Chapter 7 and Chapter 8

2558 Words
Chapter 7 Kit's POV Tulala parin ako habang nanonood ng tv at inaalam ang buong detalye sa napakainit na balita. Ang ala-run away groom peg ni Lelouch. Ano'ng problema niya? Kawawa naman ang Bride, kahit ang sama ng ugali non naaawa parin ako. Alam kong labis na nasaktan si Andromeda bukod sa malaking iskandalo ang kinasadlakan ng wedding nila ay hindi pa matukoy kung nasaan si Lelouch. "Kae, dito kalang muna ha?" Sabi ko sa kanya. Susubukan kong kasing hanapin ang gagong lalaking 'yon. At makakatikim siya sakin ng isang libong sampal sa mukha. "Ingat, ako nalang ang maghihintay sa mga orders natin." Kaagad akong lumabas ng kwarto patungo sa Ferrari ko. Mabilis kong pinaandar 'yon. Hindi ko maintindihan kung bakit apektado ako. Bakit mas nasasaktan ako. Tinawagan ko si Cexza. "Bess, mag-out ka muna sa work samahan mo 'ko." [Saan naman?] "Sa Atlantis mall, mag-bowling tayo." Hindi na siya sumagot alam na niya ang ibig kong sabihin, ganito kasi ang gawain ko kapag masakit ang nararamdaman ko ayokong tuluyang malungkot dahil alam ko na maaapektuhan din si Kae. Tulad nga ng napagusapan ay nagkita kami sa bowling lanes ng Atlantis mall. Kaagad akong kumuha ng bola at pinadausdos iyon. Naka-strike ako. "I feel you Bess," sabi ni Cexza. "Nakakapunyeta naman kasi talaga!" Inis kong sabi. "Pero grabeh 'yon no? nang iwan ba naman ng bride?" ubod lakas kong pinadausdos ang bola halos dumagundong ang buong bowling lane. "Bess, I'm tired, sa bar naman tayo." Nagkibit balikat siya. She really know me. Minsan kung hindi ako dito sa bowling lane pupunta ay makikipag-car racing ako which is matagal ko ng tinigilan dahil muntikan na akong maaksidente at halos itakwil ako ni Kae. Nasa bar na kami ni Cexza pero siya parin ang laman ng isip ko. Hindi na nagsasalita si Cexza dahil alam niyang hindi naman ako nakikinig. Ano ba ang dapat kong gawin? "Bess it's already twilight na." I hissed. "Sige, umuwi kana ako na bahala." Hinawakan niya ang kamay ko. "Everything will be alright Bess," yun lang at umalis na siya. Maya-maya nga ay napagpasyahan ko naring umuwi, dala ang isang bote ng whiskey ay nag-drive ako, hindi pa naman ako ganoon ka lasing. Nadaan ako sa Manila Bay at napagpasyahan kong huminto doon. Umakyat ako upang matanaw ang buong dagat, inilagay ko sa tabi ko ang bote. Dahan-dahan akong tumayo. "Tang*na mo Leouch! Ganyan kaba magmahal?" sigaw ko. Wala akong pake kung pinagtitinginan na 'ko ng mga taong dumaaan. "Punyeta ka! May sinaktan ka na namang babae!" patuloy kong sigaw. Iba talaga ang epekto sa'kin ng alak. Makapal ang mukha ko. "Kung nasaan ka man! Alam mo ba, ang gago mo! Sobrang gago mo!" putcha! Sumasakit na lalamunan ko. Pero tuloy lang ako sa pagsigaw. Hindi ko naiwasang maiyak. Kapag talaga nakita ko siya. Babangasan ko siya! "Miss! Malalaglag kana!" narinig kong sabi ng isang lalaki. At iyon nga, hindi ko alam na said na pala ako sa line, kaya nawalan ako ng balanse dala narin siguro ng pagkahilo sa epekto ng alak. Mabuti nalang at nasalo ako ng lalaki. "Thanks God, I'll catch you." Syemay...mukha siyang archangel na bumaba sa langit. Super pogi! Ang kinis ng mukha tapos...yung mga mata ang kinang. Dahan-dahan niya akong ibinaba at itinayo. "Are you okay Miss?" worried niyang tanong. "Yeah, thank you..." he