GAEA'S P.O.V: "PERO ate, paano po kung hindi pirmahan ni Lexus ang divorce paper na namin?" may pag-aalalang tanong ko. "Gaea, pirmahan niya man o hindi, sa korte na kayo magkikita. Ano, ganito ka na lang? Hahayaan mo ang sarili mo na apihin ni Lexus at magpakulong sa isang kasal na wala ka namang pinanghahawakan? Hindi kita tutulungan kung may anak kayong dalawa kaso sa loob ng tatlong taon na pagsasama niyo ay wala namang nangyayari sa inyo, tama ba?" Marahan akong tumango. "Opo. Mula nang ikasal kami ni Lexus, iba-ibang babae ang inuuwi niya sa bahay at hindi kami sa iisang kwarto natutulog. Minsan pinapakita niya pa sa akin ang kababuyan na ginagawa nila ni Mia at pakiramdam ko pinapatay niya ako habang humihinga pa ako rito sa mundo." Lumapit si ate Lexie sa akin at pareho na kami

