EXF 9- Friction
Kit's POV
Sinasabi kona, syempre kung may nangyayari saking kababalaghan hindi papahuli si Kae, akalain. Nagkita na rin sila ni Kinnick niya o mas tamang sabihin na si Andropholos. Tapos, makikitira pa sa mansyon ang grey eyes na lalaking yon? Hoy! Bwisit na tadhana ka bakit biased ka samin ni Kae? siya ang ganda ng pagkikita nila ng Kinnick niya, samantalang ako epic kung epic! Napaka unfair mo!
Okay bago pa sa kung mapunta.
Nadito na ako sa opisina, kasama ang mga monitor ko. Talagang 'mga' dahil lima ang nakatapat sakin. Nagbukas muna ako ng f*******:. Sa modern era na 'to uso parin ang f*******:, pero buti naman ag nawala na ang mga jejemons at famewhores.
Facebook...
Cenniza Saints
Crydhelle Luke Smith send you a friend request
Dinudutdot kopa ang ang monitor kahit alam kong untouchable 'yon. Syems! He added me! What I gonna do now? Wait? Aba! diba asawa ko siya sa Lucille? 'Wag niyang sabihin na porke nakilala niya si Cenniza Saints na ibang account ko ay makikipaglandian na siya!
Wait a minute again. Sige, icha-challenge ko siya kung gaano siya ka loyal kay Lucille. Tang*na niya, paano sa kung ibang FC girls ganito rin rin siya? Aba nyeta lang!
In-accept ko siya. Saka nag login sa Lucille.
Lucille Cassidy Pendover
Post: Ang mga lalaki basta may magandang babaeng nakilala ina-add na kaagad. Excusme lang, paki sabuhay naman ang salitang 'loyalty'
--
Yannis Wyniea, Peach Sigris and 578 like this
Comments:
Yannis: Hoy Daddy! Crydhelle may ginagawa ka na namang kalokohan no?
Crydhelle: meron nga ba Anak? Yannis anong nangyari Baby?
Peach: Ano pa nga bang bago sa mga punyetang lalaking yan?
Crydhelle: hard mo po sakin sis-in-law T.T
Peach: ./. Ka hard kapag sinaktan mo si Lucille malalatayan ka sa'kin kapag pinahanap kitang gago ka
Lucille: Nagpost lang ako ng ganyan. Napaka-OA niyo na magreact!
Crydhelle: Sorry po.
Pinili ko nalang na mag-logout nakakainis kasing basahin ang mga comments ganoon lang ay kung makapagsireact akala mo ay nag-announce ako na nasa galaxy ako. Pero mas naiinis ako kay Crydhelle bakit ba napaka double faced niya?
Initinuon ko nalang uli ang sarili ko sa pagtatrabaho. Napakarami na palang orders na hindi ko nare-response. Nakakaloka kasi ang mga nagdaang araw. Si Lelouch, hindi parin yata nahahanap kung saang lupalop man siya nagtungo sana naman ay maayos siya o kaya'y nakakatulog. Yung ni-run away Bride niya kaya? Hay! Bakit ko ba inaalala ang mga 'yon?
"Ma'am Kit, pinapatawag na po kayo sa conference room, dumating na po yung new investors natin." Sabi ni Milra na nag-appear sa monitor ko, siya ang secretary ko na bigla-bigla kung mag-video message gugulatin ka talaga eh.
Tumayo ako saka lumabas ng opisina. Sana naman ay hindi matandang hukluban ang makaharap ko ngayon. Sumakay ako sa tunnerlator patungo sa tuktok ng building naman kung saan naroon ang conference room. Sobrang genius ng Lolo ko para makapagpatayo ng ganito kalaking Technology company. At kami namang only apo niya ay parang ginagago lang ang mga gawain dito. Hahaha siyempre joke lang mahirap din no.
Automatic na bumukas ang metal door at bumungad sakin ang isang lalaking nakatalikod.
Mr. Christian Gray ikaw ba 'yan? Nakapamulsa kasi ang lalaki mala-six footer ang tangkad sana naman ay hindi mukhang hukluban please...
"Good morning," paunang bati ko. Ano bang meron sa natatanaw niyang buong kamaynilahan? Yung mga ulap ba o gusali?
Pagkalingon ng lalaki ay muntikan pa akong matumba.
"Cro-Cronux?" nakangiti siya habang palapit sakin.
"Nice to see you again Miss Kit," napahawak ako sa upuan at alanganing ngumiti sa kanya. Totoo ba 'to? Si Crydhelle kaharap ko ngayon! Kailan kapa natutong manurpresa Galaxy?
"Oh, so...Bussinessman ka pala?" naupo siya at tumango. Paano naman kasi nung una kaming nagkita mukha siyang higschool student na nag-cutting sa klase alam niyo yun? Plus mukha pa siyang tambay sa kanto.
"Quits lang, hindi rin naman ako makapaniwala na ikaw ang may-ari nito." Aba? Gaguhan? Siguro akala niya isa akong babaeng tanga at pakawala noong araw na 'yon. Bangasan ko kaya siya sa mukha?
"Okay, let's start our proposal." Pormal na sabi ko. Tumikhim naman siya saka kumumpas ng monitor ang galing isang pitik niyang lumabas ang mga proposal letters niya. Astig! hindi na naman ako modern human.
After an hour ay natapos din siya sa perception niya.
"What do you think Miss Jimenez?" aminado naman ako na napahanga niya ako, at ano daw iyon? Yung plate car niya? Na nag-teteleport? Hanep yun! Tinalo si Kae at Air.
"I consider it," ngumiti siya. Tumayo ako saka siya kinamayan.
May kung anong kuryente ang dumaloy sakin, deretso sa spinal cord ko, masakit yun ah!
Nang napabitaw ako sa kanya at inalalayan niya ako sa braso dahil papatumba na 'ko.
"Are you okay?" worried niyang tanong. I felt something on my head, parang anumang oras ay isa-isang puputok ang mga brain cells ko. Tanginang kuryente kasi na iyon. Galing ba 'yon sa kanya?
"Nakuryente kasi ako nang nakipagkamay ako sayo, ano ba 'yon?" napatingin siya sa palad niya.
"Wala namang something sa palm ko," napaupo nalang ako uli.
"Your eyes..." rinig kong bulong niya.
"Anong meron sa mata ko?" tanong ko sa kanya.
"Wala, namalik mata lang siguro ako, okay kana ba?" tumango ako habang hawak ang sentido ko. Punyeta namang headached 'to, bad timming!
"Let's go outside," sabi ko sabay tumayo.
Pagkasakay naming sa tunnelator ay dineretso kona iyon sa parking lot, hindi kona kasi kaya ang sakit ng ulo ko.
"Sorry, kailangan ko yatang ipahinga itong sakit ng ulo ko," napatingin siya sakin.
"Okay lang, tutal you consider my invest, kaya lagi na kitang pupuntahan." Nakangiting sabi niya, ewan ko ba kung bakit duda ako sa mga ngiti niya ngayon...
Para kasing kakaiba...
"May kotse kaba?" tanong ko sa kanya kasi namn ay nakatayo pa aiya sa tapat ko.
"It's not a car." Kumumpas siya at lumapit sa kanya ang isang bilog na lumilipad na object. Napanganga ako.
"Isa ito sa mga samples ng product ko." May kinuha siyang remote at may pinindot doon. Tumapat sa ulunan niya ang bilog na aparato at may lumabas na liwanag doon.
"See you, when I see you again Ms. Kit," naging transparent siya at tuluyang naglaho. Lumipad pataas ang aparato.
"Oh oh oh ohhh..." napapakanta ako ng 'when I see you again' paano ba naman ay nakaka 'Oh' at 'Wow' ang mga produkto niya. Muli na namang kumirot ang ulo ko kaya pinaandar kona ang kotse ko.
Pagkapark ko sa loob ng garahe ay pinuntahan ko uli ang gate upang isara, muhang sira yata ang 'automatic close' ng lintik na gate. Ang laki at haba pa naman at isang daang porsyentong bakal pa!
"Hey! you b***h!" pagkalingon ko ay nakita ko si Andromeda at walang pakundangan niya 'kong sinampal. "Nasaan si Lelouch?" galit na sigaw niya sakin. Puny*tang babaeng 'to ah? Masakit yun ah!
"Aba! Malay ko, makasampal ka ah, close tayo?" pinanlisikan niya ako ng mata.
"Shut up! H'wag kanang magkunwari na wala kang alam, ang sabi ng driver niya dito siya huling nagpunta before ng wedding namin!" tang*nang guard yon, tsimoso amputa!
"Ako ang sinisisi mo? Oo nagpunta siya dito, pero hindi ibig sabihin n'on ay ako na ang dahilan ng pagtakbo niya sa kasal niyo." Muling dumapo ang palad niya sa kailang pisngi ko. Lokong babaeng ito ah? Kumokota na sakin!
"You asshole, don't tell me that you're an innocent ang sabihin mo ay pin-plano niyo 'yon para ipahiya ako at magsama kayong muli, Coz you know what? Ikaw parin ang mahal niya!" natulala ako. Ramdam ko ang kirot ng ulo ko. Lalong sumasakit.
