Ilang buwan na ring lumipas ay tuluyan ng gumaling si Jade,nandito parin sila sa probinsya.Ang sabi naman ni Clyde kailangan ko munang paghandaan ang pagbabalik ko.
Nalaman ko rin mula sa kanya na tuluyan na ngang pinalugi ni Jonathan ang kumpanya ng Daddy ko kaya bago pa mawala lahat ng pinaghirapan ng Daddy ko ginawan na ito ng paraan ni Clyde.Bumalik na rin sa dati ang kumpanya ni Jonathan pero lulong parin sa sugal,mukhang naghahanap na naman ng mag iinvest sa kumpanya niya.
"Hey,nandito ka lang pala,"nakita ko si Clyde na papalapit sa pwesto ko.
"Nagpapahangin lang,ang sarap kasi ng hangin dito."sagot ko naman.
"Handa kana bang harapin ulit ang mga taong nanakit sayo?"tanong niya.
"Handa na akong harapin sila,kukunin ko rin ang lahat ng meron sila katulad ng ginawa nila sa akin.Hinding-hindi ko sila mapapatawad",sagot ko.
Hindi naman siya sumagot sa sinabi ko,tumingin ako sa kanya at napansin kung nakatitig siya sa akin.Humakbang siya palapit sa akin at nihawakan ang mukha ko.Hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa.Siniil niya ako ng halik.
"Mahal kita Jade,mahal na mahal,tsaka niya ako hinalikan ulit."Hindi ko naman sya inawat sa ginawa niya bagkus gumanti rin ako ng halik sa kanya ,naramdaman niya sigurong gumanti ako kaya mas lalo niyang pinalaliman ang halik niya.
Nasa ganun kaming sitwasyon ng may marinig kaming kalabog,,tumigil kami sa paghahalikan at tiningnan ang pinanggalingan ng ingay.nakita ko ang kaibigan ko na nakatulala habang nakatingin sa amin.
"Opps..wala akong nakita",sabay talikod at lumabas ng kwarto.Nagtinginan lang kami ni Clyde,natatawa nalang kami sa kaibigan ko.
Magkatabi kami ni Clyde matulog,,nakayakap siya sa beywang ko.dahan-dahan kung tinanggal ang mga kamay niya para hindi siya magising.Bumaba ako ng kama at dumiretso ng banyo,pagtingin ko sa salamin nakita kong namamaga ang labi ko.Sh*t para akong kinagat ng bubuyog,paano ba naman hindi tinigilan ni Clyde ang labi ko kagabi.
Lumabas ako ng banyo matapos kung maligo,nakita ko naman si Clyde na nakahiga parin.Dumiretso ako sa closet para magbihis,habang naghahanap ako ng susuotin ko naramdaman kung may pumulopot na mga kamay sa beywang ko,sino pa nga ba kundi ang bubuyog na kumagat ng labi ko.
"Hmmm,,ang bango mo,"sabi pa niya.
"Maligo ka na rin para mabango ka.",sagot ko sa kanya."Maligo kana para makababa na tayo,nagugutom na ako,".Agad naman niya akong hinalikan sa labi tsaka lumabas ng closet para maligo.
Hinintay ko lang na matapos maligo si Clyde at sabay na kaming bumaba,pababa palang kami ng hagdan ng marinig namin ang dalawang boses na nagbabangayan.
Pagdating namin sa kusina nakita namin si Inigo at Courtney na nagbabangayan.,"Anong ginagawa niyo"?tanong ni Clyde.,tumingin naman ang dalawa sa amin.
"Ayang lalaking yan kinain ang bacon at itlog na niluto ko,,nagugutom pala pero hindi nagluto."duro ng kaibigan ko kay Inigo.
"Malay ko bang ikaw pala ang nagluto nun,akala ko kasi si Manang kaya kinain ko."sagot naman ni Inigo
"Wag na kayong magtalo dyan pwede naman tayong magluto ulit,"sagot ko sa kanila."
"Naku Mr.Miller magpalit ka na ng assistant/secretary."hirit pa ng kaibigan ko.
"Naku Miss Jade magpalit kana rin ng kaibigan."sagot naman ni Inigo.
Napapailing nalang kami ni Clyde sa kalokohan nilang dalawa,hahakbang na sana ako patungo sa ref ng bigla akong pigilan ng kaibigan ko.
"Teka beshy may kumagat bang bubuyog sa labi mo bakit namamaga?",tanong niya habang nakatingin kay Clyde.,."Alam ko na kung anong bubuyog ang kumagat diyan,pang aasar niya.
"May bubuyog dito sa loob sir"?,wala naman akong nakita,"inosenting tanong ni Inigo.
"Tumahimik ka diyan",sagot naman ni Courtney.Bago pa mauwi ulit sa bangayan ang dalawa inawat na ni Clyde.
Natapos na kaming kumain ng almusal pero ang dalawa nagbabangyan pa rin,hinayaan na namin sila.umakyat ako ng kwarto para maka pag toothbrush,pagkatapos ko lumabas na ako ng banyo,nakita kung nakaupo si Clyde sa kama.
Nagyaya siyang manood ng movie,kaya andito lang kami sa kwarto.nakahiga ako sa braso niya habang yakap naman niya ako.