Paglabas namin ng kumpanya ni Lily ay tinungo ko kung saan ako nag park nag insist ako sa kanya na ihahatid ko siya sa kanila,bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse ko ng may isang lalaki na lumapit. Ma’am excuse me po,gusto daw po kayong makausap ni Boss, kung hindi ako nagkakamali ito ang lalaki na kasama ni Mr.Miller kanina sa boardroom secretary niya yata.Tinungo namin ang kotse ng Boss niya,pinagbuksan niya ako ng pintuan at sinabing pumasok na raw ako.
Good afternoon Mr.Miller gusto niyo daw akong makausap?tanong ko sa kanya.Alam kung magtataka ka kung bakit bigla akong nag invest sa kumpanya ng Daddy mo, sariling desisyon ko ang pag invest.Matagal ng magkaibigan ang amo ko at ama mo,nakiusap ang daddy ko na kung pwedeng mag invest ako sa kumpanya niyo para matulungan ka habang pinag aaralan mo pa ang pagpapatakbo nito paliwanag niya.Bakit ngayon mo lang naisipan na mag invest kung saan wala na ang ama ko,kung gusto mo palang mag invest bakit di mo ginawa nung buhay pa ang daddy ko?Anong pinaplano nyo ng Tito ko?hindi ba sinabi niya kanina sa boardroom na dahil sa kanya kaya ka nag invest?Anong laro ba ang gusto niyo hindi pa ba sapat na tinanggalan niyo ako ng karapatan na pamahalaan ang kumpanya at para na mapatunayan ko ang sarili ko na kaya ko? sagot ko sa kanya.
Hindi ko alam ang sinasabi mong laro at hindi ako nakikipagsabwatan sa Tito mo. Hindi ako nag invest noong nabubuhay pa ama mo dahil di naman kailangan,maganda ang takbo ng negosyo nyo sa pamamahala ng ama mo kaya kahit hindi ako mag invest di naman yun kawalan sa ama mo.Pumunta ako ng kumpanya niyo kanina ng ipaalam sa akin ng secretary ko na nagpatawag ng board meeting ang CEO kaya pumunta ako bilang bagong investors,pero nagulat ako ng malaman ko na hindi ikaw ang nagpatawag kundi ang Tito mo at siya na ang bagong CEO paliwanag niya.Nalulugi na ang kumpanya ng Tito mo dahil sa pagkalulong sa casino,pati ang mga pera ng mga investors niya sa sariling kumpanya ay nadispalko niya kaya baon siya sa utang,at yun ang dahilan kung bakit nasa kumpanya niyo sya ngayon.Ano sa tingin mo ang gagawin niya?Lahat ng investors ay pipilitin niyang lumipat sa kumpanya niya,lahat ng pera ay mapupunta sa kanya at pagkatapos iiwan niya ang kumpanya niyo na bankrupt at ang kumpanya niya naman ang umunlad,sa larangan ng negosyo dapat alam mo ang laro ng kalaban mo dapat alam mo ang kahinaan nila mahabang paliwanag niya.
Ano ang dapat kung gawin?alam mong hindi ako experto sa pamamalakad ng kumpanya,hindi ko naman alam na may pinaplano pala ang tiyuhin ko na angkinin ang kumpanya ng Daddy ko.Kaya pla ilang linggo palang nawala ang mga magulang ko noon gusto niya ng siya ang humawak ng negosyo ayon na pala talaga ang plano nya.
Kaya ako nandito para tulungan kang mabawi ang lahat ng meron ka,kailangan mo parin pumasok ng kumpanya kahit hindi ikaw ang CEO dapat mong alamin kung ano ang pinaplano ng Tito mo.Hindi mo balewalain ang mga nangyayari sa kumpanya lalo na ang namamahala nito ay isang sakim at ganid sa kapangyarihan.
Matapos ang pag-uusap namin ni Mr.Miller ay tinungo ko na ang sasakyan ko,nauna ng umuwi si Lily.Pumasok ako sa kotse ko at pinatakbo na,habang nasa byahe ako naisip kung puntahan ang boyfriend ko sa condo ,niya kaya tinungo ko ang daan papunta doon.Pero habang binabaybay ko ang daan hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako kinakabahan, parang merong mangyayari na kakaiba, o baka nmn excited lng akong makita siya simula ng matapos iburol ang mga magulang ko hindi ko siya nakikita,alam ko naman na gusto niya lang niya ako bigyan ng panahon na makapag luksa at naiintindhan ko naman yun.
Nakikita ko na ang building kun nasaan ang condo niya habang papalapit ako mas lalong dumoble ang kabang nararamdaman ko hindi ko maintindihan kung bakit. Pagdating ko sa building naghanap lng ako ng maparkingan,paglabas ko ng sasakyan napansin ko ang isang pamilyar na kotse.Bakit nandito ang kotse ng pinsan ko,anong ginagawa nya dto.Baka meron lang siyang kaibigan na binisita kausap ko sa sarili ko.Pumasok ako sa loob ng building,binati pa ako ng mga guard.
Tinungo ko ang elevator pagpasok ko pinindot ko ang 7th floor doon kasi ang unit ni Jason,kinakabahan man ako pero binaliwala ko lng,paglabas ko drtso kung tinungo ang unit niya,di ko naman kailangan kumatok may spare key ako ng unit niya,pinasok ko ang susi sa door knob at pinihit ito.Pagpasok ko bukas ang ilaw kaya sigurado akong nandito siya,naglakad ako patungo sa kwarto niya ng bigla akong mapatigil.
Ahhh…Babe ang sarap,faster babe ahhh…,mga ungol na nanggagaling sa kwarto ni Jason, para akong nanghihina, para akong nawalan ng lakas,sunod sunod na umagos ang aking mga luha.kilalang kilala ko ng boses na yun,kaya ba nandito ang sasakyan ng pinsan ko dahil may lihim silang relasyon ng hinay*p*k kung boyfriend
,pinilit kung maglakad papunta sa kwarto at basta nlng binuksan,nagulat pa ang mga ahas mukhang hindi nila inaasahan na makikita ko sila,mga hay*p kayo,mga manloloko paano niyo nagawa sa akin to ha?sigaw ko sa kanila.