EXF 12- MOTION
Motion- an act or process of moving. A formal suggestion or proposal that is made at a meeting for something to be done.
~
Kit's POV
Last night. Oo kagabi, isang hindi makalimutan na sandali dahil sa panaginip ko. Napaka-weird kasi ng nasaksihan ko. Pero napakaimposible kasi na nangyari na ang lahat ng iyon, heto at tuloy parin sa pagkirot ang sentido ko, pakiramdam ko anumang oras ay magpuputukan ang mga brain cells ko. Feel na feel ko.
Katatapos ko lang maligo, at kasalukuyan kong pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin hindi ko pa sinusuot ang damit ko. Lumabas narin si Kae sa banyo. Kunot noo niya akong nilapitan.
"Sa tingin mo, magagawan pa ba ng paraan itong malaking peklat natin sa likod? Ang pangit eh," tumalikod siya upang ipakita ang isang mahabang peklat mula sa gulugod niya. sabi ni Lolo ay tanda daw iyon ng kalikutan noong mga bata pa kami ni Kae. Pero tingin ko, mukhang magkaiba yung mahabang peklat at mukhang nasunog na peklat namin. Nagtalikuran kami.
"Tingnan mo oh, parang pantay lang yung nasunog na peklat natin, ibig sabihin para pala tayong magkadikit tayo nung ginawa natin ang kilikutan na 'yon," natatawang sambit ni Kae, ako naman ay napaisip.
Una, bakit bawal kami sa hospital.
Pangalawa, bakit bawal na iba ang sumuri samin bukod kay Dr. Mershelle
Pangatlo, bakit nararamdaman ko na may malaking kahulugan iyong peklat namin?
Pang-apat, parang may kinalaman dito ang panaginip ko.
"Kit!" napatakip ako ng taenga. Leche talaga itong ngala-ngala ni Kae. Bibingihin kang tunay.
"Ano ba?" yamot kong tanong habang sinusundot ang taenga ko, mukhang nasira eardrum ko ah?
"Ano'ng balak mo? Hindi na magbihis?" tanong niya habang pinapatuyo ang buhok.
"Edi, magbibihis na!" binuksan ko ang closet ko.
Nasa ganoon kaming ayon nang biglang bumukas ang pinto.
"Gusto-'' napahinto siya nang makita kami.
"Libreng kumatok diba?" shet! Naka-bra at panty lang kami ni Kae eh! Jusmiyo!
Maya-maya pa ay tila nawawalan ng hininga si Kinnick, sabay dinudugo na ang ilong.
"F*ck!" mabilis namin sinuot ni Kae ang roba namin at dali-daling tinakbo si Kinnick na sa pagkakataong iyon ay nawalan na ng malay.
Pinaamoy namin ng ammonia si Kinnick, nagising naman siya at nakapagbihis na kami ni Kae, kaagad na namula ang mukha niya ng makita kami ni Kae. Tinampal siya sa noo ni Kae.
"Sa susunod kung may sasabihin ka, mag-intercom ka nalang." Napakamot ng batok si Kinnick.
"Gusto kolang naman magpaalam kanina, may pupuntahan lang sana ako." I rolled my eyes.
"Ano kaba, gawin mo ang gusto mong gawin no," sabi ko na kinangiti niya.
"Okay, sige, pumasok na kayo late na yata kayo. Basta ipagluluto ko nalang kayo ng hapunan." Ngumiti kami ni Kae. Napakabait talaga nito ni Kinnick, swete ng magiging asawa nito sa future pero malas din, kasi allergic siya sa katawan ng babae.
~
Sa office.
Focused na focused lang ako sa mga tina-type ko sa limang monitor. Natambakan kasi ako ng trabaho at mga dapat pirmahan ganito pala kahirap kahit mataas ang posisyon mo, shoulder mo parin ang lahat ng responsibilidad at trabaho sa buong kompanya. Mabuti nalang at nawala ang kirot ng ulo ko. Maya-maya pa ay naradaman kong may pumasok sa loob ng opisina ko. Hindi ko na dapat tinggnan dahil alam kong siya iyon.
"How's your day Miss Kit?" naging smooth ang pagtipa ko sa crytalic keyboard ko.
"Kung tutulungan mo ako sa tambak kong trabaho baka natuwa pa ako sa'yo," wika ko na kinatawa niya. Inayos-ayos niya ang necktie niya saka may kinuha sa loob ng coat niya. Nilapitan niya ako at inilapag ang bagay na iyon. Napatingin ako doon.
Isang tangkay ng rosas. But wait? Steel?
Kinuha ko iyon.
"Invention mo ba 'to?" ngumiti siya. Gosh! Puso... ang landi-landi mo!
"Hindi, tanda lang ng pagmamahal..." napatingin ako sa kanya. Yay! Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Oo alam kong nanliligaw siya pero, seriously? Mahal agad?
"Ang landi na nga sa FC, pati ba naman sa real world?" pabulong kong sabi.
"Lucille ikaw ba 'yan?" biglang tumahip ang kaba sa dibdib ko.
"HA?!" natawa siya.
"No, wala may naalala lang ako." Nagpamulsa siya. Hay katangahan Kit' wag pairalin. Muntikan kanang bata ka.
"Alam mo ba na ayokong umalis sa kasalukuyan?" nangunot ang noo ko, promise. Napaka corny niya na talaga.
"Kasi wala kang future?" natawa siya, makislap na mga niya ang napatingin sakin.
"Hindi, dahil hindi kita kasama, gusto kong makasama ka sa future." Yie! Naduling ang mga atoms ko. Shet! Ganito ba siya magpakilig?
