Sa loob ng mansyon ni Jonathan ay tahimik at tanging malalalim na paghinga lang ng mga taong nakaupo sa sofa ang maririnig sa sobrang katahimikan. Si Jonathan naman ay magulo ang buhok,malaki ang eyebags at makikita ang pagiging miserable sa buhay.Ang inaakala niyang tagumpay na pang habambuhay ay panandalian lang pala.Sa pagiging gahaman niya sa yamang hindi naman sa kanya ay karma ang ibinalik sa kanya. Lahat ng kung anong meron siya ay nawala lahat dahil sa pagiging lulong niya sa sugal.Ang nag-iisang kumpanya na pag-aari niya ay mukhang tuluyan ng malulugi. Ngunit lingid sa kaalaman ni Jonathan na ang taong gusto niyang lapitan para maisalba pa ang nalulugi niyang kumpanya ay ang taong magbabalik sa nakaraan para maghiganti sa pamilya nila. Tumayo si Jonathan at pabalik-balik na na

