Chapter 15

1683 Words
EXF 15- METAMORPHOSIS Metamorphosis- a major change in the appearance of character of someone or something. ~ Kit's POV This moment is like...awesome. Magkatitigan kami ngayon ni Cronux habang na isang modern restaurant kami. So, this is what he called a candle light date. At ako naman ay hindi malaman kung paano napapayag. "Cronux, tanong ko lang birthday mo ba?" gusto niyang matawa nang tiningnan niya ako. "No, this is our date." Ahhh date lang pal-wait? What? DATE? Seryoso? "Ikaw naman masyado kang mabiro." Nakakahiya na talaga. "You're always quotable to amuse me." Nakangiti niyang wika. Tumingin siya sa menu book. Samantalang ako ay inililibot ang paningin sa buong resto. Grabe ang taas ng ceiling tinalo ang mansion namin. Napatingin narin ako sa menu book. Muntikan akong mapamura sa mga presyo ng pagkain. Appetizer palang kalahating milyon na. Purong ginto at dyamante ba ang mga pagkain dito? Pasimple kong isinara ang menu book. Oo mayaman kami ni Kae pero hindi kami ganoon kaluho. "Cronux, pwede bang sa iba nalang tayo?" napaangat siya ng tingin sakin. "Later na tayo mag baywalk, um-order kalang, ako ang may-ari nito." I freeze at the moment. SIYA ANG MAY-ARI NITO?! Napakayaman naman pala talaga nang taong 'to. Tiningnan ko uli ang menu book, sige pakapalan na 'to siya naman pala may-ari. Matapos kuhanin nag order namin ay titigan portion na naman kami. "Ano ba, bakit kaba nakatitig?" tanong ko sakanya. His eyes is sparkling. Syemay, kinikilig ako. "I just can't take my eyes off with you," spell kilig to the toe? Hay, kaysa maadik ako sa titig niya ay kinuha ko ang cellphone ko at nag-sss muna. Si Lucille ang nakabukas sakin. Lucille Cassidy Pendover Crydhelle Luke Smith tagged a post in your timeline. Crydhelle Luke Smith»Lucille Cassidy Pendover Happy 68 months anniversary (5 years and 9 months) Today is our 68 months anniversary or 5 years and 9 months together tho not literally but now all is under metamorphosis. Today is very wonderful day for us. It seems like yesterday when we begin this beautiful love story. It's been a many year since we started and have lived unforgettable moments together. There are many beautiful memories that I have experience and there are so many things that I have learned. I would like to say something, how ever I don't know where to start. Each moment that we shared has been very special, you are my better half and I thank you for that. I can understand me and love me as I am. I feel like I am the happiest guy on earth because I have you with me. I realize that we really made for each other. I don't want this special day to end without telling you that I will always love you and no one will take the place that you occupy in my heart. I love so much baby ko- with Lucille Cassidy Pendover. Yannis Wyniea, Anikka Vera, and 1,789 liked this. Natulala ako sa nabasa ko, ngunit ang mas nagpa-goosebump sa akin ay si Cronux. Ni-recite niya kasi kung ano ang binabasa ko, so ang ibig sabihin... "Anong comment mo do'n baby ko?" bigla akong napasandal sa kinauupuan ko. Kinikilabutan talaga ako! "So, alam mo na pala?" kanda-utal kong tanong. "Siyempre naman, asawa kita diba?" napanga-nga ako. "Kailan pa?" "Bago ako pumasok sa Company niyo." stalker lang ang peg? "Ahh, well happy anniversary Baby ko..."ang awkward na. Geez! Ano ba 'tong pinasok ko, mukhang napasubo ako ah. Hinawakan niya ang kamay ko. "So, ngayong nagkatagpo na tayo pwede naba nating gawing literal at makatotohanan ang lahat?" I pause. I just stare at his sparkly eyes. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil masyado akong naguguluhan. Mabuti at nailigtas ako sa pagdating ng order namin. Naalala ko kasi si Lelouch, noong una kaming nag-date sa isang mamahaling restaurant, that night is so romantic, hindi ko makakalimutan ang isa sa magandang ala-ala namin na iyon. He made me so special and the only girl that he love by that time. Ang t***k ng puso ko ay animo musika. Naalala ko rin na tinugtugan niya ako ng piano non, at sarili niyang compose ang tinugtog na para sakin lang daw. Ano ba 'tong naiisip ko? Nakakahiya kaharap ko pa naman si Cronx. "Hindi naman kita minamadali, I'm willing to wait...again." Parang gusto kong masaktan. Kitang-kita ko kasi sa mga mata niya ang lungkot. Yeah, it's been a five years. Hindi parin ako nakaka-move on. Si Lelouch pa rin ang mahal ko at inaamin ko yon. Siya lang ang natatanging lalaki sa puso ko. Siya lang ang lahat. Siya lang ang nanakit sakin ng ganito. Siya lang ang gusto kong mahalin. Siya lang.... Punyeta, kailan ba matatapos ang 'SIYA LANG' pwede bang ngayon na? Ayokong masaktan at umasa pa eh. Wala parin kaming kibuan nang matapos kaming kumain hanggang sa makarating kami dito sa baywalk ng Manila bay. Gabi na kaya ang maliliwanang na City lights nalang ang nagsisilbi naming liwanag. Mabuti nalang sa panahong ito ay malinis na uli itong baywalk. Iba talaga ang dala ng modernalismo. Naupo kami sa isang bench. "Si Lelouch n'on, kapag ganito kukuha kami ng bato at magpapalayuan ng naibato." He just laugh. Ako namang si gaga ay gustong sampalin ang sarili. s**t! Naaalala ko talaga siya eh. "Tapos, nakikita mo yung parang food stall do'n? Suki kami madalas d'on." He stared at me. "Yung puno na iyon, may nakaukit na pangalan namin." Turo ko sa isang puno. Pero alam ko na tumutulo na ang luha ko. "D'yan sa mismong bato na 'yan lagi siyang nakaupo, habang...yakap ako." Napakagat labi ako. Ano ba! Bakit ba ayaw akong tigilan ng mga ala-ala niya? Kinuha ni Cronux ang kamay ko, sabay kaming tumayo. "Kit, I am not him." He wiped my tears. "But, I will do anything to let you love me not only just to forget him. But, a brand new love and memories, just for you and I." he hugged me. Napakadaya ng puso ko, ayaw magpatinag kay Lelouch lumalapit na nga ang grasya oh. "You belong with me now, Kit." I just pause for apart. I feel my world turns upside down. ~ DARK GALACTIC QUARTER "Isang pakilamero ang sumira ng ating plano!" galit na wika ng pinuno na halos ikinayukod ng mga tauhan niya. Kaagad na napangisi si Lelouch na nasa isang screen. "Sinasabi ko naman sa'yo, hindi ka magtatangumpay!" tila lalong nagpuyos ang pinuno. "Maghintay kalang! Dahil hindi matatapos ang buwan na 'to na hindi mo siya kasama sa tabi mo!" giit ng pinuno. Hindi nakasagot si Lelouch. "Sa susunod na magkaroon ng sagabal ay sisiguraduhin ko na ang kanyang kamatayan!" galit na wika ng pinuno. "Ngunit pinuno, isa pong genetical code ang nilalang na 'yon." Sabat ng kanyang kanang kamay. "Edi, tatanggalin ko ang ang bagay na siyang nagpapakonekta sa pagiging immortal niya." nakangising wika ng pinuno. "May isa pa ho tayong problema pinuno. Natunugan na ng Stelar quarter na bihag natin si Lelouch." "Pwes, tinggnan natin kung makapasok sila dito sa kinalalgyan ko." Mala-demonyo itong ngumisi. "Sige, subukan rin ni Paolo na may iligtas, tinggnan ko lang kung hindi maulit ang nangayari sa kapatid niyang si Mache." Napatingin itokay Lelouch. "Kaya kung ako sayo ay hindi na ako aasa na makawala sa kinalalagyan mo. Parating na si Kit upang samahan ka." May pinakita itong imahen sa monitor. Nandoon ang walang malay na si Kit. "Napakasama mo!" ngumisi ang pinuno. "Pagiisipan ko." ~ Katrina's POV Tulog na si Kinnick, wala parin si Kit, pero nag-text naman siya na gagabihin siya ng uwi. Kaya heto ako at nakatutok sa f*******: kong real account as Katrina Jimenez. After five years ay ngayon ko lang binuksan ito, matapos namin maghiwalay ni Paolo. Hinahalughog ko ang year by year history. Hindi kasi ako mapakali parang may gusto akong tuklasin na ewan. Patuloy lang ako sa pag-scroll down. Infairness parang hindi kami GGSS ni Paolo ah? Puro selfies kasi namin ang nandito, walang kasawaan. This picture na umabot ng libong likes first anniversary namin yung isang billboard pina-ilawan niya ng pangalan ko. Napapangiti lang ako. This picture nung nag sky diving kami, well censored narin 'yon. Wala eh, malandi kaming dalawa. Ganoon namin ka-mahal ang isa't-isa noon... Pagka-scroll ko uli ay nakita ko naman ang isang picture na talagang rated. Iyon kasi yung ninakawan niya ko ng kiss sa lips, sakto iyong na capture ng kapatid niyang si Mache. And speaking of Mache...wait? Iniscroll ko uli ng inis-croll down, alam ko malapit na iyon. Hanggang sa makita ko ang isang album. Gottcha! Ngunit nang pindutin ko ay nayamot sa pagbagal ng connection. PUTANGINIS NAMAN OH! Ay, wow pabebe pa talaga ayaw pa mag loading! Bwisit kung hindi lang importante itong titinggnan ko eh! Napatingin ako sa steel rose na nasa bed side ni Kit. Ang may-ari non, sobrang misteryoso sakin ang pagkatao. Maya-maya pa ay biglang may nag-doorbell. Tss! Lokang Kit 'to, kung umasta akala mo hindi nakatira dito. Hay! Tumayo ako at mabilis na nagtungo sa gate. Pagkabukas ko ay bumungad sakin si Cronux, buhat-buhat si Kit. "Ano'ng nangyari sa kanya?" gulat kong tanong sa kanya. "Don't worry, nakatulog lang siya. Maaari ko ba siyang maipasok sa loob?" tumango ako at niluwagan ang bukas ng gate. Pagkadating sa kwarto ay naingat niyang inihiga si Kit sa kama nito. "May I go now?" I just nooded. "Sige, salamat sa paghatid sa kanya." Ngumiti lang siya. Nang maka-alis na si Cronux ay binalikan ko ang laptop ko, pero laking gulat ko sapagkat bigla iyong nag-black out ayaw pang mabuksan. Bakit ngayon pa? naibato ko kung saan nalang yung laptop dahil sa inis ko. Natulog nalang ako. Kinabukasan ay laking gulat ko dahil nakabihis na si Kit pagkamulat ko. Himala yata na napaka-aga niya? "Epekto na ba 'yan ng anniversary niyo ni Crydhelle ha?" nangunot ang noo niya. "Sinong Crydhelle? Paano kami nagkaroon ng anniversary?" ako naman ang nangunot ang noo. "Anong nagyari sayo? si Cronux ba, kilala mo?" "Sampalin kaya kita, siyempre naman. Nag-date nga kami kagabi diba?" "Bakit hindi mo kilala si Crydhelle eh, siya rin 'yon diba?" inirapan niya ako. "Ang mabuti pa, matulog ka nalang uli. Kung ano-ano sinasabi mo." iritang sagot niya saka lumabas ng kwarto. Ako pa ba? Ako pa ang may kung ano-anong sinasabi? Anong nangyari kay Kit? Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at si-nerch ang FC account niya, pero laking gulat ko dahil walang lumalabas sa result, maging si Crydhelle ah wala rin. ANONG MERON?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD