Chapter 5
Kit's POV
Okay, matapos akong magdrama sa piling ni Kae at banlawan niya ako ng sari-saring mura ay nagtungo muna ako sa powder room para mag-retouch,naalala ko na ngayon pala ang meeting ko sa Ex Factory. Pagkarating sa rooftop ng mall ay kaagad kong nakita ang isang sopistikadang babaeng nakaupo sa isang reserve table. Napansin ko na halos kami lang ang tao dito pwera sa tatlong men in black niya at isang sasakyang panghimpapawid ang naroon. Hindi ko kasi ma-explain kung anong klaseng air craft iyon, hindi naman helicopter kasi walang elise, basta mukha siyang rocket ship na jet? Ay! naku ewan!
Napatayo ang babae pagkalapit ko sa kanya. Nakipag-shake hands siya sa'kin.
"I am Ms. Casa one of the employee from Ex Factory." Nginitian ko siya, wait? Miss? Tumingin ako uli sa kanya. Grabeh hindi halata sa kanya na single siya. So, parang matandang dalaga siya tapos employee lang ng company nila? Jusko! Sa kinang niya mas mukha pa akong alipin sa company namin samantalang President ako.
"Kit Jimenez for short Ma'am," Ngumiti rin siya, saka ako pinaupo. Pag-tap niya sa table ay biglang nagliwanag iyon. Parang projector pero 3D nga lang. Patuloy niya iyong tina-tap parang nag-tatouch sa tablet, may mga lumalabas kasing documents.
"So, Miss Jimenez this is all the terms ang condition you need to follow." Sabi niya sabay turo ng mga nakasulat sa table.
Assshhteeeggg walang paper chuchu? Ang environment friendly yata ng Ex Factory? Sinimulan kong basahin ang mga rules. Hanggang sa makarating ako sa huling rules.
FALL IN LOVE AGAIN TO YOUR EX IS PHOBHITED.
Napakunot ang noo ko sa huli kong nabasa.
FALL IN LOVE AGAIN TO YOUR EX...
FALL IN LOVE AGAIN TO YOUR EX....
FALL IN LOVE AGAIN TO YOUR EX...
Ay, anak puta! Caploacks pa, para intense to the highest Kelvin point! Tang*na, ano namang klaseng rule 'yong panghuli? Tanga nalang siguro ang gagawa n'yan no! never na akong maiinlove sa lalaking iyon! Hindi ako tanga upang gawin iyon. Nak ng pating lang.
"Noted and clear na po sakin ang lahat Ma'am." Ini-scroll down niya ang document. Promise namamangha na ako sa gadgets niyang 'to. Tanungin ko kung saan niya ito nabili para hindi na ako nagpapa-angat ng mga monitor.
"So, you need to sign this contract." Lalo akong nagtaka sa sinasabi niya.
"Where's the ballpen Ma'am?" Ayun! Ang lintik na ballpen nasaan nga pala? She just only smiled at me. Iniisip niya siguro na napaka ignorante ko.
"You're just used your index finger to sign this. So, go," naguguluminahan man. Pero tama yata ang iniisip ko na kanina pa ako pinagtatawanan ng old maid na ito. Ano bang klase ang mga devices nila? Pang ibang planeta ah? Itinapat ko ang inidex finger ko sa may gilid kung saan pipirmahan ang contract. So, ayun. Yehey! Modern human na uli ako! Nakagamit ako ng alien technology. Bwisit!
Pagkatapos kong pumirma ay may kung ano-ano pa siyang pinindot tapos ni-save na niya yung files then pinatay na yun at may kinuha na isang maliit na sd card sa gilid ng table.
"So, you need to wait the delivery of your Android Ex version. Well, the price is discussing privately. I-email ko nalang sayo." napatayo na yung babae gayon din ako. Muli kaming nagkamayan.
"May I ask something, Ms. Casa?" tumikwas ang kilay niya.
"Sure, anything."
"What kind of device you tapping on the table?"
"Oh, this is what we called laptop projector, using this flash drive." Ipinakita niya sakin ang super cute flashdrive. Whaaaa... gusto ko niyan...please?
"Saan nakakabili or order?" ngumiti lang siya.
"MetalUneses Tech." napatango lang ako.
Wait? Diba 'yon ang ka proposal ni Kae?
--
Kae's Pov
Nakakapunyeta talaga ang araw na 'to. Anong malas ko ay malas din ni Kit. Pareho naming nakita ang mga gagong Ex namin. Nakakainis lang! Kung 'di talaga ako nakapagtimpi kanina dun sa fiancée na 'yon ni Lelouch aba! Sunog na mukha non sakin! Awayin na nila ang lahat 'wag lang ang kakambal ko.
Well, sa sabado pala ang pag-sign ko ng contract. Sana nga agad iyong maipadeliver! Makauwi nalang nga para maumpisahan ko na ang Hermes airshoes na next project ko. Balak ko narin iyon kaagad matapos para kay MetalUneses kahit na labis niya akong binad-trip ngayong araw pero ayos narin, pinapatawad kona siya dahil sa pag-consider niya sa proposal ko.
Hindi ko na hinintay si Kit. Sumakay na ako sa Ducati ko para makauwi na at mayakap si Chukoy. Tapos work overnight.
Pagdating sa mansyon ay kaagad akong nagtungo sa kwarto upang kuhanin si chukoy tapos ay dumeretso ako sa Laboratory ko, na super kalat parin at nadagdagan pa.
Siguro, kung kami pa ay laging malinis itong laboratory ko hanggang ngayon. Ayst! Tang*na, bakit ko ba naaalala ang gagong 'yon? Oo na! mala-adonis na ang katawan niya ngayon! Oo na! mala- Narcisus na ang ka-gwapuhan ngayon! Na sana nga para magpakamatay narin siya! Punyeta kasi!
Binuhay ko ang lahat ng machine na naroon. Sinuot ang hello kitty kong headband at pink blaizer (hindi ko type ang white, I hate Doctors eh) sinuot ko narin ang malaki kong eye glasses as in malaki ang lense.Kronica mode pala ako. Inilapag ko lahat ng material na gagamitin sa pagbuo ng Hermes airshoes.
Kalma lang Kae at malilimutan mo narin ang gagong iyon.
--
Saturday is my day. Paway na ako sa Atlantis mall rooftop. I don't want to saw Paolo here again coz I'll like to punch his face so hard.
Pagkarating ko nga sa rooftop ay nakita ko ang isang babae na hindi ko type ang pag-mumukha. Astig! May RockJet ang Ex Factory? Puta laki ng insecurity ko sa mga technology ni MU (MetalUneses) maghintay lang siya at mas magaganda ang gagawin ko.
"I thought, we met last Tuesday?" malamang si Kit ' yun.
"Sorry Ma'am, but that's my twin." Pilit akong ngumiti, naiirita na kasi ako.
"I see." Timikhim ang babae, saka nag-tap sa table. Hindi bago sakin ang mga gadgets nila. For pete's sake meron din ako n'yan pero dahil sa sobrang kalat ng opisina ko ay hindi kona nakita yung flashdrive. Pagkahanap niya ng files ay pinabasa niya sakin ang document.
Okay. Whatever, Agree na agree ako sa last rule. Never na never akong nai-inlove sa Ex ko capital A-S-A bwisit na mga Ex na'yan, bakit pa ba kasi nabuhay?
Nag-sign narin ako. Excuse me, matagal na akong modern human. Nag-save narin ang babae.
"Paki sabi kay MetalUneses, baguhin niya ang program ng product niya, nakakasawa kasi." napangiti lang siya. Alam ko naman na isa itong laptop projector na ito ang pinagmamalaki ng MetalUneses Tech. so, wala akong pakelam.
"Miss Jimenez paki hintay nalang po yung delivery nung Android Ex version, then yung price is email ko nalang later." Napatayo na ako.
"Thank you Miss Casa," nag-shake hands kami.
Finally, magkakaroon na ako ng isang Android Ex na mako-control ko.
Binili ko 'yon para maka-move on.
Binili ko 'yon para makawala na sa punyetang nakaraan.
Binili ko 'yon para makalimutan na si Paolo Amargo.
--
Chapter 6
Kit's POV
Isang nakakatamad na araw para sa'kin. Hindi ako pumasok dahil may visitor ako. Si Kae ay maghapon sa Lab niya, walang labasan ang gaga. Nag-iintercom naman 'yon kapag nagutom, saka ko siya dadalhan ng foods. Infairness nami-miss ko si kambal. Ganyan naman siya eh, halos mapangasawa na ang lab. Kalungkot.
Well, dahil papadilim na kaya balak kona pumasok sa loob ng mansyon. Nandito kasi ako sa garden, naka-upo sa steel coffee table, tapos chi-neck ang mga alagang flowers namin ni Kae, namumukadkad na kasi. Papatayo na sana ako nang may marinig akong kaluskos. Pinakiramdaman ko muna habang unti-unti kong kinukuha sa bulsa ko ang remote kung saan isang pindot ko lang ay lalabas ang lahat ng laser sa buong mansyon tapos ay tutunog. Emergency device kasi ito.
"Sino 'yan?" kinakabahang tanong ko. Nyeta naman oh!
Akma kona sanang pipindutin ang remote nang biglang lumabas si...
"Lelouch?" Ang puso ko labis ang kabog tang*na, hindi pwede to! Pero, ano nga ang ginagawa niya dito? Tapos ang mga mata niya paawa effect! Nak ng teteng naman oh!
"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko. Hindi niya ako sinagot bagkus palapit siya ng palapit sakin ako naman ay paatras ng paatras you know mukha kaming mga tanga na atras abante. Tsss
"Huminto ka nga!" sigaw niya. Aba? Demanding ang lolo niyo? Inutusan ako. Hiyang-hiya ang pamamamahay ko sa kanya ah! Kaya heto napilitan akong huminto putangina.
"Bakit ba?"iritang tanong ko sa kanya. Pagkatapat niya sa'kin ay bigla siyang natumba sa mismong balikat ko, tapos ay niyakap niya ako.
Waaaaaahhh!Pusoooooo' wag ngayon! Papalitan kita!
"Lasing kaba?" naamoy ko kasi. Tang*na nito, naiisip lang ako kapag lasing? Aba! Aba! Hindi papayag na maging kabit kapag nagpakasal na siya. Sasakalin ko nalang siya!
Hinigpitan niya ang yakap sakin.
"I misshhhh yow Kit..." hindi ako nakapagsalita. Ang weird, ayoko...ayoko ng ganitong pakiramdam.
"Punyeta ka ikakasal kana, anong ginagawa mo-" pinahinto niya ang bibigko ng index finger niya.
"Shh...diba sa sabi ko, 'wag kang nagmumura?"lalo akong napatikom. I remember the days na lagi niya akong pinapagalitan kapag nagmumura ako, kung hindi parin ako sumusunod ay halik ang parusa ko. Maya-maya ay may kinuha siya sa bulsa niya.
"Invitation...for my wedding." Ano'to gaguhan? Bibigyan niya ako ng invitation para sa wedding niya?
"Ayokong murahin ka, pero Putang*na mo! Ginagago mo ba talaga ako? Papupuntahin mo ang Ex mo sa sarili mong kasal? Baliw kaba? O sadyang gago lang?" sa inis ko ay naitulak ko siya, kaya sa bermuda grass siya nabuwal.
"Yeah! I am so crazy! Crazy to marrying a woman that I wont love," napatingin ako sa kanya. Ako naman ang naguluhan. Bakit niya pakakasalan kung hindi naman pala niya mahal?
"Alam mo, lasing kalang. Umuwi kana, dahil walang magpapakasal kung hindi nila mahal ang isa't-isa." Sabi ko sabay pinagtutulakan siya palayo.
"Pero ikaw lang ang mahal ko Kit!" matagal bago iyon i-asorb ng sistema ko.
Ano ba talaga ang gustong mangyari ng Lelouch Lapachelle na ito? Bakit kailangan niya akong paikutin? Tangina! Nagmomove-on na ako! I'll try to remove him in my life, tapos ganito? Sasabihin niya na ako lang ang mahal after all ay magpapakasal na siya sa isang ipokrita na isang baso lang ang ganda sa'kin? Punyetang buhay 'to!Gulong-gulo na ako.
"PERO, IKAKASAL KANA! GUMISING KA NA NGA!" sigaw ko sa kanya, pero ang mas hindi ko inaasahan ay ang paglagapak ng palad ko sa mukha niya.
Natulala siya, habang sapo ang mukhang nasampal ko. Mukhang nawala ang kalasingan niya.
"Ano? Nagising ka? Tigilan mo na ako, Lelouch. Ayoko na. Tama na. Umalis kana sa buhay ko!" iyon lang at tumakbo ako papasok ng mansyon. Pagkasarang-pagkasara ko ng pinto ay tumulo ang luha ko habang nakatingin sa palad ko.
"Ang tigas ng mukha niya...mukhang napuruhan kamay ko ah." Tuloy lang ako sa pag-iyak.
~
Katrina's POV
This is so weird. Kaharap ko ngayon si Paolo. Bakit ganun? Wala akong naging reaction? Dapat nga pinupulbos ko na siya ngayon. Pero nandito siya ngayon sa laboratory ko. Kaharap ko. Habang makangiti sa'kin.
"Hindi parin pala nagbabago itong lab mo, makalat pa din." Sabi niya sabay kuha ng cleaning device. Naglagay muna siya ng cloves bago magsimulang maglinis.
Sa totoo lang ay namimiss ko naman talaga siya. Siguro kung nananaginip man ako ngayon.
"Wala eh, iniwan mo kasi ako." Nilingon niya ako samantala ay napayuko ako. Teenager lang?
"Pero nandito na ako ngayon," naglinis siya uli. Sana nga Paolo...sana nga this time 'wag mo na akong iwan...at paasahin. Sobrang sakit kasi eh.
"Paano ka nakakapagtrabaho ng ganito kakalat?" Natawa ako sa tanong niya. Palibhasa ay mas sanay siya na malinis ang lab niya kapag may ginagawa siyang devices. Pero mas madalas nga siya dito sa lab ko. Kaya love na love ko siya eh. Punyeta ka Kae ang landi mo na naman.
"Sorry naman Paolo...ammm...ano kasi?" Napahinto siya at nilingon ako. Ngumiti siya ng makahulugan habang unti-unting lumalapit sakin. Naku lagot na! Bakit ba kasi hindi ko na naman maalala ang surname niya?
"Mahal mo parin ako, wag mong ikaila," ilang inch nalang ang layo naming sa isa't-isa habang binubulong iyon. Paking sheet! Palapit ng palapit ang mga labi namin...
Tugudug!!!
Ay putcha! Nakatulugan ko pala ang pag-uupgrade ng isang battery ko. Tae! Sobrang sama pa naman ng panaginip ko, nandito daw si Paolo? At muntikan pa kaming mag-kiss! Tapos...tapos...tapos... hindi ko maalala ang surname niya! Grabe talaga!
Nag-inat ako at tumingin sa wall clock, gabi na pala, makasabay nga si Kit sa dinner kawawa naman si twin ilang araw ng walang kasabay. Hinubad ko ang pink blaizer saka napahinto pagkakita sa buong laboratory ko.
Tang*na!
Hindi magandang biro 'to! Bakit ang linis? Bakit ang kintab ng lahat ng nakikita ko? Bakit naka organize ang lahat? Hindi kaya....
"HAAA!!!"
Nagtitili ako, lalo na nung makita ko ang isang cleaning material na siyang nakita ko sa panaginip ko kanina, totoo kaya 'yon? Pero tang*na! Nakaka paksyet talaga!
Lumabas ako.
"Kit! Nasaan ka? Kit!" hindi na ako gumamit ng elevator basta tuloy-tuloy lang ako sa pagbaba. Kinikilabutan kasi akong isipin na nandito pala talaga siya kanina. Pero, paano siya nakapasok?
"Kit! Tang*na!" naabutan ko siyang nakasandal sa pinto.
"Problema mo?"takang tanong niya. Ako nga dapat magtanong sa kanya dahil mugto ang mata niya para siyang umiyak, nagugutom na siguro.
"Naka-activate a lahat ng security system natin?" nangunot ang noo niya.
"Oo naman, 24/7 nakabukas 'yan no, bakit ba?" I hissed.
"Wala, titiningnan ko nalang sa cctv kung may nakapasok." Tumalikod ako.
"Tara, kumain na tayo." Sabay kaming nagtungo sa kusina.
Heto na ang araw na pinakahihintay namin, ang pagdating ng mga Android Ex namin. Maaga akong nagising dahil good mood talaga ako. Pero sad to say, hindi ko parin malaman kung talagang nakapasok nga si Paolo sa lab ko. Bigla kasing nag block-out lahat ng cctv kapag tinitinggnan ko ang araw na iyon. Napaka weird talaga.
"Kit? Anong pagmumukha 'yan? Good Friday?" nakatulala kasi siya sa may balcony.
"Ngayon na kasi ang kasal niya..." nilapitan ko siya saka inakbayan.
"Kung hindi kaba naman gaga, dapat nagtanan na kayo nung pinuntahan ka niya!" naikwento niya kasi sakin iyon. Bigla niya akong binatukan.
"Ul*l mag-isa ka!" Syet! Sakit talaga ng batok niya kahit kailan.
"Putang*na mo naman, binatukan kaba?" inirapan niya lang ako.
"Gago ka pala eh, napaka walang kwenta mo talagang mag-comfort!" singhal niya sakin.
"Sino bang may sabing kino-comfort kita? Kung nalulungkot ka pumunta ka sa kasal niya ngayon, pigilan mo! Itakas mo siya!" Nag face palm siya. Punyeta talaga nitong kakambal ko oh.
"Masamang mag emote?" promise gusto kona siyang sampalin.
"May sinabi ako? Mukha ka kasing tanga d'yan eh!" sigaw ko sa kanya. Sasagot pa sana siya nang biglang tumunog ang watch phone niya. Sinagot niya ang tawag.
"Cexza bakit?" tanong niya. ni-loud speker niya ang phone.
[Bess! Turn on the tv, the news is so interesting!] rinig kong sabi niya.
"Bakit nga?" tanong uli ni Kit.
[Kit, buksan mo na kaya!] medyo natawa ako. May point naman si Cexza eh.
Pumasok kami sa kwarto kaagad niyang binukasan ang tv.
Mapasahanggang ngayon ay inaalam parin ang dahilan ng hindi pagsipot ni Mr. Lapachelle sa kanyang kasal ngayong araw.
Nagtinginan kami ni Kit. Maging siya ay gulat na gulat, kasalukyan naman na naghihisterikal ang bride to be ni Lelouch. Anyare nga? Nasaan ang lalaking iyon? Anong trip at hindi sinipot ang bride?