Chapter 11

2176 Words
EXF 11- INTENSITY Intensity- the quality or state of being intense-extreme strength or force, the degree or amount of strength or force that something has. -- DARK GALACTIC QUARTER -...-.-..-.....-. ------------------------------ .---- ...-- ....-- ----- ----....--.......-...--..-------.. --------------------/-...../..-...-...-...-...-./-.-..-.--......-.-.../.--.-.../..-..-...-....-../----/-...-.-.-..--./-...-../-...../-.....-..../.-..---.-../..-.-./..-.---.-./-...../..-.---.-..-....-.-...--..----. {0000001340067432910000 The infinite capsule was failed to detected. We need the three more IC for the formulation.} "Inutil!" pabalang na tumayo ang pinuno matapos mabasa ang nasa monitor. Nabanaag naman ang takot sa kanyang kanang kamay. "Gawan mo ng paraan 'to! Walang kwenta ang pananatili dito ng consumer!" kaagad na napatingin ang isa kay Lelouch. Alam niya kung paano uminit ang ulo ng kanyang pinuno. "Ngunit, pinuno kahit makuha pa natin ang blue and purple IC ay palaisipan parin kung nasaan ang pinakamalakas na black IC" naikuyom nito ang kamao. "Tingnan natin kung hanggang kailan magmamatigas ang taong may hawak non, dahil kahit na anong mangyari ay mapapasakin 'yon!" napatingin sa kanya ang pinuno. "Gumawa ka muna ng paraan kung paano makukuha ang dalawang IC saka ka bumalik dito," tumalima ang kanang kamay saka lumuhod. "Masusunod, pinuno." Mabilis pa sa kidlat na naglaho ito. Lumapit ang pinuno sa nakahimlay na si Lelouch na nasa loob ng glass cylinder. "Hayop ka, pakawalan mo ako dito, ngayon din!" mula sa gilid nito ay lumabas ang isang monitor kung nasaan lumabas ang imahen ni Lelouch. Sa pamamagitan ng isang connector cord na naka-konekta sa nervous system nito, tanging utak lamang nito ang makikipag-komunikasyon sa kaniya. "Oh, nagising ba kita?" mula sa monitor ay kitang-kita ang galit sa mga mata ni Lelouch. "Hindi ka magtatangumpay sa mga binabalak mo!" tumawa ng makahulugan ang pinuno. "Hilingin mo lang, at maghintay ka dahil makakasama mo narin siya." "Huwag mong masububukang idamay siya dito!" ngumisi lang ang pinuno. -- Kit's POV Nasa entertainment room kami nila Kae at Kinnick habang nasa likuran ang dalawang android. Tutok na tutok ang dalawa sa pinapanood naming movie. Samantalang ako ay abala sa nginangatang popcorn, buti at rest day namin ni Kit ngayon kaya heto at naisipan naming manood ng movie marathon para mapawi ang boredom. Horror ang naisipan naming isalang kaso mga mukha naming ewan 'tong mga kasama ko. "Oh! Mommy!!!" nagkapitan ang dalawa at naghilahan ng throw pillow. "King*na niyo namang dalawa oh!" bulyaw ko sa kanila. Tumingin sila sakin. "Ano'ng kadayaan 'yan? Dumilat ka!" bulyaw din sakin ni Kae. Oo na! aamin na, nakakatakot naman kasi talaga yung movie, tangina, ipapa-hack ko ang gumawa niyan. "Shhh ingay niyo, dali na kasi wala ng duwag!" "Wow, nagsalita ang matapang." Tumayo si Kae. "Tara Kit, maiwan nga natin siya dito!" kaagad siyang hinila ni Kinnick. "Huwag po Ate..." pagmamakaawa nito. natawa kaming dalawa. "Error! Error! Don't touch Kae, I will puch you." Napatingin kami kay Paolo the android. Hindi pa kasi namin sanay i-program ang dalawa pero buti nalang at hindi na nila minamanyak si Kinnick. Nitong mga nakaraang araw kasi ay hindi kami uuuwi ni Kae kaya hindi nagru-rumble ang tatlo. Nung isang araw kasi ay nakabitin patiwarik si Kinnick sa hindi namin malaman na dahilan ewan ko ba, silang tatlong lalaki I mean dalawang android na lalaki at isang halfnormal na lalaki ang nagkakaintindihan. "Hoy! Shut up, marami ka pang utang sa'kin!" sigaw ni Kinnick. Napakamot ako ng ulo, kausapin daw ba? "Magkano. Utang. Ko. Bayaran. Ko. Gusto. Mo.?" Hay! Ayan nanaman ang dalawang ugok. Sa araw-araw sila ang nagbabangayan. Buti nalang si Lelouch the android walang topak, tahimik lang na nakatulala seriously? Palibhasa hindi naman kasi siya seloso. Pero naaalala ko noon kung paano niya ako protektahan. Ikaw ba naman magkaboyfriend na leader ng isang frat at laging laman ng oblation run. Nung naging kami ay hindi na siya tumatakbo. The for keeps memories of us. Kinuha ko ang tablet at nag-set ng ilang program doon patungkol sa kanya. Hindi ko namalayan na niyakap na niya ako mula sa likuran. Ang puso ko ay biglang dumagundong. "Huwag. Kana. malungkot. Ayokong. Nalulungkot. Ka." I just smiled bitterly. Puny*ta ka pala eh, kung hindi mo ako sinaktan hindi sana ako malulungkot ng ganito. Pinindot ko ang sleep button at naramdaman ko ang pagbitaw niya sakin. "Kae, labas na tayo." Aya ko sa kanya. "Sandali lang, 'wag niyo 'kong iwan dito." Pahabol naman ni Kinnick. Hindi ko malaman pero madali na akong mairita ngayon, dala siguro nung nilagnat ako dahil sa hindi ko malaman na migraine ko. Tapos sinasabi pa sakin ni Kae na nagiging color purple ang mga mata ko. s**t! Bakit hindi ko naeencounter yon! Ang daya. "Kae, maganda ba talaga 'yung purple eyes ko?" sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi siya maganda kasi maari mong ikamatay." Sabi niya saka sumakay sa elevator. "You didn't know how nervous she is." Napatingala ako kay Kinnick na nakatunghay sa second floor ng grand staircase. "I'll baked something sweets, you want some?" "Sure, thank you." Tinapik niya ang balikat ko pagkababa niya. Gusto kong madiskubre kung ano ba talaga itong phenomena na nangyayari sa'kin. Oo in this modern era marami narin ang genetic code na tao, sila yung mga tataniman na kung ano sa katawan para lamang maging immortal. Isa iyon sa illegal na gawain at probihited lalo na dito sa bansang Pilipinas. Pero base sa mga mabasa ko may isa pang uri ng genetical code na apat na tao lamang ang mayroon no'n. sa Evolutionary code ng Infinite capsule. Mga uri ng botelyang may ampule na na inimbento ng apat na magigiting na scientist may labing limang taon na ang nakalilipas. Nakatanim daw ito sa apat na tao lamang sa buong mundo. Pero bakit nga ba napunta doon ang theory ko? Imposible naman na isa ako sa mga iyon. Sa pagkakaalam ko ay katalinuhan ko lang ang abnormal. Sandali nga lang at mapuntahan na muna si Kae, baka magkulong a naman 'yon sa laboratory niya. -- Kae's POV Alam naman ni Kit na madali akong mairita. Alam niya naman kung gaano ako nag-alala pero ang nakakabwisit parang balewala lang sa kanya! Hays, dala lang siguro ito ng boredom kaya mainit ulo ko. Isa pa, patuloy ko parin dini-discover kung ano ba ang mayroon kay Kit. Curious narin kasi akong malaman at si Doctor Mershelle alam ko na may tinatago siya samin ni Kit. Nakalimutan niya siguro na apo ako ng isang tanyang na robotic genius at scientist na siyang si Lolo. Kung may pagmamanahan man ako ay siya na 'yon. Grabeh! Ayoko ng walang ginagawa eh! Nag-uupgrade parin kasi yung ginagawa kong hermes shoes baka bukas ko pa makumpuni uli iyon. Syete! Kailangan may gawin ako. Hindi na 'ko ganoong nagfe-f*******: dahil narito na mismo sa pamamamahay ko ang dahilan kung bakit ako nag-e-sss noon. Napatingin ako sa isang portrait. Ang ganda ng pagkaka-shade ng color green sa isang field. May bigla akong naisip. Dali-dali akong pumasok sa laboratory ko at kumuha ng ilang chemical substance sa paggawa ng hair dye. Heto na, mapagtitripan ko ang buhok ko. After a minute ay natapos ko rin paghalu-haluin ang lahat. Bumaba na ako dala ang bowl na naglalaman ng hair dye. Hindi pa man ako nakakatungo sa kusina ay dinig kona ang sigawan at harutan ng dalawa. "Gago ka Kinnick! Yung butter sunog na,tama na pahid ng icing!" at ilang sigawan pa ang naganap. Mga walangya! Hindi nag-aaya mga bwisit! Nagtuloy nga ako papasok ng kusina. Pagkabukas ko ay... "Bakit ang kapal ng harina!!!" punyemas, wala akong makita. Kaagad kong pinindot ang wind upang ma-eliminate ang mga usok ng harina. Nakita ko ang dalawa na mukhang mga espasol. "Wow, mga bata?" pinameywangan ko sila. Putcha hindi ako nagseselos ah, naiinis lang ako. "Sorry, bwisit kasi 'tong si Kinnick, sabi ko ako na magluluto eh." "Hindi naman siya marunong magluto diba?" sabat ni Kinnick. Bigla siyang binatukan ni Kit. "Kota kana sa'kin ah! Nagpapaturo nga ako sayo diba?" napahawak ako sa sentido ko. "Tigilan niyo muna 'yan, ako na magluluto mamaya." Napatingin sila sa hawak ko. "Ano 'yan? Pandan cream?" tanong ni Kinnick. "Hindi. Halika muna kasi kayo dito!" lumapit sila sakin. "Bored ako Kit, tara, kulayan natin ng green ang buhok natin." Napangiti si Kit. "Sure!"madali talagang mapapayag ang isang ito. "Paano ako?" nag-pout si Kinnick. Hay utang na loob baka bigwasan ko siya. "Sumunod ka lang," sabi ko. Nagtungo kami sa veranda ng fourth floor. Natatanaw ko ang magandang papalubog na araw. Ang galing modern na ang lahat pero wala paring nakakatalo sa ganda ni Inang kalikasan. "Tara dito Kit. Kukulayan ko buhok mo, tapos ikaw Kinnick kulayan mo ang akin." Tumalima si Kit gayon din si Kinnick. Pero shems! Parang ang cool na isang lalaki ang magkukulay sa buhok mo. Hindi naman kasi mukhang nakakabakla, pero please 'wag po si Kinnick iba nalang. Sinimulan na namin ang pagkukulay. Mukha kaming three little Indians, pero kahit na dahil para sakin ay isa ito sa pinaka magandang bonding namin. Alam ko na mauulit pa ito.... "Ayoko na, hindi kona uulitin!" narinig ko ang pagtawa ni Kinnick. Pasalamat ang ungas na 'to at nakatalukbong ako ng kumot kundi'y talagang tatamaan siya sa'kin. Kinakalma naman ako ni Kit. "Kae, ayos lang 'yan, minsan ka lang maging tanga kaya lubusin mo na." " Bwisit ka! Bakit kasi hindi mo pinaalala na curly ang buhok? Tingnan mo tuloy ang labas, LUMOT!" tuluyan naring natawa si Kit. Paano kasi straight ang hair ni Kit kaya walang problema pero saken, yung saken! Sa dami ng mamanahin ko bakit kulot na buhok pa ni Mama. Kakainis lang. "Kae, maawa ka naman samin ni Kinnick, gutom na kami, akala ko ba magluluto ka?" "Wala! Dahil mukhang lumot ang buhok ko kaya walang kakainin!" sabay silang napahiyaw. "OA niyo naman!" sigaw ko sa kanila. Biglang hinila ni Kit ang kumot ko. Seryoso siyang nakatingin sakin. "Magluluto ka ipo-program ko si Paolo na halikan ka?" tsss, nag-black mail pa ang gaga. Inis akong tumayo. "Heto na nga diba?" oo na, umaamin na ako. Kahinaan ko ang halik ng gagong 'yon! napahinto ako dahil hinaraan ako ni Kinnick. Slow motion niyang hinaplos ang buhok ko. "Ang ganda ng buhok mo. Mukhang sea weeds." Sabi niya sabay karipas ng takbo. "Andropholos,' wag kang kakain!"wala talangang magawa sa buhay ang loko. Sa awa ay nagawan ko ng paraan upang palitan ang kulay ng buhok ko. Inabot nga lang ako ng dis-oras. Pagpasok ko sa kwarto namin ni Kit ay tulog na siya sa kabilang kama. Naupo ako at kinuha ang blower saka inumpisahan na patuyuin ang buhok ko. "Don't leave me..." nangunot ang noo ko sabay napatingin kay Kit. Nakapikit parin siya, nagi-issleep talk ang gaga. Siguro si Lelouch na naman ang napapanaginipan. "Saan niyo po kami dadalhin?" muli akong napatingin sa kanya. "Natatakot na po kami...please umuwi na po tayo..." lalong nangunot ang noo ko dahil tila nanginginig siya sa takot. Binuksan ko ang lampshade niya. "No! no! hindi kami sasama!" patuloy niyang pagsigaw, kaya nagpanic na ako at nilapitan siya. Ngunit napahinto ako nang makita ko siya. May kung anong mga linya na gumuguhit sa kanya at lumiliwanag iyon. "Ahhhhh!!!!" sigaw niya hinawakan ko siya pero bigla akong nakuryente. Anong nangyayari? "Kit! Gumising ka! Parang awa!" patuloy siya sa pagsigaw, masakit man itong gagawin ko pero sinampal ko siya. Napadilat siya, naroon parin ang takot sa kanya. Pagkakita sakin ay kaagad niya akong niyakap. Parang bula na nawala ang mga guhit ka kanya kanina at hindi na ako nakaramdam ng kuryente ngayong niyakap niya ako. "Shhh, tahan na nandito lang ako." Patuloy lang siyang nagsumiksik sakin. Pero s**t! Yung mga mata niya nagkulay purple na naman at dalawa na ngayon! Ano ba 'to? "Kae, natatakot ako...." "Bakit? Ano bang napanaginipan mo?" hindi siya kaagad nakasagot dahil umiiyak siya. "Hindi ko maalala ang ibang detalye pero, madalas ko na 'yong nakikita sa panaginip ko. Ngayon, mas nakakatakot... hindi ako makapaniwala sa mga nasaksihan ko..." "Shhh...panaginip lang iyon, 'wag kang magaalala okay?"tumango siya saka nagsumiksik muli sakin. Wala akong choice kundi tabihan siya ngayong matulog. -- Dark Galactic Quarter Nagtatangis parin si Lelouch habang pinagmamasdan ang pinuno. Nakakaramdam siya ng kawalang pag-asa dahil sa pagakakakulog niya sa sariling utak at nakikita ang sarili sa loob ng glass cylinder. Tama ang hinala niya noon pa man na sumpa ang nakatanim na green infinite capsule na itinanim sa kanya noong bata pa siya. Alam niya na taglay niya iyon,kaya pinilit niya paring maging normal kahit alam niya na habol siya ng buong mundo at DGQ. Kailangan niyang makagawa ng paraan upang malaan sa Stelar Quarter na siyang pinagkakatiwaan niyang private quarters na kailangan niya ng tulong bago pa mapasakamay ng mga taong masasama ang mga mahahalagang IC. Ayaw niya na may madamay pa, lalo na siya... Si Kit. Mariin siyang napapikit. Nakikita niya na abala ang pinuno sa harap ng monitor, naiisip niya na baka gumagawa ito ng plano kung paano makukuha si Kit. Na siyang taglay ang purple IC. "Malapit na ang lost date Lelouch, sinisigurado ko sayong sa araw na 'yon ay makakasama mo na siya sa tabi mo." Tiningnan niya ito ng masama. Kung nakakalabas lamang siya sa loob ng monitor na iyon ay mapapatay niya ang taong kaharap. Wala itong kaluluwa! "Ito lang ang tandaan mo, handa kong ibuwis ang buhay ko para sa kanya, kaya sa oras na madaplisan mo lang siya ay mamaalam kana!" narinig niya ang pagtawa nito. Isang nakakainsultong tawa. "Aasahan ko 'yan," wika nito saka muling bumaling sa ginagawa. Kailangan kong maghunusdili...kailangan kong makagawa ng paraan...upang ipabatid kay Kit na nanganganib ang buhay nila ng kambal niya... Kailangan bago pa sila makuha ng DGQ ay nasa hawak na sila ni Metal Uneses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD