EXF 1- The Twins
Katrina's POV
Dahan- dahan kong pinipindot ang cold water button ng shower para pampasara ng pores ko dahil puro hot water ng shower ang ginamit ko kanina. May deperensya kasi kapag binigla ang pagpindot. Ilang araw ko na rin itong hindi maasikaso. Alam ko naman na ang magaling kong kakambal ang may salarin nito.
"Kae! Matagal pa ba 'yan?" Sa gulat ko sa pagkalampag ng pinto ay nadiinan ko ang pagpindot. Lumagaslas tuloy ng malakas ang cold water. Halos maging yelo ako sa lamig.
"Sasagot ka ba o tatamaan ka paglabas mo?" Humanda talaga sakin 'tong kakambal ko!
By the way I am Katrina Adellane Erei, pwede ring 'Kae' kasi gahol sa oras kung buong pangalan buong ko pa. Yung nage-eskandalo sa labas ng comfort room ay kakambal ko. Si Katrinity Idellane Trei, 'Kit' nalang din para di gahol sa oras sa haba. Identical twins kami. Ang pagkakaiba lang namin ay kulot ang buhok ko si Kit naman ay long straight hair. Sa ugali ay wala naman kaming pinagkaiba pwera nalang sa mas mature akong umakto sa kakambal ko.
Iyakin kasi 'yang si Kit. Mature din naman siya kaso madalas lang talaga siyang walang common sense, It's means lagi siya 'sabaw, lutang' pero kahit ganoon ay malakas ang sense of humor niya na totally na wala ako non. Lagi kasi akong seryoso sa buhay. Lalo pa't kay bibigat ng mga responsibility na nakapatong sa'kin. Pero pagdating sa pagmamahal ko sa kakambal, walang katulad at walang hihigit.
Nakapangako rin ako lagi ko siyang iingatan at po-protektahan.
Pero sandali nga...tatamaan pa 'to sa 'kin eh!
Nanginginig ang labi at baba ko na binuksan ang pinto. Bumungad siya sa'kin.
"Ikaw Kit..." pilit kong bigkas dahil nga nanginginig ako sa lamig.
"Opps, sorry! Ang tagal tagal mo kasi." I rolled my eyes. Hindi pa talaga siya nasanay na matagal talaga akong maligo.
"Pwede ba kapag naayos ko na uli ang cold water button ay ingatan mo na? Napakaraskal mong gumamit!" sermon ko sa kanya.
"Atleast naaayos mo naman. Love you!" pagkasabi niya non ay sinara na niya ang pinto. Napapikit nalang ako sa gigil kung di ko lang talaga siya kakambal, naku!
Pagkabihis ko ay hindi parin tapos ang magaling kong kakambal ko. Ayoko pa namang nale-late sa office!
"Hoy Kit! Bagalan mo pa para pareho tayong ma-late diba?" sigaw ko sa kanya. Alam kong maririnig niya ko dahil mas malakas pa sa wang wang ang boses ko.
"Wait lang!" sagot din niya.
Hays, everyday routine na talaga namin 'to ang magsigawan tuwing umaga.
Bumaba na ako at natungo sa living room. Naupo ako sa couch at inilabas ang I-pad air ko. Saktong nag-chat ang fictional character boyfriend ko na si Kinnick Greyson.
Fictional Character World. Sa f*******: ito kung saan gagawa ka ng isang account na hindi ikaw mismo kumbaga walang nakakaalam ng kung sino ang info about sayo o kahit picture mo. Ang pangalan ko dito ay 'Peach Sigris Pendover" si Kit ay meron din nito. Siya naman ay si 'Lucille Cassidy Pendover" ano'ng purpose nito?
May nakaka-chat kaming stranger na pwede naming naging boyfriend o asawa depende sa usapan namin. Nagsimula lang naman kaming gumawa ng ganito ni Kit simula nung hiwalayan kami ng mga lintik na ex namin.
KINNICK GREYSON
(chat)
Kinnick: Bae, good morning
seen 7:28 a.m.
Peach: Good morning din Bae
seen 7:29 a.m.
Kinnick: Don't skip breakfast ha? I love you.
seen 7:30 a.m.
Peach: Ofcourse, you too Bae I love you too.
seen 7:30 a.m.
Ano ba 'yan ang aga naman naming maglandian sa chat. Pero kung ako ang tatanungin gusto ko narin makilala 'tong si Kinnick kung sino man siya. Nag-post nalang ako ng status.
Post: Ayoko ng maulit yung dati. Sana hindi ka ganun. Kasi hindi pa din ako nasasanay.
Pagka-post ko ay pinatay ko na agad ang I-pad ko.
"Kit! Wala ka na bang itatagal na babae ka? Pagkabilang ko ng tatlo't hindi ka pa nakababa iiwanan kita. Isa!"
Maya- maya pa ay may naririnig na kong kalampag ng paa sa hagdan. Nilingon ko si Kit na nagmamadaling bumaba. Hindi pa nakasuklay ang gaga!
"Dalawa!" sigaw kong muli. Napatayo na 'ko ng palapit na siya sa 'kin.
"Ito na nga oh!" inirapan ko lang siya.
Napakabagal kasing kumilos kahit kailan.
"Let's go." At nagpatiuna na akong lumakad.
~
Katrinity's POV
Bwisit talaga 'tong kakambal ko kahit kailan. Kung pwede lang siyang ibenta ginawa ko na eh. Pero dahil mahal ko siya kaya aalagaan ko siya. Kami nalang nga ang magkatuwang sa buhay isama ang mansyones at mga ari-arian na ipinamana sa 'min.
Actually ang ganda ng story kung paano kami yumaman ni Kae. Syet, yumaman talaga?
Pareho kaming lumaki sa ampunan may mga umaampon man samin kaso ibinabalik kami uli paano daw ay masyado kaming pasaway well, It's true naman. Edi pinili nalang namin na tumulong sa Orphanage hanggang sa nung highschool kami ay may isang matandang lalaki na nagpunta sa ampunan at hinahanap kami.
Siya pala ang biological Lolo namin. Ayon sa kanya ay matagal ng wala ang mga magulang namin.
Actually, parang teleserye lang sa telebisyon kung paano kami napunta sa bahay ampunan ni Kae. May isang tao raw na galit sa kanya noong mga baby pa kami before mailibing ang parents namin dahil sa isang car accident kinuha daw kami ng taong iyon at iniwan sa ampunan. Hanggang sa tinawag nalang daw ng konsyensya ang punyetang taong yon at iyon na mismo ang nagturo kay Lolo kung nasaan kami pero nakakainis siya hindi niya alam ang hirap naming ng kambal ko. Pero sa huli ay pinili nalang namin siyang patawarin ni Lolo.
Namahinga si Lolo eight years ago. Mabuti nalang at hinasa niya kami sa pamamalakad ng mga ari-arian niya. Kaya ito mayaman na kami.
"Kit! tulala ka na naman! Tumabi ka nga d'yan sa gate!" Bwisit talaga itong kakambal ko kahit kailan.
Sakay siya ng kanyang Ducati motor. Kababaeng tao boyish ang gaga.
Samantalang ako ay naka Ferrari kulay white. Pareho na kaming papasok sa Jimenez Technologies Inc. Pareho kaming big bosses doon. Si Kae bilang CEO at taga imbento ng mga bagong product o technology at ako bilang Executive CEO/Marketing Head o dakilang taga-benta.
Pagmamay-ari 'yon ni Papa na binili ng Lolo ko na sa awa ay maganda ang takbo.
Pinaharurot ko ang kotse gayon din siya sa kanya sa kanyang motor. Iyang si Kae marami kalokohan sa buhay well, same lang pala kami baka sapakin niya ako kung siya lang.
Habang nagmamaneho ako ay naglalakbay ang isip ko.
Ex...
Ex....
Shit! talaga bang maba-badtrip ako ngayong araw? Bakit ba kasi dumadaan ba ako dito sa Roxas Boulivard? At ang baywalk na 'to wag lang talaga makadaan-daan sa mansyon namin. Naalala ko na naman kung saan kami madalas maglandian.
Walangyang Lelouch 'yon. Kung nasaan man siya sana mabilaukan na siya at matuluyan na. Bwisit siya, limang taon na akong hirap mag-move on dahil sa kanya. Gusto ko siyang sakalin ngayon din!
Pinaharurot ko nalang uli ang kotse ko gusto makalayo lang ako sa lintik na alaala namin d'on.
Pagka-park ko sa parking lot ng company ay doon ko lang napansin na hindi na kami nagkasabay ni Kae. Ang kakambal ko nag-ala Zorro na naman yata. Naligaw ang gaga psh! Mabuti nalang at naka-on pareho ang GPS namin.
Nagtungo nako sa tunnelator. Isang uri ng upgraded na elevator. Hindi mo na kailangang masoffocate sa elevator para lang makarating sa floor na gusto mo sa tunnelator na ito ay isang tapak lang at pagpindot sa gusto mong floor at segundo lang ang bilis ay naroon ka na. Pinindot ko ang 30th floor kung saan naroon ang opisina ko.
Woolah!!!
Nandito na mismo ako sa opisina ko. Ang mukhang laboratory kong opisina.
Nasabi ko na ba na ibang level ang pagkahigh-tech ng company namin? Well, ngayon alam niyo na. Isa kumpas lang ng kamay ko ay umangat ang 3D screen ng aking limang monitor. Naupo ako sa at pinindot ang lamesa. Lumasa ang laser keyboard ko as in touch screen keyboard na si Kae mismo ang naka-invento.
Lumabas sa bawat monitor ang mga empleyado inoobserbahan ko ang mga kilos nila at mga ginagawa lalo na sa warehouse at sa paggawa ng mga technologies na ginagawa namin.
Kinumpas ko muli ang aking kamay. Lumabas ang isang monitor kung saan doon ako nagba-browse sa internet. Nag-log in muna ako sa Fictional account ko upang i-chat ang Fictional asawa ko na si Crydhelle. May ikukwento nga pala ako sa kanya.
Crydhell Luke Smith
(chat)
Lucille: Babe, may ikukwento ako :(
Crydhell: What is that Babe? Mukhang emo ka ha.
Seen
Lucille: Di naman Babe.
Seen
Crydhell typing...
Crydhell: Whew? Yung totoo?
Seen 7:18 a.m.
Lucille typing...
Lucille: Paano,napanaginipan ko na naman siya. Nakaka inis! Lagi nalang ganoon ang eksena, yung mga naikukwento ko sayo lagi? Doon sa may sea side ng Manila bay nadagdagan ang eksena ngayon kung noon nakipagbreak yung napanaginipan ko sa kanya ngayon....
Seen
Crydhell: Ano Babe? Sige lang ikwento mo.
Seen
Lucille typing...
Crydhell: Tagal naman mahal mukhang nobela 'yan ah?
Seen
Lucille: Babe naman eh, wag kang magulo.
Seen
Lucille typing...
Crydhell: Ops, sorry po
Lucille: Niyakap ko raw siya. Ayaw ko siyang bitiwan. Hindi ko alam ang dahilan pero para siyang totoo, tapos biglang umulan. Bakit ba ang sama sama niya? Bakit ayaw niya 'kong mag-move on? Bakit niya ako patuloy na pinahihirapan lalo na sa mga panaginip ko?
Seen
Lucille: Baby? Nand'yan ka pa ba? Nag-seen ka na?
Seen
Crydhell offline
"Hay nako, bastusan talaga 'tong si Crydhelle kahit kahit kailan." Naku, di bale ni hilatsa nga ng mukha niya hindi ko alam, hindi naman din lahat ng information about sa'kin at alam niya. Vice versa lang naman. Aba, nung nagtanong ako kung saan siya nakatira, sabi ba naman ayaw niyang sabihin kasi daw baka i-stalk ko siya o rape-in. Napaka hangin din talaga niya minsan.
Pinili ko nalang mag log-in sa mismong real account ko.
Pero, ganito ba talaga dapat ang bubungad sa'kin? Sa tagal kong hindi binuksan 'to?
Lelouch Lapachelle engaged to Andromeda de Veniard
~
Katrina's POV
Kung tinamaan ka nga naman ng lintik! Sa lahat ng lintik talaga! Bakit ba ako na ruta dito sa puro traffic?
Takte kasing Kit na 'yon bakit ba kasi lumiko sa Roxas Boulivard? At ako namang si tanga, bakit ako dumeretso?
Sabi nila kapag kambal. Madalas magkaiba lalo na sa pag-uugali pero kami ni Kit mukhang magkapareho talaga ng kapalaran.
Moderno na ang panahon. Techo Era (2080) na kasi Pero pareho kaming single. Pareho kaming hindi maka-move sa mga lalaki na nakipagbreak sa'min. Pareho kaming mainit ang ulo palagi lalo na kompanya at sa mga empleyado na pasaway. Nanggigigil na ako sa tagal ng traffic. Sa susunod talaga ay si Air na ang dadalhin ko buo narin naman ang wings niya at may lisensya na pwede ko ng gamitin at paliparin. Isa iyong aircar. May anti-gravitation 'yon kaya hindi delikado kahit mababa ang lipad o kahit mataas ang lipad.
Isa 'yon sa binebenta ng kompanya namin. Nakakaimbyerna lang na napakahigh-tech na ng company namin namin pero mahirap parin ang ilang parte ng Pilipinas. Ako ang nag-imbento pero sabay naming pinlano ni...
Ex...
And speaking of that two letters. Siya ba itong nakikita ko sa katapat kong kotse?Naka-helmet naman ako kaya hindi niya ako makikita kung siya man 'yon. Pero...
Bakit ang gwapo niya walang pinagbago. Nakamove-one na ba siya?
Tang*na, diba ako dapat ang magmove-on?
Paolo Amargo...
Ang Ex kong paasa.
Umusad ang mga sasakyan. Gayon din ang tangan niyang kotse.
Shit! Hindi ko na matanaw!
Marami akong tanong na gusto kong bigyan ng sagot ng gagong lalaking 'yon. Kailan pa siya umuwi ng Pilipinas? At bakit pa siya bumalik? Bakit niya ako iniwan?
Bakit?
Ayoko na ng ganito kapag nakadaupang palad ko talaga uli ang lalaking 'yon. Kundi,Babangasan ko siya.
~
~
Kit's POV
Mabuti nalang at 3D ang monitor ko kundi ay baka kanina pa ito sira-sira. Nakakapunyeta na matapos ang limang taon ganito na ang status niya?
Ubod talaga ako ng tanga. Malamang naman na mahalaga parin ako sa kanya sa loob ng limang taon?
Bakit parin nga ba ako umaasa na babalikan ng gagong 'yon?
Dahil ba sa mga pangako niya?
Tang*na.
Umaasa pa rin ba ako?
5 years ago..
UP Diliman oblation run
"Puny*ta ka Kit! Ginising--gising mo ako ng maaga para lang dito? Ayoko ngang magpunta dito diba?" Napakaarte talaga ng kakambal kong ito kahit kailan. Paano ayaw akong samahan sa pagsaksi sa mga tatakbo sa oblation run.
"Bakit ba kasi ayaw mo? Mabibigyan kana naman kasi ng rose?" Bigla siyang pumiksi sa pagkakahila ko sa kanya.
"Ipaalala mo talaga?" Natawa ako. Last year kasi ay may biglang lumuhod sa kanyang runner Alpha Phi Gamma na siyang tatakbo ngayon. Infairness naman sa mga member ng fraternity na yon ay mga Papables daw talaga.
"Samahan mo lang kasi ako. Ilang minuto nalang at tatakbo na sila, don't worry magtago ka nalang sa likod ko." Inirapan lang ako ng maldita kong kakambal.
"Hayyy magsisimula na mga Sisters!!!" sigaw ng mga baklita sa tabi namin. Nakakairita naman oh! Hindi ba alam ng mga baklitang ito na nababangga na nila kami ni Kae habang mga mukha silang ulikba na nagtititili.
"Ano ba 'yan?!" sigaw ni Kae sa mga ito. Napatingin naman ang tatlong baklita.
"Problema mo 'te?" taas kilay na tanong ng baklitang baboy.
"Kayo! Ang lalandi ng tili niyo, nakaka tama na kayo dito oh!" Ako na ang sumagot. Kilala ko si Kae kapag siya ang sumagot paniguradong magkakagiyera.
"Edi chumupi kayo d'yan. Aarte!" sabat ng isang baklita na mukhang clown sa make-up. Lagotna. Tumingin ako kay Kae. Kinakagat na niya ang labi niya. Paktay kayo mga baklita tumakbo na kayo!
"Aba, mga punyet*ng bakla kayo ah? Gusto niyo bang dumanak ang dugo niyong berde dito?" sinubukan kong pigilan si Kae pero, mukhang sa level ng tono niya? Malabo na yata. Nagsimula na ang oblation run pero mukhang nagkakainitan parin sila
"Matapang ka Ate ah? Sino ka ba? Hoy! Pagsabihan mo 'tong kakambal mo, baka tabasin ko ang dila." Sabi nung baboy.
Pinanliitan ko siya ng mata. Umiinit na ulo ko. Tang*na nila, pinagpasensyahan ko na sila at lahat pero dahil kung ano ang feelings ni kambal ay ganoon din ang magiging epekto sa'kin.
"Pero tatabasin ko muna 'yang mukha mo!" Bigla kong binigwasan ang baklang baboy sa mukha. Pero to the rescue ang mga alipores ng gaga. Itinulak ako ng isang baklang butiki dahilan upang mapatumba ako sa harang na nagkukubli para sa mga runner. Salamat naman at may nakasalo sa'kin.
Napaka-gwapong runner naman nito para akong nasisilaw sa kagwapuhan niya ang bango-bango pa...
Nge?
Pero dapat diba ay nakatakip ang mga mukha nila ng itim na tela?
"Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa King Lelouch!" Biglang sigaw ng mga tao sa paligid ko. Napatingin ako kay Kae na napasara ng bibig sa gulat samantalang ang tatlong baklita ay nahimatay.
"BAKIT MO TINANGGAL ANG BLACK MASK KO!" Napatingin ako sa galit na tono. Ang lalaking nakasalo sakin.
Shit! I'm dead!
Ito ang naging dahilan kung bakit nagkagulo sa buong oblation run. Habang pinagkakaguluhan ang lalaking natanggalan ko ng mask. Syemay! Kahit na nakakalaway ang katawan at...yung ano...basta yung bandera ng kagwapuhan at kakisigan niya. Grabeh! parang buong buffet ang katawan niya. Eat all you can pa yata.
Tumakbo kami ni Kae hanggang sa labas ng campus.
"Ayan ang napapala mong gaga ka! Ano? Pupunta ka pa next year?" Panenermon sa'kin ni Kae. Imbyernang-imbyerna siya.
"Sorry naman..." Lumambot ang ekspresyon niya. Inakbayan niya ako. I really love my twin.
"Sabihin mo lang kapag nakita mo muli ang mga baklita sabay ating babangasan." Nag-apiran kami.
"Paano na 'yung natanggalan mo ng mask? Sa tingin mo ba hindi ka ipahahanap non?" tanong ni Kae.
"Hayaan mo siya. Sa tingin mo ba mahahanap niya ako sa laki ng Diliman?" Nagkibit balaikat nalang siya.
Paulit-ulit na may nagdo-doorbell.
"Kit, kapag ako ang nagbukas ng pinto. Tatamaan sakin ang taong 'yan!" Kasalukuyan kaming nasa laboratory ni Kae. Abala siya sa pag-aasemble ng kung ano-ano. Ako nga rin ay kanina pa naiirita sa kung sino mang nagdo-doorbell na 'yon.
Napilitan akong lumabas. Kami lang kasi ni Kae ang nandito sa buong mansyon. Hindi namin kailangan ng kasambahay dahil kaya naman namin ang mga Gawain dito. Lalo pa at tadtad ng mga security alarm, cctv cameras, at kung ano-ano pang mga bagay na makakasiguro sa kaligtasan ng mansyon. Sa susunod ay tatanggalin kona talaga ang lintik na doorbell na 'to.
Syemay! Layo pa ng nilalakaran ko patungo sa pinto. Gumamit ako ng elevator. Bonggang mansion, may elevator.
Kinuha ko ang telepono para mkausap ang nasa labas.
"Kit speaking. Who are you and what do you want?" Tanong ko.
[It's me, the guy under that mask you unveiled. And I am here to talk with you PERSONALLY!] Awtomatiko kong naibagsak ang telepono.
Kumaripas ako ng takbo patungo uli kay Kae. Hindi na ako gumamit ng elevator pababa ng underground kung saan naroon ang lab ni Kae.
"Problema mo?" Tanong niya ng biglang kong buksan ang pinto.
"He's here twin. Damn! Nakilala niya ako." Nangunot ang noo niya.
"Who? Yung lintik na nagdo-doorbell?" Tumango ako. Kinuha niya ang screw driver.
"Anong gagawin mo d'yan?" tanong ko.
"Self depense. Hello?" Kinuha ko sa kanya yung screw. Sabay pinidot ang botton sa wall. Iyon ang mga kuryenteng automatic na kukuryente sa mga masasamang loob na pumapasok sa mansion.
Lumabas na kami at nagtungo gahiganteng pinto namin. Pagkabukas ko ay isang gwapong lalaki ang nakita ko. Nakasandal siya sa pader habang nakapamulsa at naka hoody sweater.
"Ano'ng sasabihin mo?" tanong ko.
"Hindi mo lang ba ako papapasukin sa loob?"
"Demanding ka? Gusto mo bang mamatay sa loob?" Hinawakan ko si Kae para kumalma.
"Sorry hindi kasi pwede sa loob makukuryente ka kasi kung hindi ka kilala ng system." Tumango-tango siya. Lumabas ako.
"Doon nalang tayo sa garden." Sumunod siya sa'kin. Doon nga ay napag-usapan namin kung paano siya napahiya noong oblation run. Sabi ko naman ay hindi ko sinasadya kaya napatawad niya rin ako.
Mulat nga noon ay lagi na kaming nagkikita sa campus. Naging magkaibigan kami. Niligawan niya ako at sinagot ko siya. Walang araw na hindi ako naging masaya sa piling niya sinamahan niya ako sa lahat ng bahay hanggang sa maka-graduate kami pareho walang nagbabago samin. Kilala na naming ang isa't-isa ang pamilya niya kulang nalang samin ay kasalan...
Lelouch Lapachelle ano nga bang nangyari? Bakit isang araw sa tapat mismo ng Manila Bay...sa harap ng papalubog na araw.
Iniwan mo akong luhaan.
"Bakit? Ano ba ang problema Baby? Hindi kita maintindihan" Tang*na niya. Pasalamat siya at sinunod ko siya na hindi ako magmura pero putang*na gustong-gusto kong isigaw sa kanya ang pinaka malutong.
"You need to understand na wala na. Hindi na nagwowork ang relationship na 'to. Nagsasawa na ako!" For five years? Sasabihin niya na hindi na nagwowork? Nakakatarantado naman ang dahilan niya eh!
"So, ganoon lang pala 'yon? Sana kung magsasawa karin pala dapat ay hindi mona pinatagal pa!" Natahimik siya. Mula sa daliri ko ay tinanggal ko ang engagement ring namin.
"You and your f*****g promises! Go to hell!" Tinalikuran ko siya. Habang hilam parin ang luha ko.
Napakasakit.
Minahal ko siya ng tunay tapos ganito lang ang mangyayari samin?
Bakit sa lahat ng tao bakit ikaw pa ang nanakit sakin ng ganito Lelouch.
~
"Kit naman! Kanina pa ako salita ng salita dito. Nasa Earth kaba?" Napatingin ako kay Kae. Hindi ko na alam kung nasaan na nga ba ang takbo ng usapan namin.
"Sorry naman. Ano ba kasing nagyari?" she took a deep breath.
"Ex is here. Bumalik na pala mula sa imyerno ang gagong Paolo na 'yon." Natawa ako. So, pareho pala kaming bitter ngayon dahil sa mga Ex namin.
Kapag talaga kambal magkasangga sa lahat ng bagay hanggang sa pag-ibig ba? Ay mali, sa pagmo-move on pala.
"Eh, anong balak mo?" tanong ko sa kanya.
"Pababalikin ko siya sa impyernong pinanggalingan niya." pinaangat niya ang isang monitor at nagsimulang mag-sketch ng mga iimbentuhing robot o machine.
~
Kae's POV
Sira na ang araw ko dahil sa lalaking iyon. Pinipilit kong i-focus ang sarili ko sa pag-sketch nitong 'micro chip' na ginagawa ko. Gusto ko kasing dagdagan ng terabyte yung mas mataas sa computer para hindi na ako hassle sa mga ginagawa kong trabaho. Upang mas bagong mailabas na sa market.
By the way ang penname ko for this industry as an inventor and creator of any technology is 'Kronica' basta may makarinig lang ng alyas ko na 'yan ay alam na nila kung gaano kaganda ang mga kalidad ng mga produkto dito sa Jimenez Technologies Inc. Napagisip ko rin na ilagay kay 'Airshoes' na siyang next project ko matapos ni 'Aircar' isa iyong uri ng rubber shoes na may anti-gravitational na lulutang ka sa ere. Inspirasyon ko doon ang 'flying shoes' ni Hermes sa Greek mythology. Kung nasa book siya bakit kaya hindi ako gumawa ng totoo?
But now I'm still busy to develop that.
What if maglagay ako ng data para sa mga bwisit na Ex? Sarap nilang burahin sa mundo grabe.
"Kailan mo makukuha yung lisensya ni Air?" tanong ni Kit. Yung Aircar pala pwede ko na magamit next week at i-lunch world wide.
"Bukas ko kukunin." Malamig kong wika.
"H'wag mo munang isipin si Paolo," tiningnan ko siya ng masama.
"Puta naman, kita mong nagfo-focus dito ang tao. Ipinapaalala mo ang gago na 'yon!" natawa si Kit. Inaasar talaga ako nito eh.
"Alam ko ang lahat ng pinagdaanan mo twin. Same lang tayo, pero heto tayo ngayon maganda ang katayuan sa buhay. Siguro naman pwede tayong mag-time out muna sa pagiging bitter. Magsawa man tayo parang balewala kasi, bumabalik talaga ang lintik na sakit." Napabugtong hininga ako. Nakatitig lang ako sa ginagawa ko sa monitor.
It's been a five years Paolo Amargo...
Oblation run U.P. Diliman.
Isa ito sa mga pinaka ayaw kong gawain ng campus. Naked guy while runner around the campus. Eww! That gross for me! Anong akala nila sa bansang ito liberated? Nakakairi dahil cause of delay sila sa mga palabas ng campus tulad ko. Kanina ko pa hinahanap si Kit. Saan ba kasi nagsuot ang isang iyon? Teka? Nasaan naba ako? Nakanang! Baka nga naliligaw na ako. Kanina pa nagsimula ang oblation run. Patungo na sa way ko ang mga runners.
"Miss, for you..." halos mapatalon ako sa kung sino ang tumapat sakin with bouquet of roses. Isang runner at...at...napatingin ako sa ibaba. Hutangena! Lumaki ako sa kumbento jusko! Patawarin ayokong nagkakasala!
"No. thanks just stay away from me!" tumalikod ako nang bigla niya akong hawakan sa braso. Sa gulat ko ay walang pangundanhan ko siyang tinuhuran. Bakit ba? Self depense
Putcha! Alam kong saktong-sakto doon. Nakahubad pa naman. Habang namimilipit sa sakit ang lalaki ay biglang may humila sakin sabay niyakap ako. Nagpumilit akong makawala pero kulong na kulong ako sa malalaki at matitipuno niyang braso. Infairness ang bango niya. Shemay!
Lumakad siya habang yakap ako. Hindi ko siya matingala dahil sa higpit ng pagkakayakap niya. Pasalamat ang lalaking ito hindi nakabukas nag topak ko kundi kanina pa 'to bugbog sarado. Siguraduhin lang niya na pogi siya.
Sa isang puno kami huminto. Grabe, tagal din naming magkayakapan habang umaalis sa crowd. Pagkabitaw niya sa'kin ay nangunot ang noo niya.
"Sino ka?" tanong niya. Ano daw? Diba dapat ako ang nagtatanong?
"Sino ka rin? Bakit mo 'ko niyakap?" gago 'to ah?
Napahilamos siya ng mukha.
"s**t! Hindi ikaw si Mache. Sorry Miss, nagkamali ako ng nakuha." Pinanliitan ko siya ng mata.
"Eh, putangina mo pala eh! Akala mo maniniwala ako sa mga palusot mo? Ang sabihin mo manyakis ka!" pinandilan niya ako ng mata. Gwapo siya promise pero... manyak!
"Hindi ako manyak Miss, masama bang magkamali?"
"Oo! Lalo na kung mali ka ng taong mamanyakin!" bigla ko siyang tinadyakan sa paa sabay sinikmuraan. Ayokong sapakin sa mukha kawawa naman ang handsome face.
"Ano bang problema mo?" tanong niya. Kinwelyuhan ko siya.
"Ikaw ang problema ko! Anong karapatan mong mangyakap ng babae na 'di mo kilala?" Nag-iwas siya ng tingin.
"Eh, sino ka nga ba? Pwede bang bitawan mo muna ako?" binitawan ko siya.
"Katrina Jimenez." Wala sa mood kong sabi.
"Paolo Amargo." Infairness walang shake hands. Nakakagago talaga.
"Sa susunod 'wag ka ng magkakamali ng taong yayakapin. Nakakamanyak eh!" Sabi ko.
"Hindi nga sabi ako manyak pareho kasi kayo ng damit kaya akala ko ikaw siya." Naupo ako sa ugat ng puno. Gayon din siya.
"Sino ba kasi 'yon?" wow makatanong ako feeling close na?
"Kapatid ko, galit kasi siya sakin dahil nasigawan ko siya nung nasira niya yung robotic project ko." Nangunot ako.
"Robot? So Mechatronics ka rin? Same tayo dude!" napangiti siya. Ang ganda ng ngiti niya syet!
"Akalain mo yun, bakit hindi kita nakikita sa building natin?"
"Irregular kasi subjects ko. So, 'yun ba ang ipapasa mo sa science fair?" napaisip muna siya. Nakakatuwa na parang kanina galit ako sa kanya ngayon parang close na kami.
"Ina-asemble ko uli eh, ikaw ba?"
"Nasa blue print parin. Nakakatamad gumawa." Totoo naman nakakatamad gumawa ng isang bagay kung walang inspirasyon. Puro passion lang ako.
"I offer my self to help you." Ngumiti siya. Nakakabihag talaga ang ngiti niya kahit kailan.
~
Nang sabado ay pupunta nga si Paolo sa mansion kaya ako ay aligaga dito sa laboratory.
"Sino na uli yung pupunta?" nilingon ko si Kit.
"Nyeta ka Kit! Bakit ka may dalang ice cream? Diba no Foods ang drinks dito?" tinakpan niya ang ice cream, buti at hindi naka-activate ang mga gadgets na nandoon.
"Sorry naman daw. Oh, ano sino nga?"
"Paolo Ama..cer? Amacer ata ewan!" Bigla niya akong binatukan.
"Pinaglolokomo ba 'ko?" tangina masakit yun ah!
"Hindi! Paolo nga eh! Ammm Paolo Abardo?" humalagapak siya ng tawa.
"In love ka nga!" kinikilig na sabi niya.
"Pinagsasasabi mo?" tanong ko. Tinuloy ko ang pagbubutingting.
"Kilala kita twin. Kapag may crush ka o inlove hindi mo natatandaan ang surname nung taong iyon. Gwapo ba?" natahimik ako. Oo nga no? pero totoo naman hindi kona maalala.
"Iyon lang ba basehan mo? Oo gwapo siya, pero hindi ko siya crush no!"
"Twin. Nagsisinungaling ka, yung daliri mo pinapagalaw mo lahat." Napatingin ako sa daliri ko na ginagalaw-galaw ko nga.
"Hoy! Manahimik ka!" tumawa siya saka lumabas ng lab. Napangiti naman ako.
Simula nga no'n ay lagi siyang nagtutungo sa amin para sa mga projects namin. Hindi nga nagtagal ay niligawan niya ako syempre sinagot ko rin siya agad. Naging masaya kami as couple walang araw na hindi kami naging masaya sa isa't-isa kumbaga everything is perfect na. Per,o natapos ang lahat after ng graduation. Our three years relationship was gone.
Nasa garden kami non matapos niyang ipabasa sakin ang isang letter.
"Tutuloy ka parin talaga kahit ayoko?" wika ko sa kanya. Isa kasi siya sa mga nakapasa para mag-aral sa NASA at maging technology developer doon. Para narin makapag masteral siya. Pero tang*na Russia at outer space yun.
"Kae, this is my chance para magamit ko ang napagarala ko dito." Tinalikuran ko siya.
"Paano ako? Iiwanan mo 'ko dito? Pao,ayoko ng long distance hindi ko kaya." Totoo naman kasi. Hindi ko pa sure kung magkakaroon kami ng sapat na communication. Nasanay ako na kasama siya. Hindi ko kaya na wala siya.
"Kae, inaaya kitang magpakasal para maypanghawakan ka. Pero tinatanggihan mo ako." Kung alam niya lang na gusto ko narin siyang pakasalan kaso nga parang hindi pa ito ang oras, tapos hindi pa kami magkaintindihan ngayon.
"Alam mo naman na hindi pa ako handa para ganyan Pao." Nagtiim siya.
"Maging fair ka naman Kae, payagan mo na 'ko. Limang taon lang naman ako mawawala, pangako babalikan kita." He cupped my face.
"Sa oras na umalis ka, 'wag mong asahan na may babalikan ka pa." tinalikuran ko siya. Saka naglakad. Masakit rin naman sakin, hindi nga ba ako fair? Bakit siya? Iiwan niya ako para sa sariling future niya. Mas hindi fair iyon.
"Kae. Listen to me...ayokong humantong tayo sa ganito, ayokong nasasaktan ka." Tumulo ang luha ko.
"Ayaw mo akong nasasaktan pero iiwan mo 'ko. Hindi naman sa ayaw ko, alam kong pangarap mo 'yan pero Pao, hindi ko kaya na iwan mo." Sabi ko na halos magmakaawa na sa kanya.
"Sorry Kae, pero... kailangan kong gawin 'to." Tinulak ko siya saka tumakbo papasok ng mansyon. Napasandal ako sa pinto at doon umiyak ng umiyak.
Sinubukan ko siyang habulin. Kahit sa huling pagkakataon na makita ko siya. Pinuntahan ko siya sa airport araw ng flight niya balak ko siyang surpresahin at sabihin sa kanya na tanggap ko na na hihintayin ko siya.
Pero bakit habang palapit ako sa pila niya ay gusto kong umurong. Kaya nung nag-anounce na para sa flight patungong Russia ay dali-dali akong tumakbo natanaw ko siya sa escalator. Hindi siya malapitan dahil sa mga tao sa paligid.
"Paolo!" sigaw niya. lumingon naming siya. Gustuhin man niya akong puntahan kaso ay may mga nakaharang sa kanya.
"Kae!" sigaw din niya.
Pagkausad niya sa escalator ay doon ako nakasakay. Wala akong pake kung marami na akong nababangga ang mahalaga ay maabutan ko siya. Pagkausad ko ay nasa loob na siya ng terminal ng mga eroplano.
"Paolo wag mo akong iwan!" Napahagulgol na ako ng sobra sobra.
Ni lingon ay hindi niya ginawa.
Ganoon na lang ang lahat? Tatapusin niya ng ganito ang relasyon naming? Sobra siya! Grabe siya. Ang tanging hiling ko lang naman lumingon siya kahit sa huling pagkakataon.
Pero hindi niya ginawa. Mula no'n ay wala na siyang paramdam sa'kin.
--
Argh! Naiiyak na naman ako nang naaalala ko ang mga bagay na iyon! Ngayon nandito na siya. Nakakainis lang!
May nagpop-up na message sa email ko.
Kronica,
Get ready for our proposal meeting tomorrow.
-MetalUneses
Isa pa 'tong pinoproblema ko bukas. Ang makipagproposal kay MetalUneses. For the first time ko siyang mami-meet.
"Kae, umorder ako ng robot from Ex factory." Napatingin ako kay Kit.
"Ex factory?" kunot noo kong tanong.
Ni-send niya sakin ang link. Pinindot ko iyon at binasa nag details.
Hmn? Interesting...