ONE NIGHT PLEASURE EPISODE 31 GENEVIEVE’S POINT OF VIEW. “I am only yours.” Sh-t, naalala ko na naman ang sinabi ni Alaric sa akin noong nakaraang linggo. And he kissed me after he said that. Napagkasunduan naming dalawa na hindi kami mag e-entertain ng iba—dapat kami lang dalawa sa isa’t isa. Agad din akong sumang-ayon at nakaramdam ako ng ginhawa. Bakit ko nararamdaman ‘yun? Parang masaya pa ako at parang pabor ito sa akin. Dapat ay magalit ako kay Alaric dahil pinagbabawalan niya akong makipagkita sa ibang lalaki… lalo na kay Carlos. Pero iba ang aking nararamdaman ngayon. Do I like him? No. Hindi pwede! Hindi ako pwedeng magka gusto kay Alaric at hindi dapat mahulog ang damdamin ko sa kanya. We didn’t marry each other to catch feelings. I married him because this is the only way