"You! Daughter of Satan," dumating si Kae at biglang sinikmuraan si Andromeda.
---
Kae's POV
From: Kinnick/ Andropholos
Nag bake ako ng cupcakes para sa inyo, hintayin ko nalang pag-uwi niyo :D
Ni-close ko ang tab at napangiti, marunong din palang mag-bake ang lokong lalaki. Pauwi na ako after kong ma-receive kay Kit na uuwi na siya.
Infairness, ang sarap mag-drive sa ere, tanaw ko ang makukulay na ilaw sa buong kamaynilaan. Ngayon ko lang siguro mapupuri ng bongga itong Maynila para kasi siyang starry galaxies dahil sa mga ilaw.
Maya-maya pa ay natatanaw ko na ang mansyon namin. Pero nakakapagtaka lang dahil parang bukas ang gate? Ti-nap ko sa screen ang mansion at nagzoom-in iyon. Si Kit at sino na kasi 'yong babae? Andromeda?
Napasinghap ako ng biglang sampalin nung babae si Kit. Putang*na niya ni utot nga hindi ko pinapalanghap sa kakambal ko halos ipatanggal ko ang lahat ng bato dito sa mundo para lang hindi siya masaktan kapag nadadapa tapos sasampalin niya lang?
Mabilis kong pinaharurot pababa si Air. Buti nalang at sound proof ito, naging ipis ay hindi naririnig.
Pagkababa ko ay kaagad kong piinuntahan ang dalawa.
"You! Daughter of Satan!" sinikmuraan ko si Andromeda. Saktan na niya ang lahat 'wag lang si Kit!
"Dito pa talaga sa teritoryo namin? Gusto mo bang naka kahon na umalis dito?" namimilipit parin siya na sapo ang tiyan niya. Close to pagsuka ng dugo na nga ang paninikmura ko sa kanya.
"Ano? Nalasahan mo ba ang kinain mo kanina?" kinwelyuhan ko siya. Beast mode ako punyeta lang baka mapatay ko ang babaeng 'to!
"Let me go, b***h the second!" sigaw niya. Lalo ko namang hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo niya. sinusubukan talaga ako ng anak ni satan.
"Anong permiso mo para sampalin ang kakambal ko?" tanong ko.
"Sinampal ko siya kasi malandi siya! Inakit niya si Lelouch para takbuhan niya ako sa kasal namin! Bibitawan mo ako o ipadedemanda kita?"aba? Naghahamon pa?
"Sige, pero pumasok ka muna sa mansyon namin para makauwi kana sa impyerno." Kinaladkad ko siya papasok.
"Kae..." napalingon ako kay Kit na tila hinang-hina.
"Sundan mo nalang ako Kit, kailangan natin torturin ang Demonyitang 'to!" biglang pumiksi si Andromeda at tinulak ako.
"Pagbabayaran mo ang ginawa mo sakin!" sigaw niya sakin. Pinagpag ko ang balikat ko. Ang ibig sabihin nito ay last level na ng inis ko at talagang hindi na makakalabas ang babaeng ito ng hindi nakakahon.
"Kae...yung-" napatingin ako kay Kit. Ano bang problema ng isang ito?
WHAT.THE.HELLOGRIPHICS! bakit kulay purple ang left eye niya?
"Ate Meda! Tama na iyan!"sigaw ni Andropholos pagkatakbo patungo samin. Naglipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo.
"Andropholos? What are you doing here? Kahapon ka pa namin hinahanap!" nilapitan ni Andromeda si Andropholos. Teka lang... naguguluhan na ako.
"Kapatid mo si Andromeda?" tanong ko kay Andropholos.
"Yes, naglayas siya." Sagot ng demonyita.
"Hindi ikaw kausap ko!" Holy crap, faith in heaven.
"Sumama kana sakin Pholos! Hindi kita hahayaan na dumikit sa mga uri nila!" bigla kong hinablot ang buhok ng dimonyita, nakakagago na eh!
"Mali ang ginawa mo Ate, hindi ako sasama sayo at hindi na ako babalik satin. Ayoko na d'on at ayoko sayo!" sigaw naman ni Andropholos. Ang childish ah?
Hinila ko ang buhok ng demonyita patungo sa gate at ibinalibag siya pagkatapos. Hindi kona naharapan ang purple eye ni Kit.
"Huwag kana babalik dito ah!" sabi ko saka malakas na isinara ang gate.
"Kae!!!" napatingin ako kay Andropholos habang tangan ang walang malay na si Kit.
Ano'ng nangyari?