Kit ano na? mamahalin uli si past o magmamahal na uli? Pili na, now na! 'wag na lumandi pa.
"Gutom kana ba? Tara, kain na tayo." Sabi ko, sabay pinatay ang monitor. Nanatilli kaming hindi nagkibuan. Ang awkward lang. Hindi ko naman siya pinapaasa diba? Wala naman akong sinabi na manligaw siya o ano.
"Sige, sabay na tayo mag-lunch." Sabi niya pero alam ko na itinatago niya lang ang pagkadismaya.
Palabas na sama kami ng office nang biglang may tumawag sa phone ko.
"Oh, Kae, bakit?"
[ Kit, si Cexza nasa Hospital daw,]
"What? Bakit?"
[Basta, sumunod ka nalang dito.]
Namatay na ang kabilang linya. Ano 'yun? Paano nangyari 'yon? Napatingin ako kay Cronux.
"Sorry, pero nasa Hospital daw si Cexza, pwede mo ba akong samahan muna d'on?"
"Sure, why not." Sabi niya sabay ikinumpas ang kamay at lumapit sa ulunan namin ang sasakyan niya. nagtelefort kami patungon Hospital.
~
Katrina's POV
Patuloy paring gumugulo sa isipan ko ang nakita ko kay Kit kagabi. Sa ngayon ay ini-isketch ko iyon, malinaw na malinaw parin iyon sa isip ko. At gagawin ko ang lahat upang tuklasin kung anuman iyon.
"Kae. Makalat. Laboratory. Sobrang. kalat. Lilinisin. Ko." Napatingin ako kay Paolo the android. Paano ko kaya maaayos ang boses ng mga android na 'to? Hirap kasing i-program, nakakabobo. Pero lahat ng kilos ni Paolo, kuhang-kuha niya.
Itiniklop ko muna ang ini-isketch ko at ipinagpatuloy ang pagkukumpuni sa Hermes shoes jusme, deadline na nito nextweek. Kinuha ko ang isang microchip at inislot sa likuran ng sapatos. Sana ay ma-perfect ko ang formula ng gravity para gumana na ito. Isinuot ko ang sapatos. Pinidot ko ang neurotransmitter upang sundin ng microchip ang gusto ko.
Lumulutang nga ako. Kaso ay gumegewang-gewang ako habang nilalakad ang sapatos. Nang hindi kona mabalanse ay akala ko ay tuluyan ako babagsak sa floor, mabilis akong nasalo at naalalayan ni Paolo the android. Napatingin ako sa walang emosyon niyang mga mata. Ano bang aasahan mo sa robot?
"Kae. Ingat.ka. para.hindi. mahulog." Napayuko ako. May mga ala-ala niya na tumatakbo sa isipan ko.
*flashbacks*
Nag-apiran kami ni Paolo nang matapos namin ang blueprint ng bagong gagawin naming device. Isa iyong card reader na pwede sa lahat ng aspeto mapa-ultimo electricity. Wala kami sa laboratory kundi nasa isang paborito kaming lugar, sa resthouse nila isang mataas bundok iyon at pamilya nila ang nagmamay-ari. Gustong-gusto naming nagtatayo ng tent sa bahagi ng bangin dahil doon tanaw ang isang water falls tapos ang buong paligid ay humahalimuyak ang mabangong bulaklak. Mabuti nalang at bago padumilim ay natapos na namin ang blueprint. Binuksan niya ang isang LED light at inilabas ang isang telescope, yes! Mag-istar gazing kami.
Malamig ang simoy ng hangin, naramdaman ko ang pagpatong niya sakin ng kumot. Nagtinginan kami, niyakap ko siya.
"Mas mainit ang yakap mo." napangiti siya sabay hinigpitan ang yakap sa'kin. Para sa'kin ay walang kapantay ang pagmamahal na binibigay niya sakin.
Inilatag ko ang kumot, nahiga kami at muli niya akong kinulong sa mga bisig niya habang nakatanaw sa nabitwin sa kaulapan.
"Ano'ng constellation 'yon? Kapag tama ka, iki-kiss kita sa noo." turo niya sa isang star formation.
"Cassiopeia," aba, gusto ko rin naman ma-kiss sa noo no.
"Tama," ki-niss niya ako sa noo.
"Isa pa, kapag nahulaan mo uli, sa lips naman kita hahalikan." Itinuro niya ang isa pang sta formation.
"Kronica..." alam ko na Kronica iyon. Bigla ay pumaibabaw siya sa'kin.
"Tama ka..." naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Hindi naglalaho ang nararamdaman ko sa tuwing hinahalikan niya ako ay tila laging pang-unang halik sakin. And ofcourse ,I response to his sweet kiss.
*end of flashback*
Kriiiiinnnnggggggg.....
"May.tumatawag."nagising ako sa kasalukuyan dahil bigla akong binitawan ni Paolo the android at inabot sakin ang cellphone ko.
"Hello? Cexza? Bakit?"
[Bess, hindi ko matawagan si Kit eh, nandito ako sa Hospital eh," napamulagat ako sa gulat.
"WHAT?! Napaano ka?" alam kong nailayo na niya ang cellphone niya sa lakas ng boses ko.
[I'll explain everything, puntahin niyo 'ko dito immediately!] nawala ang kabilang linya. Hindi ko alam kung saan ko naibalibag ang cellphone, dali-dali akong lumabas ng laboratory ko at tinawagan si Kit sa watchphone ko.
Langyang Cexza ano'ng kagagagahan na naman ang ginawa.