkaroon lang kami ng hindi pagkakaintindihan at nakialam si ate Lexie. Kahit pag bali-baliktarin ang mundo, asawa ko si Gaea at sa akin pa rin siya uuwi." Marahang tumango si Deo sa akin at saka siya tumayo mula sa kanyang kinauupuan kaya sumunod na rin ako. "Sige, tara na." Naunang maglakad si Deo palabas ng opisina ko at napatingin pa si Mia sa akin ngunit hindi ko siya pinansin hanggang sa makapasok kaming dalawa ni Deo sa elevator. Sa totoo lang, parang kapatid na ang turingan namin ni Deo. Kung ako ang siraulo, si Deo naman ang good boy. Kung ako ay babaero, si Deo ay wala pang naikama o naging girlfriend kahit isang babae. Sinubukan ko nga na lasunin ang utak niya na kumuha siya ng babae ngunit mas focus siya sa pag-aaral noon at ngayon ay sa trabaho na. Ngunit nakakaramdam ako ng kakaiba sa tuwing binabanggit niya si Gaea na parang matagal na silang magkakilala o baka kinakaibigan niya lang si Gaea dahil asawa ko siya? Hindi ko alam. Hanggang sa marating namin ang basement, pareho kaming lumapit sa sari-sarili naming sasakyan at saktong pagpasok ko ay siya namang pagtunog ng aking cellphone at ang pangalan ni Mia ang nakarehistro. "Mia," wika ko nang sagutin ang tawag niya at sinimulang paandarin ang kotse dahil bumusina si Deo sa akin at nauna na siyang umalis. Inilagay ko sa phone stand ang cellphone ko at nilagay ito sa loud speaker. "Honey, saan ka pupunta? Hindi mo ako isasama?" panlalambing ni Mia sa akin kaya napabuga ako ng hangin habang pinipihit ang manibela hanggang sa makalabas ito ng gusali at tahakin ang kalsada patungong hospital. "May pupuntahan lang kami ni Deo, babalik ako agad." "Aww, ang cold mo sa akin lately. Did I do something wrong?" "Of course not. Marami lang akong iniisip, baby. I'll come back later. Sige na at nagmamaneho ako." "Hmp, okay. Ingat ka. I love you." "I love you too." Hinayaan ko nang patayin ni Mia ang tawag at sinundan ang kotse ni Deo na tatlong kotse ang pagitan namin dahil sa traffic. Ang malas naman. Mag gagabi na rin kasi at talaga rush hour na. Makalipas lamang ang ilang minuto, halos alas syete na nang marating namin ni Deo ang hospital at hinintay niya ako sa entrance ng pagamutan habang hawak ang phone niya. "Nagtext si ate Lexie sa akin, gising na raw si Gaea," aniya na siyang ikinatango dahil wala naman akong interes kung magising siya o hindi ngunit kailangan kong ibalik sa bahay si Gaea kahit banggain ko pa silang lahat. "Oh, mabuti kung ganun. Saan ba ang kwarto niya?" patay-malisyang wika ko at tila masaya ang tono ng boses ko sa ibinalita niya ngunit kabaliktaran niyon ang nararamdaman ko. "Malapit sa opisina ni Allen. Pwede bang mauna ka nang pumunta doon? Kailangan ko kasing bisitahin yung trabahador ko at saka ako susunod sayo." "Sige." Pumasok na kaming dalawa ni Deo at tinungo ko ang opisina ni Allen at humiwalay rin siya ng landas sa akin at bago ko pa man marating ang kwarto na kinaroroonan ni Gaea, nadatnan ko si ate Lexie sa pasilyo habang kausap ang asawa niya at napansin niya ako agad. "Anong ginagawa mo rito?" bakas ang galit sa kanyang mukha at tila nakakaramdam ako ng tuwa dahil sa pagtrato niya sa akin. "Deo told me that my wife was hospitalized that's why I'm here." Pagak na tumawa si ate Lexie. "Are you fvcking kidding me? Kasalanan mo kung bakit narito si Gaea. Sinasaktan mo siya!" "Ano bang alam mo sa relasyon naming mag-asawa? Hindi ka pwedeng makialam dahil kapatid lang kita at na kay Gaea pa rin ang desisyon kung sasama siya sayo o hindi." Natameme si ate Lexie sa sinabi ko kaya iniwan ko siya at naglakad ako papasok ng kwarto at nakita ko nga si Gaea na gising na at nakaupo siya sa gitna ng kama habang may dextrose na nakakabit sa kanyang braso. "L-Lexus," ani ni Gaea at bakas ang takot sa kanyang boses. Naglakad ako papasok ng kwarto at sumunod si ate Lexie sa akin kasama ang asawa niyang si Allen at umupo ako sa mono block chair at tinignan si Gaea. "How are you? Deo told me that you were hospitalized. Kasalanan ko ba?" malungkot na wika ko habang nakatingin sa mga mata ni Gaea. Nilingon niya pa si ate Lexie at saka ibinalik ang atensyon niya sa akin. "H-Hindi. Pagod lang siguro ako." Inabot ko ang kamay ni Gaea at nanginginig yun ngunit dinala ko lang yun sa aking pisngi at marahang inihaplos ang palad niya sa mukha ko. "Gaea, umuwi na tayo. Malungkot pala na wala ka sa bahay. Patawarin mo ako sa mga nagawa ko. Bumalik ka lang sa akin, magbabago na ako. Let's work it out this marriage." "Tsk, nahihibang ka na!" singhal ni ate Lexie sa akin ngunit hindi ko siya pinansin. "Gaea," naiiyak na wika ko kaya lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Gaea at nawala ang panginginig ng kamay niya. "M-Magbabago ka na? Hindi mo na ako sasaktan?" ani ni Gaea. "Hindi. Lasing lang ako non kaya ko nagawa yun at hindi ko sinasadya na saktan ka. Asawa kita di ba?" "B-Bakit ang sabi mo sa akin, hindi magiging solusyon ang kasal natin bilang pambayad ng utang ng buong angkan ko?" "Hush, I didn't mean it. Hindi ka bayad sa utang, Gaea. Mahal kita." Tumulo ang luha sa mga mata ni Gaea. "M-Mahal mo ako?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Yes kaya uwi na tayo, hmm? Miss na miss na kita." Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at niyakap si Gaea at umiyak siya sa dibdib ko. "S-Sige, uuwi na tayo." Napangiti na lamang ako ng palihim dahil kahit anong gawin ng kapatid ko, mas importante kay Gaea ang salitang kasal kaysa ang mawalay sa akin. I will burn you to hell, Gaea Caeli Lumineer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD