Chapter 3 and Chapter 4

2399 Words
Chapter 3 Kit's POV (chat) Cexza Whirl Prins Kit: Anong ise-search? Seen 1:00 PM Cexza: Here's the link Bess, I promise you, makakatulog ito sa inyo ni Kae. Seen 1:01 PM Kit: Siguraduhin ma lang ha. Paano ka ba nagkaroon ng ganyan? Seen 1:02 PM Cexza: Once upon a time at the bar, nagkita kami ng gago kong Ex then, may iba siyang kasama. Kahalikan pa niya! ayun nagwala ako. Nagbasag ako ng bote sa tapat nila akalain mo'yon! Ang lalandi! Seen 1:05 Kit: So? Seen 1:07 Cexza: Tapos may kumausap sakin. At ni-suggest ang product na 'yan. Gosh! Bess, the best! Seen 1:08 PM Kit: Okay Bess, tingnan ko muna at tatanungin ko si Kae kung papaya siya, see you tomorrow. Seen 1:09 PM Cexza: okay. Seen 1:10 PM Kit's offline Kin-close ko ang web ng f*******: saka nagtungo sa search bar para I paste ang link. Kaagad na lumabas ang hinahanap ko. Ang EX FACTORY. Weird. Sabi ni Best friend Cexza nakatulong daw sa kanya iyon na maka-move on sa past relationship niya. Si Cexza ang best friend namin ni Kae since College dito rin siya nagtatrabaho as Marketing Manager nasa ibang branch lang siya ngayon ng warehouse. Tapos, kung saan-saan din siya nagto-tour. Maganda ang Ex Factory base sa nakikita ko ay napaka-modern ang high-tech ng mga devices na nakikita ko saan sulok ng warehouse. Gumagawa sila ng mga android human na may pagkakahawig sa mga 'Ex' daw namin. Pinanood ko ang video kung paano kinokontrol ang mga ito. Mukhang maganda nga 'to. Since hindi pa ako makarecover sa status ngayon ni Lelouch. Mahal ko parin kasi siya kaya ako nagkakaganito. Pero Tang*na gusto ko ng makalimot. Malapit na pala siyang ikasal...nakakatawa...masakit...sobrang sakit. Gusto ko siyang puntahan at magmakaawa na sana tulungan niya akong limutin siya at alisin sa puso ko. Pinahid ko ang tumulong luha sa pisngi ko. Stupid Kit. As always thought may magagawa ba ang pagluha ko? Napatingin ako sa nakalagay sa gilid na: order and sign up now pinindot ko iyon at lumabas ang isang application form. Napatingin ako kay Kae na saktong kadarating. "Kae, oorder ako sa Ex factory." Nangunot ang noo niya, alam ko na nagtataka siya. Ang ginawa ko ay si-nend ko sa kanya ang link via f*******: chat. Ang galing no? Halos magkatalikuran lang kami pero sa f*******: pa naguusap. Napakatamad kasing magsalita ng gaga! Nagtataka ba kayo kung bakit nandito sa opisina ko si Kae? Hayun, ginawa na naman sigurong tambakan ng mga kinukumpuni niyang robots ang opisina niya. Kahit kailan hindi kami naghiwalay maging sa kwarto ay magkasama kami. Sa dami ng kwarto sa mansyon namin mas gusto niya akong kasama kaya 'yung pinakamalaking kwarto na ang pinili namin. Kae: Sure deal ako dito. Mag-fill up na 'ko Seen 2:00 PM Natungo akong muli sa application Form. Costumer #366 Name of Costumer: Katrinity Idellane Trei O. Jimenez Name of Ex(recently): Lelouch Lapachelle Address: 143 Manloloko Street Brgy. Paasa Pa-fall City Age(Ex): 28 Date of Breakup: January 6 Naka move on?:NO Agad kong pinidot ang susunod na step, tapos ay waiting for the message ang gagawin, to be process na daw kasi yung application. Maya-maya pa nga ay may nag pop up na message. From: Ex Factory Management Hello Miss Katrinity IdellaneTrei O. Jimenez, We need to meet up tomorrow for the contract signing and to know all the terms ang condition to the product that you ordered, and to know same basic data about it. Place, Atlantis Mall. Roof top. 6 pm sharp. Okay. No problem doon din naman kami magkikita bukas ni Cexza. -- Pagkatapos kong maligo, naabutan ko si Kae na tinititigan si Botbot isang model robot na nasa tabi ng kama niya. "Paano na kung dumating na yung order natin? Aalisin mo ba yang si Bot?" tiningnan niya ako ng masama. "Asa ka!" sasagutin ko na sana siya nang tumunog ang intercom. Ibig sabihin may tao. Bigla namang nagtitili si Kae. "Ano ba yon? masisira eardrum ko sa'yo!" nginitian niya lang ako sabay lumabas ng kwarto. Pagkabalik niya ay may dala siyang isang kahon. "Delivery pala 'yon?" naupo siya sa kama niya. "Hindi, may helicopter lang na nagbaba nito." pilosopo talaga. "Ano naman 'yan? Kapag robot yan sa labas kana matutulog!" hindi niya ako pinansin binksan niya lang yung box. "kanino ba galing 'yan?" kapag hindi niya pa ako pinansin tatamaan na siya sa'kin. "Kay Kinnick Greyson." Bigla siyang napangiti. Uminit ang ulo ko. "Sinabi mo ang address natin?!"sigaw ko sa kanya. Paano kabilin-bilinan ko sa kanya na h'wag magbibigay ng personal information lalo na sa FC world. "Putcha naman Kit! Ang OA mo, 'yun lang naman ang sinabi ko sa kanya. May ipapadala nga daw kasi siya. At ito na nga 'yon!" inilabas niya ang laman ng kahon. Isang malaking teddy bear.  "Oh! its so fluffy!" niyakap niya 'yon. "Para saan naman?" tanong ko uli. "Early gift niya. malapit na kasi kaming mag five year anniversary," yakap-yakap parin niya ang teddy bear. "Wow, mas matagal pa yo ni Kinnick kaysa sa Ex mo ah," inumang niya sakin ang daliri niyang naka dirty finger. Paano tatlong taon lang naman sila ni Paolo. "Tantanan mo kami ni Chukoy ha!" What the? Chukoy? May pangalan na agad ang teddy bear niya. Ito talagang kakambal ko oh. Nagtungo na 'ko sa kama ko at in-off ang lamp. Maya-maya pa nga ay inantok na ako. ~ Kae's POV "Napaka fluffy talaga ni Chukoy!" paulit-ulit kong niyayakap ang pinadala ni Kinnick. Napaka sweet talaga ng taong iyon kaya gusto ko siyang makilala. Napatingin ako kay Kit. Tulog na ang pinakamamahal kong kakambal. Mukhang tama siya, hindi na na si Bot ang paborito ko si Chukoy na. Si Bot ay pinadala naman sakin ni MetalUneses na sa wakas bukas ay mami-meet kona. Kinuha ko ang laptop ko. Itinuloy ko ang pag fill-up ng application form ng Ex Factory, hindi ko natapos kanina dahil marami akong inasikaso. Costumer #365 Name of Costumer: Katrina Adellane Erei O. Jimenez Name of Ex(recently): Paolo Amargo Address: 143 Manloloko Street Brgy. Paasa Pa-fall City Age(Ex): 30 Date of Breakup: January 7 Naka move on?:NO Maya-maya ay may nag message sakin. From Ex Factory Management, Miss Katrina Jimenez we will meet tou this weekend for the contract signing and to discuss the terms and conditions to this product. Thank you. I click the 'OK' botton. Ang kagaguhan at katangahan kapag nagsama ay magreresulta ng mas malalim na kahulugan ng dalawa. MOVE ON Kay daling sabihin pero ang hirap hirap hirap hirap gawin. Try ko kayang gumawa ng ganoong device? Naiinis na 'ko. Bakit ba kasi siya bumalik? Sana hindi nalang. Ano bang gusto niyang mangyari? Bakit niya pinaglalaruan itong putanginang feelings ko na mahal na mahal parin siya? Pero iniwalan niya lang ak eh...may sumabit pa...pinaasa niya ako. At nakaka gago at tanga iyon! -- Chapter 4 Katrina's POV Finally I've got here at Atlantis mall to meet MetalUneses with my blueprint proposal. I hope MetalUneses and I had a perfect partnership I feel that he's nice as well. And this Atlantis mall, I admired this so much the modernalism touch all over and the silver design and all the high tech devices. Some material here is product of Jimenez Technologies some of these is my invention. Okay fine tama na English mapapamura na 'ko. Pero, may kailangan kasi akong gawin bago makipagmeet sa kanya. I need to wear this golden mask that I hold. Punyt*ng MetalUneses pa-mysterious pa ang gago. Isa kasi ito sa mga kondisyon niya kapag nakikipag meet. Masyado daw kasi siyang high profile na tao. Tao nga ba? Baka alien? Tsss. Basta para lang ito sa company. Pagkaakyat ko sa 50th floor ay kaagad akong pumasok sa isang private room na pinagusapan namin. Isinuot ko muna ang golden mask Ako muna si Kronica ngayon. Pagkabukas ng pinto ay sinalubong ako ng dalawang bouncer? Bodyguard? Men in black? Ewan ko ba, ang lalaki ng katawan eh. Iginiya nila ako sa isa pang pinto. Binuksan nila iyon, kapag may isang pinto pa makakasapak na ako ng tao. Tumambad sakin ang isang modern fuction room. Napakaraming 3D screen sa paligid, ang I love the silver high chair. May lumabas na lalaking naka tuxedo. Humahalimuyak ang amoy ng pabango niya. Siya na kaya? Kaso nga ay naka silver na mask ang buong mukha. "Have a sit Kronica." Oh...his voice. Tone from heaven. Naupo ako isa sa mga silver high chair. Naupo siya. "Nice to meet you, I am MetalUneses." Wika niya habang binubuklat ang blueprint na dala at in-activate ang mga 3D monitor. Ang weird pero may naaalala ako. Uso ba talaga sa ibang tao na hindi makipagshake hands? Hindi naman marumi kamay ko ah? "So, what's on your proposal? Let's introduce it to me." Ma-awtoridad na sabi niya. Naku po mukha ngang powerful ang taong kaharap ko. Itinapat ko ang blueprint sa gitna ng lamesa, pinindot ko ang isa sa mga 3D monitor at mula doon ay tila naging buhay ang nilalaman ng blueprint ko. "MetalUneses, this is one of my Techno Olympus product. 'The Hermes airshoes', remember the Son of Zeus with flying shoes. I admired to create something like it asairshoes and bring it in reality world. I decided to fix and work all the material that I need to use for doing this product. A fiction to reality is dream a come true, I hope you like this product. Thank you." Wala akong makitang reaction niya dahil nga nakamaskara siya. Sumandal siya at nag cross arm. Putchang gala! Bakit ba may nagpapaalala na naman sakin na parang nakita ko na iyan sa isang tao? "I consider it." Wika niya na labis na nagpangiti sakin. Mukhang tanga lang dahil nga nakamaskara ako. Inilahad ko ang kamay dahil akala ko ay makikipag shake hands siya. Wala, napahiya ako putangina isasama ko narin nga sa Unideal man ko an hindi marunong makipag shake hands. Bwisit talaga eh! "You may go now. Thank you for your proposal." 'Yun lang at tinalikuran na ako. Sarap niyang bangasan ah! Nakakainis! Nakakabwisit! hindi kona nga nakita pagmumukha niya ginaganito pa niya ako? Siguro pangit talaga siya kaya ganoon ang ugali. Ugh! Lumabas ako ng function room, kasama ko muli ang mga hindi ko malaman na bouncer. Pagkalabas ko ay irita kong inalis ang mask na suot ko at ibinalibag iyon kung saan. Makakain na nga! Sa isang luxury restaurant ako nagtungo, paborito ko ito dahil may touch ng vintage ang lugar. Kahit papaano ay nakaka miss ang nakaraan.' Yun 'di pa ganito ka modern. Ang gusto ko ngayon ay kumain ng kumain para lang mawala ang inis ko sa lalaking 'yon. Mala bakal ang lamig ng pakikitungo! Nakakaletche! Kaya heto kahit ano ay inorder ko. Habang hinihintay ang order ko ay napatingin ako katapat ko. Dalawang magsyota siguro ang mga ito, grabeng magharutan hindi ba sila aware na restaurant ito hindi parke. TANG*NA, MAGHIHIWALAY DIN KAYO! Gustong-gusto kong isigaw sa kanila, lalong nagre-revolution ang tiyan ko sa inis sa kanila eh. "Miss, nahulog mo-''napatingin ako sa lalaking kumakausap sakin, hawak niya ang panyo ko. Nanlaki ang mga mata ko sa kung sino siya. Ganoon din ang reaction niya nang makita ako. Napatayo ako at hinablot sa kanya ang panyo ko. "Trina..." napapikit ako. Siya lang, siya lang ang taong tumatawag sakin ng ganyang pangalan. Anong kapunyetahan na bungan niya sakin ang ngalan na 'yan? Hindi ako makaimik. Wala akong masabi. Parang balewala ang pinapractice kong speech kapag nagkita kami ng hayop na 'to! Bakit ba kasi siya bumalik? Tinalikuran ko siya. Bahala na kung dumating na yung in-order ko, wala akong pake ang gusto ko ay makaalis doon at hindi makita ang Paolo na 'yon! Lumabas ako ng restaurant. "Trina, Sandali!" nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Wala akong balak makausap kahit kailan. Maghabol ka! PAOLO AMARGO! ~ Kit's POV "BESSSSSSSSSSSS!" nilingon ko si Cexza. Grabeh talaga ang babaeng ito walang poise sa buhay. Kaagad kaming nagyakapan. Infairness na miss ko ang gagitang 'to. Nasa isang restobar kami dito sa Atlantis mall ito ang favorite spot namin ni Kae at Cexza. Umupo kami sa table na ni-reserve ko. "So, you're really like to have an Android Ex?" tanong niya sakin. "Kung 'yon ang makakatulong para makapag move on ako. Why not? At diba ako naman ang kokontrol 'don?" tumango si Cexza. "Nasaan pala yung sa'yo?" tanong ko sa kanya. "Nasa condo, naka-charge." Natawa ako. Para pala talagang laruan ang product na iyon. "Nakapag-move on ka naman?" muli kong tanong sa kanya. "Oo naman, hindi ko 'yon isu-sugest sa inyo kung hindi 'yon effective no!" nagkatawanan kami. "Mamaya pala idi-discuss sa'kin yung product and contract signing." Ngumiti lang si Cexza. "But you know Bess, mapaka private ng Ex Factory, kasi sa pagkakaalam ko ay hindi siya isang establishment or warehouse." Nagunot ang noo ko. "Eh, ano?" "Isang UFO." Pinanliitan ko siya ng mata. "Putang*na naman Cexza naglolokohan ba tayo?" inirapan niya ako. "Basta, isang plane lang siya na lumilipad tapos bago ka makapasok doon dapat ay costumer ka talaga nila, nasa tagong lugar daw iyon. Look mo ito," ipinakita niya sakin ang tatlong kulay gold na stripe sa wrist niya. "Ito ang patunay na pwede kang makapasok sa loob at costumer ka na gumagamit ng product nila." Hindi ko nasagot dahil napukaw ng pansin ko ang mga bagong pumasok. Hindi maaring magkamali. Siya nga iyon. "Bess..." napahinto naman siya sa pagsasalita. "He's here...look at my back." Tumingin naman siya at napa-OMG look. "Oo nga Bess! Lintik na 'yan!" ayokong lumingon. Ayokong makita niya ako o makita ko siya. "Bess, may makalingkis na girl! Iyon ba yung fiancée niya?" parang may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko. Kasama niya ang babaeng pakakasalan niya. Ang babaeng pinagpalit niya sa'kin. Bakit ba nakapaka unfair niya? Tumayo ako, pero hindi inaasahan ay may nabangga ako. Tumapon sa kanya ang dala niyang cocktail drink. "What the hell? Are you blind?" gigil na sigaw niya sakin. "Look what you've done to my precious dress stupid!" naghihiristekal na sigaw niya sa'kin. "Andromeda, stop it." Hinala ni Lelouch ang babae, nagulat din siya ng makita ako. Samantalang ako ay hindi makakilos. "Hindi ka man lang magso-sorry, stupid?" muling baling sakin nung Andromeda, ewan ko ba pero nangangatal talaga ang bibig ko. Hindi ako makakilos. "Lelouch Hon! She's so annoying!" sigaw muli ng b***h na Andromeda. Tinabihan ako ni Cexza. "Don't call my Best friend stupid. b***h!" Aba! Palaban din itong si Cexza no! "How dare you!" sigaw nung b***h. Maya-maya ay dumating si Kae, iba talaga ang string ng kakambal ko, perfect timing! "Gusto mo bang mag-sorry ang kakambal ko?" tinaasan siya ng kilay nung Andromeda. Bigla ay isinaboy ni Kae ang wine na nasa isang baso sa pagmumukha nito. Napanganga ang b***h. "Sorry!" sabay hila sa'kin ni Kae.'Yan ang kakambal ko! Hanep! "At ikaw! Nakita mo lang ang punyetang 'yon magpapa-api kana sa Fiancee niyang puro blush on!" hayan na. sermon to the max na ang aabutin ko kay Kae. Napayakap nalang ako sa kanya saka umiyak ng umiyak. Bakit ganito? Ano bang naging kasalanan ko sa lalaking iyon? Bakit kailangan niya 'kong pahirapan ng ganito?'Yung kanina na hindi man lang niya ako nakuhang ipagtanggol. Ganoon naba ako kawalang halaga sa kanya? Putang*na limang taon kami! Pero parang naging balewala lang sa kanya 'yon? Napakasakit. Sobra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD