ONE NIGHT PLEASURE EPISODE 32 GENEVIEVE’S POINT OF VIEW. MAY gusto ba talaga ako kay Alaric? Kahit noon pa? Bakit hindi ko ito alam? Pero alam naman ng kaibigan ko na si Marianne dahil halata ito sa akin… hindi ko lang na re-realize. “Good evening po, Ma’am Vivi! Nakauwi na pala kayo. Dumiretso na kayo sa may dining area, Ma’am. Nandoon na ngayon si Sir Ric at naghihintay sa niyo. Nakaluto na rin pala ako ng hapunan niyo ni Sir,” sabi ni Manang Lourdes ng makauwi ako sa bahay. Gabi na rin pala kami nakauwi dahil may emergency meeting sa company. Ininform ko na rin naman si Alaric na malalate ako ng uwi at hindi ko siya mapagluluto, kaya pumayag na rin siya na si Manang Lourdes na ang magluto ng hapunan. Ngumiti ako kay Manang at tumango. “Thank you, Manang. You’re a lifesaver talag

