The Daughter's Revenge
CHAPTER 1:
Isang araw habang busy ako sa paglilinis ng aking kwarto bigla akong may narinig na parang nagkakagulo sa baba,lumabas ako para sana tingnan kung ano ang nangyayari at nakita ko si Manang na humahangos ng takbo paakyat ng hagdan.Manang anong nangyayari bakit parang nagkakagulo sa baba tanong ko.Jade iha!ang mga magulang mo naaksidente,nabangga ang kanilang sasakyan tumaob ito at bigla nlng nagliyab saad ni Manang.Para akong tinakasan ng lakas sa mga narinig ko,napasalampak ako sa sahig habang humahagulgol.Hindi ko na alam ang gagawin ko,hindi ko matanggap ang nangyari sa mga magulang ko.Niyakap ako ni Manang,Iha papunta na dto ang tito at tita mo.Inalalayan nmn ako ni Manang pababa ng hagdan pra antayin ang mga kamag anak ni Mommy at Daddy,after 20 nominutes dumating na lahat ang kapamilya ni Mommy at Daddy.
Nakaupo ako sa sofa,tulala at walang tigil sa pagpatak ang aking mga luha di ko alam kung ano ang pinag uusapan ng mga tao sa paligid ko,sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula ngayong ang pinagkukunan ko ng lakas ko ay wala na.Di nagtagal ay dumating rin ang pinsan ko at ang boyfriend ko,di ko alam kung bakit magkasama sila pero hindi ko na sila pinansin ang gusto ko lng ay makita ang labi ng mga magulang ko.Tumayo ako at pinuntahan ang Tito ko para makausap tungkol sa nangyari.
Tito gusto ko pong makita yung taong nakapatay sa mga magulang ko.Jade wag kang mag-alala nakakulong na ang bumangga sa mga magulang mo,hindi ako papayag na hindi sya mabulok sa kulungan kailangan niyang panagutan ang ginawa nya,thank you po Tito.Niyakap sya ng kanyang tiyuhin.
Pero ang hindi alam ni Jade ay napapalibutan sya ng mga traidor na ano mang oras ay maaaring gawan din sya ng masama.
Naghahanda sila paalis ng bahay para pumunta sa burol ng mga magulang nya,ang secretay ni Daddy ang nag-ayos ng lahat para sa burol ng magulang ko.Pagdating nila sa lugar muling napahagulgol si Jade ng makita ang kabaong ng mga magulang niya,nakasarado ito at di binuksan sapagkat sunog ang mga katawan nito,nakahandang i cr*m*te ang mga labi nila pagkatapos ng 2 araw na burol.
Tulala si Jade na nakatingin sa kabaong ng mga magulang nya,nilapitan naman sya ng kaibigan nya at niyakap.Beshy nandito lng ako dadamayan kita kahit anong mangyari,tutulungan kitang mapanagot at mabigyan ng hustisya ang nangyari sa mga magulang mo.Hindi ko na alam Beshy kung sino ang masasandalan ko ngayong wla na ang mga magulang ko umiiyak na sabi ni Jade.Andito lng ako di kita iiwan sagot namn ng kaibigan niya.
CHAPTER 2:
Two weeks pagkatapos ang trahedyang nangyari sa mga magulang ni Jade ay wla siyang ginawa kundi magkulong sa kwarto kung nasaan ang abo ng mga magulang niya,minsan nakatulugan nya nlng ang pag iyak habang yakap-yakap ang litrato ng mga magulang.Hindi madali para sa kanya ang mga nangyari,buti nlng andyan ang kaibigan nyang si Courtney.
Jade andyan ang mga Tito at Tita mo sa baba kailangan ka daw nilang makausap sabi ni Manang.Cge po bababa nlng po ako.
Nadatnan ko sila Tito sa sala na nag uusap,ng makita nila ako lumapit sila yumakap.kamusta kna iha?tanong ni Tita.ok lng po ako Tita.Bakit nga po pla kayo nandito may problema po ba?Iha hindi na ako magpaligoy ligoy pa,ngayong wla na ang mga magulang mo kailangan merong mag manage ng kumpanya at sa iba pang negosyo sagot ni Tito.
Pwede po bang pagpaliban po muna natin ang tungkol dyan,kamamatay plng po ng mga magulang ko. Nagluluksa pa po ako, aasikasuhin ko nmn po ang tungkol sa kumpanya,bigyan nyo lng po ako ng kunting oras.
Ikaw?anong alam mo sa pamamalakad ng kumpanya?gusto mo bang mauwi sa wla ang pinaghirapan ng mga magulang mo?Hindi ka karapat dapat mamahala ng kumpanya dahil wla kng alam galit na sabi ni Tito.
Tito hindi ko po hahayaan na mauwi sa wla ang pinaghirapan ng mga magulang ko,alam kung nagmamalasakit kayo sakin pero kaya ko nmn po.May sariling kumpanya din po kayo na dapat nyong asikasuhin,yun nlng po muna ang unahin nyo sagot ko.
Ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa ang nagmamalaki,sa tingin mo ba hindi aatras ang mga investors pag nalaman nilang walang namamahala ng kumpanya?Ako lng ang karapat dapat na pumalit sa pwesto ng ama mo at hindi ikaw na walang alam galit na sigaw nito sabay talikod at tinungo ang pintuan para umalis.
CHAPTER 3:
Galit na galit ang mag-asawang Jonathan at Alma pagdating sa kanilang bahay,akala nila mabilis lng nila mapapayag si Jade na sila ang mamahala ng kumpanya pero mukhang nagkakamali sila.
Ano na ang gagawin natin?tanong ng kanyang asawa.Hindi pwedeng hindi mapasa atin ang kumpanya kaya ko nga tinanggal sa landas ko ang mag-asawang yun para mapasa akin na ang lahat,kaya ko rin tanggalin sa landas ko ang Jade na yun pag nagmatigas pa siya sagot ni Jonathan.
Si Jonathan ay inampon lng ng pamilya Parker,binigyan ng sariling negosyo pero dahil sa pagiging ganid nito, gusto niyang mapunta ang lahat sa kanya.
Siya rin ang nagpapatay sa mga magulang ni Jade,nalaman kasi ng mga ito ang tungkol sa pagkalulong niya sa casino at ang pag dispalko nito ng pera ng mga investors sa kanyang sariling kumpanya,kaya baon siya sa mga utang.Pero bago pa ang lahat kailangan mapasakamay niya na ang kumpanya ng kapatid,kailangan siya ang hahawak ng malaking shares ng sa ganun sya ang may kontrol.