beamed. OH MY CHIZ! His smile so bright like moon and stars in the night. "Cronux nga pala..." inilahad niya ang kamay niya. So awkward naman. "Kit," Simple I said, saka kami nag shake-hands. "Hindi naman sa tsimoso pero may pinagdaraanan ka ba?" Wow. Hindi pala tsismoso ah! "It's all about my f**k*ng Ex." Napa-ohh lang siya. Gay ah? "I think hindi right na maglalasing dahil lang sa Ex mo, he's only a past but you're terrified to moving on." Napatingin ako sa kanya. Love guru ba siya? "Bwisit na move-on na 'yan ba't 'di ko magawa?" Natawa siya. "I mean, don't wasting your precious life and time just forget him, let him go, and move on. I know I didn't have rights to say this but...do you really love him?" napahawak ako sa sentido ko. Sumasakit ulo ko sa mga sinasabi niya ah. "Kasalanan ng feelings ko kaya mahal ko pa rin siya," natigilan ako sa sinabi ko. Tama nga ba ako ng sinabi? "That's the reason why you can't move on." He beamed, oh his dimple...so adorable. "Sorry, tanga eh." bagkus na matawa siya ay tinapik niya ang balikat ko. "Kung hindi mo mamasamain, pwede naman kitang tulungan maka- move on." Expected sana na papayag ako, kaso hindi eh, ano ako cheap? Eh, wala pang isang oras kami nagkakilala? Ayun, binatukan ko nga. "HOY! Kung naghahanap ka ng babaeng lalandiin ibahin mo 'ko!" tumayo ako. Tangina niya hindi siya nakatulong eh! Lalo akong nainis! "Miss Kit wait!" hindi ko siya pinansin tuloy lang ako sa paglalakad. Pero maya-maya ay naramdaman kong may yumakap mula sa likuran ko. Packing tape! "Cronux, kapag hindi ka bumitaw sasakalin kita." Nakakailang naman kasi. Hindi siya sumunod bagkus ay inilapit niya sa taenga ko ang bibig niya. "May tagos ka..." bulong niya na kinalamig ng katawan ko. Putcha! Lupa Bumuka ka utang na loob. Langit, kuhanin mo na ako! Nakakahiya talaga! Ilang Segundo akong naka pause. Tang*na naman kasi, bakit ba hindi ko naalala na puno na pala. Bwisit! "Sige, lumakad kalang." Utos niya. seryoso siya? Nakayakap siya sa likod ko habang naglalakad kami? "H'wag kana maarte, tingnan mo nga 'yung nasa gilid natin naghahalikan." Tiningnan ko siya ng masama. So, dapat magpaka PDA rin kami ganern? Wala narin akong nagawa kaysa tumagal ang kahihiyan kong ito ay naglakad na ako patungo sa Ferrari ko. Pagkapasok ko sa loob ay nakangiti akong dinungaw ni Cronux. "Salamat," nayuko ako. Syet! Nakakailang at nakakahiya talaga. "Nice to meet you Kit." Naka pa-cute face lang siya. Mukha siyang highschool student promise! "Anong sss mo?" wala eh, pagpasensyahan, makapal mukha ko. "Real account or Fictional account?" napaisip ako, may FC din pala siya. "It's up to you," siya naman ang napaisip. "My real account is Cronux Lausigne and my FC is initian CL." He pause in a moment. "Initial CL meaning?" ewan ko ba kung bakit biglang kumabog ang dibdib ko. Tumalikod siya at pinamulsa ang dalawang kamay. "Crydhell Luke..." Loading.... Loading..... Loading.... Earth What's Going On Yah? Napanganga ako. Ayokong magreact ng OA pero... Tadhana seryoso kaba? "How about you Miss Kit? Para ma-add kita." Napalunok ako, hala...anong gagawin ko? Aaminin ko sa kanya na ako si Lucille na asawa niya sa FC world? "My RA is Kit Jimenez then, my FC is Cenniza Saints." Buti nalang at madami akong account pero, bakit ganito pa ang una naming pagtatagpo? "Okay, noted. Goodbye..." kumaway siya sakin bago naglakad palayo. 'Yun lang 'yun? Ganoon nalang 'yun? Pakiramdam ko parang nasa isang reality show ako. Nagkita na kami. At... Napaka Gwapo niya promise! ~ Katrina's POV Nakakabadtrip! Delay ang delivery. Bwisit talaga! Ganda-ganda ng mood ko eh! Si Kit kaya nasaan na? hindi pa ba siya uuwi? Bigla namang kumalabog ang pinto. Sa gulat ko ay naiubuga ko ang iniinom kong fresh milk, nasa kusina kasi ako. "Kit naman,wawasakin mo ba 'yang pinto? Aba! Ang mahal n'yan!" hindi niya ako pinansin bagkus ay kumuha siya ng tubig sa ref. Halos isang lagukan niya lang na ininom 'yon. Anyare sa kanya? Parang nakakita ng kung ano? "Anong kadramahan 'yan?" irita kong tanong habang pinupunasan ang naibuga ko. Gaga kasi n'tong si Kit. "Kae! Nakita ko na siya! Nakita ko na siya!" nagtatalon siya sa tuwa. Yung totoo? Naka hithit ba siya? "Umamin ka Kit,katol,tambutso o ligaw na damo?" pero para sakin mukhang pinagsabay-sabay niya lahat. Nilapitan niya ako sabay niyugyog. "My golly Kae! Napakapogi niya!" kinikilig ang loka. Ay, malala na. "Sino ba kasi?" masasapak ko talaga siya kapag nalaman ko na kumikere siya! "Yung asawa ko..." nangunot ang noo ko. "Asawa? Kailan ka ikinasal?" bigla niya akong binatukan. Bwisit! Kotang-kota na siya sa'kin ng batok ah! "Tanga! Anong kasal ka d'yan, asawa! Yung asawa ko sa FC world, si Crydhell!" nanlaki ang mga mata ko. "NAGKITA NA KAYO?!" sigaw ko sa kanya na kinatakip niya ng taenga. "Kae! Kapag ako nainis ido-donate ko 'yang ngala-ngala mo!" aminado naman ako na mas malakas pa sa ugong ng wang wang ang boses ko lalo na kapag sumigaw. "Ano nga!" hindi niya ako sinagot. Binuksan niya ang ref at kumuha ng mga makakain. "Tara sa kwarto, doon ko iku-kwento." Sumunod nalang ako. Sa kwarto ay naikwento niya sakin ang lahat. "Gaga ka! Bakit hindi mo sinabing ikaw si Lucille?" naku! Ang sarap niyang sabunutan. Moment na niya nga 'yon. "Kahiya-hiya sitwasyon ko no! Ikaw nga kung tinagusan ka,may gana ka pa bang magpakilala?" napaisip ako. Oo nga no? Pero nakakaloka 'tong si Kit, tinagusan talaga? "Hayan ang napapala ng mga hindi nagpapalit." Tiningnan niya ako ng masama. "Bwisit ka!" tawa ako ng tawa. "Don't worry try kong mag-imbento ng napkin na wala ng palitan at hindi napupuno." Bigla siyang natawa kaya pumasok sa ilong niya ang iniinom na coke. "Kae! Kingina ka!" suminga-singa siya. Halos mamatay naman ako kakatawa. "Ramdam kita Kit," di-nerty finger niya ako. "Nakakadiri ka, anong gagawin mo sa napkin, diaper?" "Napupuno ang diaper tanga!" napailing siya saka tumawa. "Ewan ko sayo! puro ka kalokohan. Ayun nga, hindi kona alam, sana wag na kaming magtagpo uli." Tiningnan ko siya, wow pa destiny effect pa? "Nahiya sayo si Serine Depity." "Ano ka ba! Kapag nakita ko siyang muli, baka...baka...tagusan lang ako uli." Napaface-palm ako. Nagpapatawa ba siya? Ano yun, sumasabog ovary niya kapag nakikita si Crydhell? "Nakakahiya kayo ng matris mo!" humalagapak siya ng tawa. "Tigilan na nga natin ang kalokohang 'to, matulog na tayo!" tumayo siya at nagtungo na sa kama niya. Pinatay niya ang lampshade niya saka nagkulubot ng kumot. Loka-loka talaga, lagi nalang akong iniiwanan kapag matutulog na. Nahiga narin ako, buti at hindi na ako ganoon ka nocturnal. Kinuha ko si chukoy at niyakap siya ng mahigpit. -- Chapter 8 EXF 8- MAMIHLAPINATAPAI Mamihlapinatapai- (n.) the wordless, yet meaningful look shared by two people who both desire to initiate something but they are both reluctant to start. -- Kit's POV HAAAAAAAA!!! Napabalikwas ako ng tayo pagkarinig ko ng tili ni Kae, babaeng 'yon talaga. Imagine nasa ibaba na siya niyan, pero ang tili umaabot parin dito. Kaagad akong lumabas ng kwarto at bumaba, mababatukan ko talaga siya ng bongga. Pupungas-pungas pa akong lumapit sa kanya. "Kae naman, kay aga-aga 'yang tili mo abot ibang planeta!" pero anong ginawa? Tumili uli. Hayyy letseng buhay talaga! "Kit, Dumating na order natin!" tila nagising ang diwa ko. Namangha ako sa nakita ko. Isang Lelouch Lapachelle na nakatindig. Totoo ba 'to? Nilapitan ko ang Android, nakatulala lang, nasa isang malaking rectangular metal box lang siya. Samantala ang tinitili naman Kae ay ang katabi ng Android na si Paolo. May inabot sa'king tablet si Kae, sobrang nipis. "Eto lang 'yun?" pinameywangan ako ni Kae. "Hindi, estatwa lang 'yan pinagawa ko kasi trip kong idisplay!" putcha, kay aga-agang kumokota sakin si Kae. "Eh, malamang iba ang iniisip ko sa actual. Paano naman 'to paganahin?" "Naka-charge pa sila, mamaya nalang natin i-activate." Napatingin ako sa bandang puso ng Android, nag cha-charge nga iyon naka white lightning eh. "Hindi ba nila fi-null charge bago ipinadala?" nagkibit balikat si Kae. "Tara, pasok muna tayo mamaya nalang natin sila butingtingin." Dali-daling umakyat sa itaas si Kae. Bwisit, inunahan na naman ako sa CR. Tinitigan kong mabuti ang Android version ni Lelouch. Nasaan na kaya siya? Kung nasaan man siya sana ay maayos siya at makonsiyensya na siya. Napakalaki niyang katanungan sa isipan ko. Sana nga ay maka-tulong ang mga android na ito para makalimutan ko na siya ~ Katrina's POV "Hoy Kae, Magbihis kana nga! Puro ka cellphone." muntikan kong nabitawan ang cellphone ko dahil sa bulyaw ni Kit. Kahit kailan talaga siya ang epal! "Maligo ka nalang!" bulyaw ko rin sa kanya. Busy kasi ako sa pag-chat kay Kinnick. (Chat) Kinnick: Nagustuhan mo ba 'yung pinadala ko? Peach: Oo naman. Thank you, ang sweet mo. Kinnick: Sana someday magkita na rin tayo. Peach: Bahala na si tadhana. Kinnick: Dapat siguro ako nalang ang gagawa na way Peach: Meaning? Kinnick: I am your Destiny Babe... Oh diba? Umagang-umaga nagpapakilig ang FC boyfie ko. Pero mamaya kona siya gagantihan, magbibihis na ako. Pagkatapos kong magbihis ay tapos ng maligo si Kit. Nauna na akong bumaba, nakita ko doon ang dalawang android. Si Paolo... Oo! Makakalimutan ko siya. Nagtuloy ako hanggang sa garahe at doon nakita si Air, yes! Pwede kona siyang i-drive. Kinuha ko ang remote at pinindot ang engine niya. lumulutang itokaya pinidot ko ang arrow palabas upang sundan 'yon ni Air. Actually, ay first time ko palang siyang gagamitin. Habang nakalutang siya ay nagtungo sa gate at binuksan iyon. Gayon nalang ang gulantang ko nang may makitang lalaki na nakadapa. "Excuse me? Okay kalang?" nilapitan ko ito at tinapik-tapik. Hindi naman siya mukhang naaksidente dahil wala akong nakikita ni isang galos sa kanya. Tanging cellphone niya lang ang hawak niya . "Sir? Please wake up! Hindi tulugan ang tapat ng gate namin!" iniharap ko siya. Dumilat siya. What the f**k is that pair of eyes? Pure ash gray. "'Wag mo 'kong titigan, sagutin mo tanong ko!" aba, hindi pain mawawala katarayan ko no! Napatayo siya at napakamot ng ulo. "Hi, ikaw ba si Kae?" nangunot ang noo ko. "Paano mo ako nakilala, sino ka?" tanong ko. "Yes! I finally see you," hiyaw niya tapos ay bigla akong niyakap. "Sandli! Sandali! tsansing ka ha! Sino kaba?" nakakabadtrip! "Ako 'to Kae, si Kinnick..." namilog ang mga mata ko. "KINNICK?!" napatakip siya ng tainga sa sigaw ko. "Anong ginagawa mo dito? Paanong-'' "Binigay mo address mo nung pinadala ko si chukoy diba?" pinameywangan ko siya. "Oh, eh, ano?" Hindi ako makapaniwala na kaharap kona siya. Kanina lang ka-chat ko siya eh, paano 'yan mukha siyang teenager. "Pinuntahan kita dahil...naglayas ako samin." "HA?!" muli kong sigaw na kinatakip niya uli ng tainga. "Ilang taon ka na ba?" tanong ko, iba na ang timpla ng mood eh. "22 po," nayuko siya. Hindi halata, grabeh sa edad niyang 'yan naglalayas pa siya? "So,balak mong nakituloy samin?" marahan siyang tumango. "Sorry, pero stranger ka parin." Aba, hindi ako basta basta nag titiwala no. "Please Kae kahit mga ilang araw lang, promise ready akong maging katulong diyan sa mansyon niyo." "Hindi ko kailangan ng katulong ." Sabi ko. "Kahit boy,driver,hardinero,tubero, lahat kaya ko please lang patuluyin molang ako." What the fang! Ano'ng angyayari? Lumingon-lingon ako sa paligid. "May hindden camera ba dito? Ikaw ha! Gusto mo pala akong maging artista 'di mo sinasabi." Nagbabakasakali lang naman ako na baka nasa isang sitcom ako at baka nagso-shooting pala siya? Gwapo pa naman siya. Please lang, wala sanang siyang saltik. Napa face-palm siya at binaukan ako. "Puny*ta ka ah! Close ba tayo?" napakasakit kai! Kotang-kota na nga ako sa batok ni Kit, dumagdag pa siya. Hinawakan niya ang mga kamay ko at pina-puppy eyes ang ash gry niyan mga mata. "Parang awa mo na Kae, wala na talaga 'kong mapuputahan, hindi naman ako rapist." Ako naman ang bumatok sa kanya. "Aba! Mamaalam ka na sa gwapo mong mukha kapag ginawa mo 'yon! Bakit k aba kasi naglayas?" he took a deep breath. "Pwede bang later ko na i-kwento? Nagugutom na kasi ako, may pagkain ba d'yan?" Naka-peace sign pa siya. s**t! Mababaliw na talaga ako sa mga nangyayari. Kaya heto, pinatuloy ko na siya sa loob. As usual pagpasok namin sa loob ng mansion ay kabababa lang ni Kit sa grand stair case. Pinagtinginan kami ni Kinnick. "Kakambal mo?" tanong ni Kinnick "Hindi, multo ko siya." Seryoso kong sabi. Humalagapak ng tawa si Kit. "Sino siya?" tanong ni Kit. "Kinnick." Bored kong sagot. "'DI NGA?!!!" siyempre nage-echo pa 'yong boses ni Kit niyan. "Hello, kakambal ni kakambal ni Kae, ako nga pala si Andropholos de Veniard. Kinnick Greyson sa FC, naglaas ako, pwede ba 'kong makituloy ditto? Please..." nagpuppy eye na namanang gago. Maawain pa naman 'yang si Kit. "Gwapo ka naman, sige pumapayag ako. Uy Kae! Late na ako!" madali siyang lumabas ng pintuan. Kung late na siya paano pa kaya ako? Suddenly, I stared at Kinnick, his eyes is like a magnet to me. Hindi pwede na hindi mo titigan. "Gutom ka na diba? Tara na sa dinning hall." Sumunod siya sa'kin. Dear Tadhanang palpak, Galing mong tumadhana no? Nakakabwisit! Sarap mong sakalin! Si Kinnick kaya? Kailan ko makikita?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD