EXF 14- ENIGMA
Enigma- someone or something that is difficult to understand or explain.
~
STELAR QUARTERS
"Identity is clear, door is now open." Isang seryosong mukha ni Paolo Amargo ang bumungad sa mga board member ng Planet Stelar. Kagagaling palang niya mula sa Earth patungo sa quarters upang alamin ang report patungkol sa nakuhang carrier ng green IC na si Lelouch. Naupo siya sa sentro ng mga steel chair kaharap ang mga 3D monitor.
"Maligayang pagbabalik Metal Uneses." Tinanguan lamang niya si Seldo na isa sa mga General/Doctor ng SQ. Isang malaking dagok ang naging pagkuha ng Dark Galactic kay Lelouch. Dapat pala ay hindi na siya pumayag na bumalik ito sa Earth.
Limang taon na ang nakalilipas nang madiskubre nila ang Planet Stelar. Nasa pagitan ito ng Elliptical at Spiral galaxy. Ito ang namumukod tanging planeta na nasa bahagi ng mga giant stars at may oxygen pero walang carbondioxide na dahilan kung bakit walang puno sa buong paligid. Ginawa na lamang itong head quarters ng NASA at ngayon ay sila.
Ang STELAR humans, binubuo sila ng ilang magigiting na astronomers sa Earth. Baskus ay alerto sila patungkol sa pinag-aagawang mga IC's
"May mga paraan na ba tayo upang mabawi muli si Lelouch?" tanong niya sa mga ito.
"Kinalulungkot kong ipabatid na nasa pinakamataas na Headquarters ng Planet Dark nakalagay si Lelouch, malapit sa pinuno."
"Hihintayin ba natin na makuha ang dalawang IC? Nasa Earth pa ang mga ito." Ang tinutukoy niya ay ang Purple at Blue IC.
"Nasa atin naman ang pinakamalakas na IC diba?" napatingin siya kay General Seldo. Nakaramdam siya ng pagtatangis ng bagang. Para sa kanya ay sumpa ang mga IC.
Ang Black IC.
Na siyang dahilan ng pagkamatay ng kapatid niyang si Mache.
*flashback five years ago*
Isang malakas na pagsabog ang narinig ni Paulo. Mula sa kalawakan ay nakita niya ang paglutang ng kapatid na si Mache. Alam niya na agaw buhay na ito base sa mga natamong sugat. Ito ang dahilan kung bakit nandito siya ngayon sa Dark Galactic Quarter, upang ilitas ito.
Kaagad nilang nilapitan ito ni Seldo habang pinapatakbo nila ang CodeMirinaXC na isang space jet. Mula sa wing ay pilit niyang kinuha ang kapatid at saka ipinasok sa loob.
"CodeMirinaXC ready for launching to the planet Earth." Narinig niyang sabi ng system.
"Kuya..."napatingin siya sa kapatid at nahabag siya sa sitwasyon nito. Ang nakakapanlumong mga nagkalat na dugo sa buong katawan nito.
"H'wag kang mag-alala Mache, malapit na tayo sa Earth, magagamot kana." gusto niyang maluha sa pilit nitong pag-iling. Itinaas nito ang kamao at dahan-dahang binuksan iyon. Bumungad sa kanya ang Black IC.
"Kuya...hindi.na.ako.a..a..bot." naghihingalong saad nito.
"Ku...nin..mo..ito..."
"H'wag kang magsalita ng ganyan Mache,mabubuhay ka diba?" lalo siyang naiyak sa pagngiti ng kapatid.Kung maibabalik niya lang sana ang oras na wala pa sila sa ganitong sitwasyon. Mga panahon kung saan payapa pa silang namumuhay sa planet Earth, kung saan normal ang kanilang pamumuhay. Ang mahalaga ay mahal nila ang isa't-isa bilang magkapatid. Hanggang isang araw ay natuklasan niya ang patungkol sa Black IC na nakatanim kay Mache.
Ang black IC ang dahilan kaya marami ang huumahabol kay Mache kaya napilitan siya at ng Stelar quarter na itago ito sa Planet Stelar ngunit bigo parin sila dahil nakuha parin ito ng Dark Galactic.
"I..pa...nga...ko.. mo..." pilit nitong binigay sa kanya ang black IC labag man ay tinanggap niya iyon. Niyakap niya ng mahigpit ang duguang katawan ng kapatid.
"Hin...di... si..la.." nahinga ito ng malalim anumang oras ay lalagutan na ito.
"Mag...ta..ta..gu..m..pa...y.."
"We are on Each CodeMirinaXC ready for landing." Napahagulgol na si Paolo dahil lumupaypay na ang kamay ni Mache at napikit na ito.
"Pagbabayaran nila ito!" sigaw niya.
*end of flashback*
"Hindi na ako makapapayag na may mawalan muli ng buhay para lang sa IC na 'yan, sa kahit na anong paraan gawin natin ang lahat ng ating makakaya upang mailigtas si Lelouch."napahawak ng baba si Seldo. Ang apat pang General ay nagtinginan lamang.
"General Reobelt Arik ano na ang nakalap mong balita patungkol sa mga genetical code humans?" may ti-nap ito sa laptop projector.
"Mahirap silang ma-identify dahil kahamihan sa kanila ay under ng DGQ nilalagyan sila ng macrodata para walang makaamoy kung anong uri sila." He firm his fist. Lahat nalang ba ng kasamaan ay nasa mga ito? Ilang tao pa ba ang gagamitin ng mga ito para lamang sa mga pansaliring mithiin?
"Ikaw, Miss Casa, kamusta ang Ex Factory?" isa iyong legal na negosyo na pinapatakbo nila sa Earth. Naka-base iyon sa isang mataas na kabundukan. Alam niya na isa si Kae sa kumuha ng Android Ex.
"Ayon sa initial report ko ay may isa na ang nawawalang data." Napatango siya dito. Alam niyang hindi immortal ang mga human android niya kumpara sa mga genetical code humans na talagang mga tao ang ginagamit at panghabangbuhay nang nakarehas sa isang barcode.
And speaking to his Ex na siyang si Kae. Nasasabik siyang muli na makita ito sa kahit na anong paraan o pagkakataon. Darating rin ang araw na mapapatawad at naipapaliwanag niya ang lahat dito. Mabuti nalang at siya ang gumawa sa android ex na inorder nito na siyang-siya mismo. Alam niya na maibabalik niya pa ang lahat sa dati.
Sa lalong madaling panahon.
~
Kinnick/ Andropholos POV
"Sandali lang 'wag mo akong takbuhan Trina!" natatanaw kong mabilis na tumatakbo ang isang babae sa corridor palapit sakin. Sa hindi inaasahan ay nabangga niya ako at tumilapon ang mga dala kong libro.
"Ay, sorry..." sabi nung babae saka muling tumakbo. Mag-isa kong pinulot ang mga nagkalat na libro ko pati ang tumilapon kong eyeglasses.
Kilala ko ang babaeng iyon. Siya si Katrina Adellane Erei Jimenez, at ang lalaking humahabol sa kanya ay ang boyfriend niyang si Paolo Amargo na running for summa c*m laude sa graduation. Ang masasabi ko lang.
WALANG FOREVER
At maghihiwalay din sila. Ako naman ay isang strange nerd na aloof sa mga tao. Ayoko kasi na magkaroon ng ugnayan sa iba, lalo na at hindi nila alam ang totoo kong pagkatao. Sa tulong ng mga baduy na kasuotan at gulo-gulong wig isama na ang prostetic na sirang braces at tinatago ko ang aking kagwapuhan. Ang ang yabang pero, totoo ang kagwapuhang ito.
Tila nagdilang anghel ako nang mabalitaan ko ang paghihiwalay ni Katrina at Paolo. Sinasabi ko na, kami ang nakatadhana ni Katrina. Oo na, matagal na akong may pagtatangi sa kanya. At siya lamang ang babeng iniibig ko ng palihim. Alam ko na darating ang panahon na makikilala niya rin ako...
"Andropholos!" dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko ang ate kong si Andromeda. Dali-dali akong napatingin kay Kae na mahimbing na natutulog sa sofa.
"Ano'ng ginawa mo sa kanya?" matalim kong titig sa kanya.
"Easy lang, pinahimbig ko lang ang tulog dahil ayokong maimbyerna." Nahinga ako ng maluwag, halang pa naman ang bituka ng isang ito. Pinagsisisihan ko na naging kapatid ko pa siya. Dahan-dahan akong napatayo at nakita kong nagliliwanag ang buong katawan ko. Nang matapos ay binuksan ko ang isa sa mga bandage ko na may malaking sugat,kuminis na uli 'yon.
"Nag-regenerate ka na, paano mo maipapaliwang sa kanila na tila walang kang pinagdaanang sugat?" tiningnan ko uli siya ng masama. Nilapitan niya ako at binulungan.
"Sa susunod kasi, 'wag kang makikialam." Hinawakan ko ang braso niya at mahigpit na hinawakan iyon.
"H'wag mong idamay si Kae dito!"
"And why not? She is the blue IC carrier." Binitawan ko siya. Kung ako lang ang masusunod ay ayokong may mangyaring masama sa kanya.
"See you soon, pero kasama na sila." Sa isang iglap ay nawala si Ate Meda. Kasabay n'on ang paggising ni Kae mula sa sofa.
~
Katrina's POV
"Wahhhhhhhh" as usual napatakip na naman ng taenga si Kinnick.
"Gising kana!" masaya ko siyang niyakap.
"Kumusta? Okay kana ba?" napangiti siya.
"Kinninck hindi ako sanay na ganyan ka."
"Eh, malamang may sugat ako oh," napangiti din ako. Ibinuwis niya ang buhay niya para sa'kin. Tumabi ako sa kanya.
"Kinnick, maraming salamat..."
Hindi siya sumagot pero ang lubos na kinagulat ko ay bigla niya akong niyakap. Napangiti ako. Hinayaan ko lang na damhin ang yakap niya.
"Kae, uwi na tayo. Ayos na 'ko."
"Sigurado ka?" may isang araw narin pala siya dito sa hospital. Mabuti nalang at hindi nagpunta ang demonyita niyang kapatid baka ito ang pumalit sa hospital bed. Tumango siya, siguro nga maayos na siya.
"Sige, idi-discharge kita mamaya." Matamis siyang ngumiti. Bakit ba parang ang gwapo niya sa paningin ko ngayon? O sadyang sinasalakay lang ako ng kakerengkengan?
Nang makausap ko ang Doktor na sumusuri kay Kinnick ay binigyan na kami nito ng permiso na i-discharge na si Kinnick.
Si Kit ay nasa trabaho. Naku! If I know ka-date na na naman niya 'yung Cronux. Ang weird pero parang pamilyar siya sa'kin. Nakita kona ba siya somewhere? All over the rainbow?
Nasa parking lot na kami ni Kinnick ng hospital, ba't ganun? Parang napakakinis niya? Yung balat niya kasi mala-porselana alam kong mestiso siya pero, mas mukha pa siyang kutis babae kumpara sa'kin.
"Hoy, ano'ng gamit mong sabon?" tanong ko sabay abot sa kanya ng dupple bag.
"Ha? Sabon ko?"
"Hindi. Feminine wash, ano ba, sabon nga diba?" napakamot siya ng ulo. Ay, lutang nga yata dala ng IV fluid.
"Edi kung anong sabon niyo. Sa inyo ako nakatira diba?" hays, kaysa mabad-trip ako ay hindi ko nalang siya pinansin.
"Sakay," sumakay naman siya siya sa Ducati ko.
"Kumapit kang mabuti." Utos ko na agad niyang kinatalima.
"AAAAAAHHHHHHHH"
Ay! nak ng teteng Kinnick kung makatili. Siguro nga sinong hindi titili sa sadsad ng speeding ko, wala pa naman kaming helmet.
"Kae, dapat sinabi mo na gusto mo na akong patayin. Nasa hospital na tayo kanina Ahhhhhh!!!" ngumisi lang ako. Bahala siyang magdaldal d'yan basta ako gusto kona umuwi kaagad.
"Kae, intersection ahhhhhhhhhhh" tsk!
"Alam ko, ano ba!" pero kaysa huminto ay may pinindot ako dahilan upang liparin lang namin ang traffic sa intersection.
"Kaaaaeeee!!!" gusto ko ng matawa pero, mas naiinis ako eh.
Sa awa ng mahabaging Poon. Nandito na kami sa garahe ng mansyon.
"Baba na." nilingon ko si Kinnick. Hala? Nanigas na!
"Hoy!!!" bulyaw ko sa kanya. Dahan-dahan siyang bumaba walangya! Nanginginig ang tuhod.
"Kae, alalayan mo naman ako." Tuluyan na akong natawa. Inalalayan ko siya hanggang sa makapasok sa mansyon. Pareho kaming naupo sa sofa. Pero mas pinili niyang mahiga. Wala parin si Kit.
"Oo nga pala, ito ang nakuha nung alisin yung nabasag na chandelier." Napatingin siya s microflask na hawak ko.
"Sa tingin mo ano kayang laman niyan?" tanong niya. "Let's see." Sabi ko sabay tungo sa lab.