EXF 13- JUGGERNAUT
Something such as a force, campaign, or move ment that is extremely large and powerful and cannot be stopped.
~
Kit's POV
Pagkapasok namin sa loob ng hospital ay mabilis kong hinanap kung saan ang kwarto ni Cexza. Oo na, dahil nga sa picture ko lang nakikita ang Hospital ay tinulungan ako Cronux. Tinawanan pa nga ako nang sabihin ko na ngayon lang ako nakapasok ng Hospital. Malapit na kami sa room ni Cexza nang makita namin sa tapat no'n si Kae.
"Kae!!!" tawag ko sa kanya na kinalingon niya. Hinintay niya kaming makarating sa kinatatayuan niya. Kunot -noo siyang napatingin kay Cronux.
"Kae, si Cronux nga pala... new investor sa company." Inilahad ni Cronux ang kamay niya kay Kae. Tinanggap naman 'yon ni Kae. Akala ko may topak na naman siya.
"Tara, pasok na tayo sa loob." Binuksan niya ang room ni Cexza. Nakita namin si Cexza na naka-dextrose at naka-venda ang mga paa.
"Ano'ng nagyari sayo Bess?!" nag-aalala kong tanong.
"Car accident Bess," sabi ni sa pagitan ng paghikbi.
"Oh, bakit ka umiiyak? Ligtas ka naman." Tuluyan na siyang umiyak.
"Ligtas nga ako, pero mga Bess yung android Ex ko hindi nakaligtas. Nag-malfuction siya dahil siya ang nagsilbi kong shield nung may nakabanggaan kaming kotse," hinaplos ko ang balikat niya.
"Malakas yung impact...ayun...sira-sira na siya..." lalong lumakas ang hagulgol niya. Nalulungkot ako sa sinapit ng android ex niya.
"Pwede ka pa naman sigurong kumuha sa ex factory diba?" umiling siya.
"Nawasak narin kasi yung data base niya, kaya hindi na ako pwedeng kumuha, 'yon kasi ang iniingatan sa kanila."pahayag niya na sobrang lungkot. Niyakap namin siya ni Kae, alam ko minsan nalang nga siyang maging masaya. Nawala pa ang isang bagay na nagpapasaya sa kanya.
"Sino siya?" tanong niya sabay tingin kayCronux.
"Ay, si Cronux nga pala,bagong investor ng company."tiningnan lang siya ni Cexza, alam ko kapag walang sa mood ang babaeng ito ay isnabera siya.
"Cronux, si Cexza, bestfriend namin ni Kae, nasa ibang branch siya." Tumango lang si Cronux tila naramdaman niya rin yata na wala sa mood si Cexza.
"Kit, lalabas lang ako ha?" napatingin ako kay Kae.
"Sige," lumabas si Kae.
Kaming tatlo na lamang ang naiwan sa loob. Para maikwento sa'kin si Cexza tungkol sa sama ng loob niya sa pagkawala ng android ex niya. Sayang, siya pa naman ay dahilan kung bakit kami may android ex ngayon ni Kae, tapos hindi na napapalitan yung kanya. Nakakalungkot talaga.
Nang makatulog na uli si Cexza, ay doon lang namin naisipan Cronux na umalis upang mag-lunch, medyo late narin kasi.
--
Kae's POV
Lubos akong nalulungkot sa sinapit ng android ni Cexza. Siguro nga ang lahat ng bagay ay may limitasyon kailangan kasi habang nandiyan pa sila ay matutuhan na natin silang pahalagahan.
.
.
.
Kagaguhan.
Bakit siya, hindi niya ako pinahalagahan? Nasaan siya ngayon? Wala! Tapos magbabalik. Para ano? Iwalang halaga uli ako?
Kasalukuyan akong nalalakad sa pasilyo ng Hospital nang may makasalubong akong kambal na bata, naka-venda ang likod, tila kagagaling lang nila sa isang operasyon, tig-isa sila ng wheel chair. Tinatanaw ko lang sila habang papaliko. May kung anong gumugulo sa isipan ko kayapumasok ako sa kwartong nilabasan nila. Nadatnan ko d'on ang isang Doctor na abala sa pagsusuri sa mga x-ray's kaagad niya akong nginitian nang makita ako.
"Anong maipaglilingkod ko?" inalok niya akong pumasok at maupo. Inilibot ko ang buong paningin ko sa buong opisina niya.
"Maari mo bang tinggnan kung anong klaseng peklat ang nasa likuran ko?" tinitigan niya muna ako. Doctor siya at alam kong walang nakakailang sa pinapagawa ko.
"May I see your scars?" wika niya. dahan-dahan kong tumalikod ako at bahagyang itinaas damit ko.
"May kakambal ka?"
"Yes,"tumango-tango siya, at sinagot lahat ng katanungan ko. Sa una ay hindi ako makapaniwala. Dahil lalo lang akong naguluhan.
Nasa labroratory na uli ako ng kompanya. Napapailing ako habang inaalala ang napausapan namin kanina ng Doctor. Napakaimposible ng mga sinabi niya. Kaya siguro ayaw kaming papuntahin ni Lolo sa mga hospital dahil puro nga lang kasinungalingan ang mga sasabihin nila. Ang sabi ng Doctor kanina ay isang operasyon ang peklat ko. At ang kambal daw na nakasalubong ko kanina ay conjoined twins. Kambal na magkadikit ang likod. Tanging operasyon lang daw ang makakapagpahiwalay sa mga ganoong kaso. Pero bakit? Ganoon din ba kami ni Kit? Paano nangyari 'yon? wala akong naaalala na magkadikit ang mga likuran namin.
Shit! Mas lalo akong naguguluhan. Sinong pagtatanungan ko? Kalansay ng Lolo ko sa sementeryo? Si Dr. Mershelle? Asa naman ako sasagutin ako non. Sa ampunan kaya na pinanggalingan namin ni Kit?
Pero saka ko muna aabalahin ang sarili ko para doon. Mahalaga sakin ngayon ang trabaho ko.
Pauwi na kami ni Kit, at lulan kami ni air nangingiti siya habang nakatanaw sa ibaba ng busy City.
"Iba ngiti natin ah, may giawa kayo ni Cronux no?" bigla niya akong binatukan.
"Hoy! Di por que green ang buhok ko, green minded kana, masama bang ngumiti kapag binigyan ka ng bulaklak ng manliligaw mo?"
"Ewww... bulaklak-wait? Binigyan ka ng bulaklak ni Cronux? Patingin nga!" inilabas niya ang isang tangkay ng rosas.
Sandali...bakit steel?
"Bakit bakal 'yan?"
"Kasi, kasing tibay daw ng pagmamahal niya." Hays. Kakornihan talaga ng mga lalaki.
"Sana kasing tibay din n'yan ang pagmumukha niya kapag sinapak ko siya kung niloko ka niya."
"Ang rude mo naman twin." I smirked.
"Mamahalin ba uli si past o magmamahal na uli?" natahimik siya. Hindi pa rin makapag moved-on! Pero, mahirap kaya.
Pagdating sa masion ay masaya kaming sinalubong ni Kinnick.
"Nagluto na 'ko ng hapunan, tara kain na tayo." Sabi niya.
"Wait, bihis lang ako." Sabi ni Kit saka umakyat.
"Sandali may nagtext," nasa center ako sa uluhan ng chandelier. Habang nag-scroll ako ng text messages ay biglang sumigaw si Kinnick.
"Kae! Yung chandelier..." narinig ko nalamang ang ugong ng chandelier na pabagsak mataas ang ceiling pero abot hanggang second floor ang chandelier na made from true piece of diamond ang bawat bato. Tila slow motion niyakap ako ng mahigpit ni Kinnick at buong pwersa niyang itinalon ang sarili upang hindi kami mapuruhan ng pabagsak na chandelier.
"Pikiiitttt!!!!" sigaw niya, na sinunod ko. At naramdaman ko nalang ang ilang bubog ng chandelier na dumadaplis sa balat ko. Malalakas na debris mula sa chandelier ang nararamdaman ko sa balat ko, nang hindi kona narinig ang pagbagsak ng chandelier ay napamulagat na 'ko. Nakita ko si Kit na pababa ng hagdan at nagsisigaw sa nakitang sitwasyon namin.
"Kit! Huwag mong masubukang humakbang dito. Pindutin mo nalang ang security system na nandiyan sa second floor dali!" tumalima si Kit.
Napatingin ako kay Kinnick. May tatlong galos siya sa mukha, na tinamaan ng ilang matatalim na bubog.
"Salamat at ligtas ka..." sabi saka nawalan ng malay. Doon ko lang napagtanto na may tumarak na malaking tipak ng chandelier sa likuran niya.
"Andropholos!!!" Sigaw ko. Hindi ako makakilos dahil sa nagkalat na mga bubog sa paligid ng mansion.
"Kit!!! Tumawag ka ng ambulasya! Si Kinnick!" pulos kaba at takot ang naramdaman ko. Parang hindi ko kakayanin kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya.
Maya-maya pa nga ay dumating na ang rescue team. Inalis muna nila ang mga nagkalat bugbog bago kami nilapitan ni Kinnick. Kaagad na inilagay sa stretcher si Kinnick at ipinasok sa ambulansya kasama ako. Puro daplis lang ang natamo ko.
Pagkarating namin sa hospital ay kaagad siyang ipinasok sa emergency room. Samantalang ako ay hindi mapakali.
Palaisipan parin sa'kin ang mga nangyari. Imposible na madiskaris ang chandelier dahil buwan-buwan kong chine-check ang kalgayan non. Hindi kaya may nanadya? Sino naman kaya at ano ang motibo niya para patayin ako o si Kit? Wala akong naaalala na nakabangayan ko bukod sa demonyitang kapatid ni Kinnick. Hindi nga kaya siya ang may pakana? Kung siya man. Humanda siya sakin dahil titirisin ko siya!
Dumating na si Kit. Kaagad niya akong niyakap.
"Nasaan na siya?" tanong niya. Tumingin ako sa ER. Napabugtong hininga siya.
"Wala paring lead ang mga nagimbistiga, pero..." may kinuha siyang plastic sa bulsa niya. Naglalaman 'yon ng isang pulang microflask.
"Ito lang ang nakita nila pagkaalis nila ng chandelier." Kinuha ko 'yon.
"Sige, titinggnan ko kung may kinalaman ang bagay na ito sa insedenteng ito." Napatango si Kit. Sinandalan ko ang balikat niya, at nagsimulang tumulo ang luha ko.
"Kit, natatakot ako...sana, maging maayos siya." Hinagod naman niya ang likod ko.
"Ano kaba, kaya 'yon ni Kinnick parang pusa yon diba? Maraming buhay."
"Sana nga..."
Nang nasa recovery room na si Kinnick ay kaagad namin siyang tinungo ni Kit. Nakausap namin ang Doctor, ang sabi nito ay hintayin na lamang namin siyang magising. Nalunos ako sa mga nakita kong bandage sa halos buong katawan niya, lalo na yung tatlong galos niya sa mukha.
"Kinnick, siguraduhin mo lang na gigising ka ha? Sige ka, sasapakin kita!"
"Pst! Kae, tinggnan mo naman ang kalagayan ng tao!" napaupo ako sa sofa na naroon. Tinabihan ako ni Kit.
"Halata sayo na hindi mo kakayanin kapag nawala siya."
"May pinagsamahan naman kami ng limang taon, kahit sa cyber world lang. Tapos ngayon wala pa kaming isang buwan na magkasama sa mansyon."
"Handa kana bang buksan ang puso mo para sa kanya?" sinungaling ako kapag sinabi kong OO.
"Sorry, nasa gagong lalaki parin kasi yung susi, pinad-lock niya ang puso ko."
"Kakambal nga kita..." nginitian ko siya. Hindi pa nga ba ako handa na magmahal uli?