“Earth to Steffi, Earth to Steffi, hello?!” Napapitlag siya nang pagkarinig sa tinig na iyon. Naipilig niya ang ulo nang padaanin ni Chad ang palad sa harap ng kanyang mukha. “P-pardon?” He exhaled exaggeratedly. “I wonder where your mind is drifting this time. Or you don’t like the food?” Pareho silang napatingin sa walang bawas na Squid Pasta na nasa harap niya. Kahit ang paborito niyang Crown of Lamb na iyon sa Star of Giorgio ay hindi man lang niya nagalaw. Ang totoo ay natatakot siya sa kalagayan ni Dean. He’s getting serious about Margot. There is a possibility that they plan a wedding. And she won’t like it. Diskumpiyado pa rin siya sa katauhan ni Margot. She thinks the girl is really sick. At pihadong lalo siyang pagseselosan nito. Ang isa pang ikinatatakot niya ay si Bern

